Kanina ko pa napapansin ang mga mata ni mommy na matamang nakasunod sa akin, para bang may gagawin akong masama kapag nalingat lang siya sandali. Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin saka siya binalingan. "Anong nangyari?" tanong niya na parang positibo na may nangyari talaga. "Bigla ka na lang parang nawala sa sarili mula nang manggaling ka sa CR, ah?" "Wala, mom." Iniwas ko ang mga mata sa kanya dahil mahahalata niya na nang tuluyan ang lahat kapag nakita niya na malungkot ang mga mata ko. "Bumili ka ba ng pregnancy test kit kanina?" "Huh?" Nalilito kong ibinalik ang tingin sa kanya. Natutop niya ang bibig at gulat na gulat siyang tumingin sa akin. Ibinaba niya ang mga mata sa bandang tiyan ko. The color of her face faded. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig at hindi iyon ma