"Hindi na yata kayo nagkakasama ni Vince? Parang bihira ko na kayo nakikita na magkasama, ah?" Umupo si Marcus sa tabi ko at inabutan ako ng canned beer. Sa may dining table ay nakalatag ang mga street foods na kami mismo ang nagluto. Fishball, kikiam, kwek-kwek, hotdog, at isama mo na rin ang barbecue na binili naming luto na. I guess they want to throw a street foods party tonight. Uminom ako ng dalawang lagok sa beer bago ibinaba iyon at tumusok ng kwek-kwek. Hindi ko pinansin ang mga tutok na mata sa akin nina Marcus at Jane. Si Kent ang siyang nagbabantay sa nakasalang na fries ngayon. At si Hiro ay hindi pa nakakabalik mula nang magpaalam na susunduin niya ang nililigawan niya. Or was it her girlfriend already? Ewan ko. I swallowed the lump on my throat and acted innocent in fr