Kabanata 15

1859 Words

Pinagsamang halinghing ng kabayo at sigaw ni Shane ang nagpangiwi sa akin. Kanina ko pang pinapanood ang pagpapaturo ni Shane na mangabayo kay Tatang Ben. Ilang beses na itong nahulog, pero ayaw pa ring magpaawat. May plano yatang sumali sa karera ang damuho. "Salubong na naman iyang mga kilay mo." Napalingon ako kay Emily nang maupo siya sa aking tabi. Bahagya akong umisig para mabigyan siya ng sapat na espasyo. "Marami lang akong iniisip." Sagot ko. Hindi ko alam kung tama bang makipagkuwentuhan ako kay Emily. Isa ito sa mga pinaghihinalaan ni Atty. Dela Vega. Ganoon din naman ako. Pero hindi ko pa rin matanggap na ang pinsan ko ang may kagagawan ng pagkamatay ni Dad. "I like your hair. Bagay sa'yo ang kulay itim. Lalo kang gumanda." Nakangiti nitong sabi habang pinapanood pa rin si S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD