Tahimik akong umupo sa harap ng isang convenience store. Walang tao na dumadaan, marahil ay nagsi-uwian na dahil makulimlim ang kalangitan at nagbabadya ng malakas na ulan. Mabuti na lang at wala akong dala na libro. P'wede akong magpakabasa ng walang inaalala. "Highschool student o college?" tanong ng tindera bago inilapag ang binili kong beer. Then she stare at my identification card for a moment. Marahan siyang tumango na tila nakuha ang sagot sa kanyang katanungan at saka iniwan akong mag-isa. Balak ko sana na sa bahay na uminom pero binuksan ko na ang isang bote at ininom ang one-fourth no'n. Damn this weather, this feelings, this whole situation. Nilabanan ko ang sarili upang hindi tawagan o i-message si Vince. I was worried. Tama sila, ang mga kaklase at prof namin. Hindi siya p