- Vincent Yu - I heard it all. Lahat ng sinabi niya kay Janina sa tapat ng powder room ng restaurant, narinig ko lahat. Her words stung bad. So bad that it made me lash out on her the same day. I lied. Para sa akin hindi siya makasarili, nasasaktan lang siya kaya ganoon. Madalas ay naiintindihan ko siya, ang sitwasyon niya, ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Coreen is not a bad person. She's not perfect but she's real and genuine. Hindi siya plastic na tao at sasabihin niya kung ano ang gusto niya sabihin. Kaya nga alam ko rin ngayon na lahat ng sinabi niya sa akin ay totoo. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Huminga ako nang malalim at isinandal ang noo sa steering wheel ng sasakyan. Pagkatapos ng naging pagtatalo namin ay umalis ako agad. I know it's mean of me to leave her t