SAKTONG naluto ang noodles ay nakapuwesto na sa hapag-kainan si Kenji at Zandro. Dinala na niya sa mga ito ang almusal. Hindi siya nag-abalang tingnan ni isa sa dalawa kahit ramdam niya na nakatingin ang mga ito sa kanya.
"Thanks, Margaret," sabi ni Kenji nang maibigay niya rito ang niluto niyang noodles.
"Walang anuman, sir," sagot niya pero hindi niya ito magawang tingnan.
"Nag-almusal ka na ba?" pagkuwan ay tanong ni Kenji.
Napilitan siyang tingnan ito. "Uh, nag-almusal na ako sa bahay," aniya.
Hindi niya inaasahan na sisingit si Zandro sa usapan. "Ang aga mong dumating dito. Don't say napakaaga mong nag-a-almusal. You should eat again before go to work. Mahaba pa ang oras bago ang tanghalian," ani Zandro.
Naibaling niya ang tingin dito. "Busog pa naman ako, sir," sabi niya.
"Kumain ka kahit noodles lang. Ayaw ko nang empleyadong matigas ang ulo," pilit nito.
Hindi na siya nakipagtalo. Nang ibalik niya ang tingin kay Kenji ay napansin niya na masama ang tingin nito kay Zandro.
"Sige po. Maiwan ko na kayo," sabi na lamang niya saka bumalik ng kusina.
No choice siya kundi kinain ang natirang noodles sa kaserola. Nagtatakang pinagmasdan siya ni Aleng Rowena habang pumapapak ng noodles na inilipat niya sa mangkok.
"Hindi ka pa ba nag-almusal, Margareta?" hindi natimping tanong nito.
Naupo siya sa stool habang hawak lang ang mangkok. Hindi pa niya nasasagot si Aleng Rowena ay biglang pumasok si Zandro. May dala itong isang pan cake na nasa platito. Inilapag nito iyon sa mesa sa tapat niya.
"Malalaki ang ginawa mong pan cake. Kainin mo itong sobrang maliit para mabusog ka. Sa susunod, bago ka magsimulang magtrabaho ay mag-almusal ka. Hindi ko matatawag na almusal ang almusal mo. Eat that. Bantayan mo siya, Manang. Huwag mong patatatrabahuhin kapag hindi pa tapos mag-almusal. That's my order," palatak ng binata at kaagad ding lumabas.
Nagkatinginan sila ni Aleng Rowena. Kinakabahan siya. Bakas sa mukha ng ale ang pagkawindang. Natitigilan ito sa paghihiwa ng mga rekado habang nakatayo malapit sa kanya.
"Nag-almusal naman po ako pero kaninang alas-singko sa bahay. Sinabi ko naman po kay sir na nag-almusal na ako," aniya.
"O eh ano naman ang paki ni Doc doon? Bakit bigla siyang nagkaganoon? Dati naman ay wala siyang pakialam kung kumain o hindi ang empleyado," anang ale.
"Baka po dahil nariyan si Sir Kenji kaya nagbabait-baitan siya," sabi niya.
"Kung sa bagay. O siya, kumain ka na. Ubusin mo 'yang pan cake," udyok nito.
Hindi siya sanay mabusog nang sobra sa umaga pero pinagtiyagaan niyang maubos ang pan cake.
ALAS-OTSO na ng gabi pero hindi pa nakakaalis sa mansiyon si Margareta. Inaantabayanan niya ang service nilang tricycle pero ayon sa guwardiya ay hindi pa raw nakakabalik ang tricycle mula sa main gate na naghatid sa ilang manggagawa na umuwi. Natagalan kasi siya sa pagluluto ng pizza pie. Dapat sana ay alas-sais ang out niya sa trabaho.
Nang hindi pa rin dumarating ang tricycle ay sinimulan na niyang maglakad. Nakakawalong hakbang pa lamang siya mula sa mansiyon ay napahinto siya nang mamataan ang itim na pusa na nakaupo sa lilim ng puno ng palm three na may lupang nakaumbok. Akmang lalapitan niya ito ngunit bigla na lamang ito nawala nang matamaan ito ng liwanag ng sasakyan.
Napatingin siya sa kotse na nagmamaniobra mula sa garahe. Kotse iyon ni Kenji. Tumabi siya sa gilid ng kalsada. Hindi niya inaasahan na hihinto ang kotse sa harapan niya. Nag-abala pang bumaba si Kenji at lumapit sa kanya.
"Hindi ka pa rin pala nakakauwi?" seryosong saad nito.
"Wala pa kasi ang tricycle," aniya.
"Pupunta ako sa slaughter. Ihahatid na kita sa tarangkahan," anito.
"Baka nakakaabala lang ako sa iyo." Napatingin siya sa gawi ng garahe kung saan lumitaw ang bulto ni Zandro.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pusa na nakamasid kay Zandro may isang dipa ang layo sa lalaki. Bigla na lamang tumulin ang t***k ng puso niya. Awtomatiko ring napatingin si Kenji sa direksiyon na natatanaw niya. Napapitlag siya nang maramdaman ang mabigat na kamay ni Kenji na sumampa sa balikat niya.
"Tara na, Margareta," wika nito.
Tinitigan niya nang deretso sa mga mata si Kenji. Pilyo ang ngiti nito at kakaiba ang kinang ng mga mata nito. Hindi na niya namalayan ang paglapit ni Zandro sa kanila.
"Sa akin ka na lang sumabay, Margareta, may bibil'hin ako sa bayan," apila ni Zandro.
Nagkasabay pa sila ni Kenji na humarap kay Zandro. Napansin niya ang matalim na pagtitig ni Kenji kay Zandro. Mariing nakakunot din ang noo nito.
"Akala ko ba mamaya ka pa aalis, Zandro? Ang bilis namang nagbago ang isip mo," sabi ni Kenji kay Zandro.
"May gagawin pa kasi ako mamaya sa kural kaya mas mainan na maaga akong pupunta ng bayan. Is anything wrong?" ani Zandro.
"Wala naman. Okay. Drive safety. Bye, Margaret," pagkuwan ay sabi ni Kenji. Kumaway pa ito sa dalaga. Sumakay na ito sa kotse nito saka nagmaniobra.
Palinga-linga sa paligid si Margareta, hinahagilap niya ang pusa. Wala na ito sa paligid. Nang tingnan niyang muli si Zandro ay matiim ang pagkatitig nito sa kanya. Walang bahid ng ngiti sa anyo nito.
"Kukunin ko lang ang kotse," anito saka siya iniwan.
Hindi na naging normal ang t***k ng puso ni Margareta. Nang dumating si Zandro sakay ng kotse nito ay nagmadaling sumakay siya at umupo sa tabi nito. Mabagal ang pagpapatakbo nito sa sasakyan at panay ang sulyap nito sa kanya mula sa rearview mirror. Naiilang na itinuon na lamang niya ang paningin sa kalsada.
Naninibago siya sa kilos ni Zandro. Kanina lamang ay panay ang kuwento nito sa kanya habang pinapanood siyang nagmamasa ng dough ng pizza. Iniisip na lamang niya na marahil ay pagod ito at naubusan na ng sasabihin.
Mamaya ay bigla na lamang nito inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at sa madilim na bahagi ng lugar kung saan wala nang liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw. Mariing tinitigan niya ito. Nakatitig lamang ito sa hawak nitong manibela.
"M-may problema ba?" naiilang na tanong niya.
Hindi ito umiimik. Nagulat siya nang bigla itong bumaling ng upo sa tabi niya. Halos hindi siya makahinga dahil sa sikip. Sumiksik pa kasi ito. Hindi niya maintindihan ang nnagyayari. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. Kumilos ang kamay nito at walang abog na hinaplos ang pisngi niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha nito.
"Te amo, Margareta. Matagal ko na itong nararamdaman ngunit wala akong sapat na kapangyarihan upang maihayag sa iyo ang aking damdamin. Hindi na ako natatakot talikuran ang aking tungkulin sa aking panginoon..." seryosong wika nito.
Natigilan siya. Hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan. "Z-Zandro..." walang puwang na sambit niya. Ang puso niya ay pumipintig nang husto.
Wala siyang nagawa nang unti-unting lumalapit ang mukha ng lalaki sa kanyang mukha—ni hindi siya nakaiwas nang dampian ng mga labi nito ang labi niya. Sa halip na magpumiglas at itulak ito ay tila wala siyang mapigang lakas. Nanlulumo ang mga buto niya. Naparalisa ang kanyang katawan. Hindi niya maintindihan bakit hindi niya masunod ang nais ng isip niya. Hindi maaring magpatuloy ang pangyayari. Gusto niyang itulak ang binata ngunit nang kumilos ang mga labi nito ay lalo siyang nanlumo at unti-unting inaalipin ng bayolenteng init ang kanyang buong sistema.
Hindi siya makakilos kahit nang unti-unting nagiging marubrob ang halik ng binata. Nadama niya ang mga kamay nito na dumausdos pababa sa kanyang mga braso—patungo sa kanyang baywang. Pakiramdam niya'y may taglay na apoy ang kamay nito at bawat hagod ng mga iyon sa katawan niya ay tila pumapaso.
Tuluyang nilamon ng nakahihibang na init ang kanyang kamalayan. Tila nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang mga kamay at kusa iyong naglakbay sa katawan ng lalaki. Ang kanyang mga labi ay kumilos at tumugon sa halik ng lalaki. Naging mitsa ang kanyang pagtugon upang mangahas ang lalaki na hubugin ng mga kamay ang maseselang parte ng kanyang katawan.
Umungol siya nang banayad na pinisil nito ang isang dibdib niya. Iniwan nito ang labi niya at mapusok ang halik na iginawad nito sa puno ng tainga niya—pababa sa puno ng kanyang leeg. Nagmulat siya ng mga mata nang maramdaman niya ang mainit na kamay nito na nahimasok sa loob ng kanyang blouse. Umigtad siya nang mariing hubugin ng kamay nito ang mayaman niyang dibdib.
"Uhhhmmm," daing niya. Kumapit siya sa malalakas nitong braso.
Nilalamon siya ng nakahihibang na sensasyong dulot ng kamay nito sa katawan niya. Nawawala sa katinuan ang isip niya. Hindi niya tinutulan ang lalaki kahit nang palayain nito ang katawan niya sa saplot. Ganoon naman ang agarang paghaplos ng mag kamay nito sa nahantad niyang katawan. Hindi na niya kontrolado ang kilos niya. Pakiramdam niya'y may ibang elemento na umaalipin sa kanya.
Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa upuan at bahagyang umigtad upang malayang madama nito ang kahubaran niya. Pinagmamasdan lamang niya ang lalaki habang pinupuno ng maiinit na halik at pinong kagat ang puno ng kanyang dibdib, hanggang tuluyang sakupin nito ang kanyang dunggot. Habang ang nakalaya niyang dibdib ay mariing hinuhubog ng isang kamay nito.
Nakasandig na siya sa pinto ng kotse at lalong sumikip ang lugar para sa kanila. Subalit hindi iyon alintana nang pugpugin ng mainit na halik ng binata ang mayayaman niyang dibdib, habang ang mga kamay nito ay mariing hinuhubog ang ibang parte ng kanyang katawan. Kumapit siya sa batok nito nang pakiramdam niya'y mahuhulog siya.
Naroon na siya sa punto na tuluyan na siyang bibigay ngunit para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang biglang tumigil si Zandro. Nag-angat ito ng mukha at tuluyang dumestansiya sa kanya. Namimilog ang mga matang nakatitig siya kay Zandro—na tila hindi nito alam ang mga kaganapan. Nakayuko ito habang hinihilot nito ang sariling noo.
Nang mahimasmasan ay talimang isinuot muli ni Margareta ang kanyang damit. Iniisip niya na baka lasing si Zandro, pero hindi naman ito amoy alak at hindi niya ito nakitang uminom ng alak kanina. Maghapon ito sa mansiyon matapos mapaanak ang inahing baka. Tahimik na bumalik ito sa harap ng manibela.
"f**k! What's happening to me? I'm sorry, Margareta. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyayari," balisang sabi nito.
Hindi malaman ni Margareta ang kanyang sasabihin. Hindi rin niya magawang tingnan ang lalaki.
Binuhay muli ni Zandro ang makena ng sasakyan at pinausad. Wala itong imik hanggang sa makarating sila sa bayan. Akala niya ay hanggang doon na lamang siya nito ihahatid.
"Ituro mo kung saan ka nakatira," anito habang mabagal na pinapausad ang sasakyan.
"Sa 13th street ako nakatira," sabi lamang niya.
Hindi na muling umimik si Zandro. Hinatid siya nito sa tapat mismo ng bahay nila. Pagkababa niya ay agad itong umalis, ni hindi pa siya nakapagpasalamat.
NGALI-NGALING iumpog ni Zandro ang ulo sa manibela nang makita kanina si Margareta na walang saplot sa katawan. Hindi niya maintindihan bakit namulat siya na humahalik sa masilang bahagi ng katawan ng dalaga. Naguguluhan siya, hindi niya namalayan ang kaganapan. Ang huli niyang naalala ay nasa garahe siya at pinagmamasdan si Margareta at Kenji na nag-uusap.
Hindi puwede 'to. Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko gusto si Margareta, wala akong pagnanasa sa kanya.
Pero aminado siya na nakaramdam siya ng init nang makita ang hubad na katawan ni Margareta. Iniisip niya na normal lang iyon. Pero ang hindi normal ay ang nangyari na hindi man lang niya namalayan. Palasamat pa rin siya dahil natauhan na siya bago pa man niya magalaw ang dalaga. Hindi iyon maaring mangyari.
Kamuntik na niyang maibunggo ang sasakyan sa punong kahoy, mabuti na lamang at naikabig niya ang manibela. Nakalimutan na niya ang bibil'hin niyang gamot para sa mga manok. Sa kasalukuyan na niyang tinatahak ang daan patungo sa mansiyon. Sarado na rin kasi lahat ng bilihan ng gamot.
Pagdating niya sa mansiyon ay nadatnan niya ang Daddy niya sa sala at kausap si Kenji. Nagsasalo ang mga ito sa red wine. Napansin niya ang pagsulyap sa kanya ni Kenji pero hindi siya nito tinawag. Dumaan siya sa likuran ng mga ito. Dumeretso na siya sa kanyang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng kabahayan.
Ibinagsak niya ang pagod na katawan sa kama. Mariing nakatitig siya sa chandelier na nakakabit sa kisame. Paulit-ulit na sumasariwa sa isip niya ang ilang bahagi ng kaganapan sa pagitan nila ni Margareta. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon sa dalaga.
Makalipas ang ilang sanadali ay bumangon siya at lumapit sa bed side table kung saan may nakapatong na kuwadradong larawan na naka-frame. Larawan nila iyon ni Renn noong inalok niya ng kasal ang kasintahan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapagdesisyon kung kailan ang petsa ng kasal nila ni Renn. Hindi rin naman binabanggit sa kanya ng dalaga ang tungkol sa kasal. Mag-iisang buwan na magmula noong alukin niya ito ng kasal.
Alam niya nagdududa pa rin sa kakayahan niya si Kenji. Hindi naman niya ito masisi. Ayaw niya ng maraming diskusyon kaya naisip niya na kasal ang solusyon. Naniniwala naman siya na magagawa niyang panindigan ang kanyang desisyon. Hindi niya kailangang mag-alinlangan.
Humiga siya muli sa kama. Hindi siya inaantok. Mamaya ay muli na namang sumagi sa isip niya si Margareta. Wala naman siyang espesyal na nararamdaman sa dalaga at hindi kailan man niya magugustuhan ang katulad nito. Paninindigan niya na mahal niya si Renn at nangako siya na hindi na siya titingin sa ibang babae. Pero tila sumpa na unti-unti siyang nakakaramdam ng pagbabago sa kanyang sarili.
Bumalikwas siya ang upo nang inalipin siya ng iretasyon. Hinilot niya ang kanyang noo. Pilit niyang iwinawaglit ang nagpapalito sa isip niya. Ngunit bakit naiisip na naman niya si Margareta? Nabubuhay sa imahenasyon niya ang hubad nitong katawan.
"s**t! Oh, no! It's not gonna be happen to me," nababalisang usal niya.
Nang hindi pa rin siya makatulog ay lumabas siya ng kuwarto. Dumeretso siya sa mini bar counter at nagbukas ng isang bote ng beer.
"Akala ko ba may gagawin ka sa kural?" tinig ni Kenji.
Kumislot siya at pumihit paharap dito. Hindi pa pala ito umuuwi. Inalok niya ito ng beer pero tumanggi ito. Hinila nito ang stool chair sa harap ng counter saka umupo ito roon. Umupo naman siya sa stool chair sa loob ng counter at hinarap si Kenji.
"Are you okay, Zandro?" curious na tanong ni Kenji, habang pinagninilayan siya.
Hindi siya makatitig nang deretso sa mga mata nito. "Uh, yeah, I'm fine. Hindi lang ako makatulog. Wala akong nabiling gamot para sa mga manok kaya bukas ko na sila gagamutin," sabi niya.
"I found you weird today. May bumabagabag ba sa 'yo?" usig nito.
"Nothing. I'm just stressed. Marami kasing nagkakasakit na hayop at medyo bumaba ang number of orders ng meat sa atin," aniya.
"Normal lang ang pagbaba ng orders dahil sa season. Dumarating talaga ang panahon na may mga tao na umiiwas sa karne. Pero wala kang dapat ikabahala dahil mataas pa rin ang sales natin kumpara sa ibang meat suppliers. Ako na ang bahala sa marketing."
"Thanks, Ken. Kung wala ka ay hindi madaling mapanatili ang ganda ng sales."
"I'm just doing my job. Isa pa, pamilya na ang turing ko sa inyo. At siyempre pa, magiging brother in law kita. Dapat lang na suportahan kita."
Hindi niya inaasahan na muling dadapo sa isip niya si Margareta. Inisang lagok niya ang natirang beer sa bote. Mukhang hindi sapat ang isang bote lang para tuluyang maalis sa diwa niya ang babaeng hindi dapat niya iniisip. Nagbukas pa siya ng isang bote ng beer.
"I think you're not alcoholic, Zandro. Hindi naman talaga," ani Kenji.
"Ngayon lang ito. Gusto kong makatulog kaagad. Maaga pa ako magigising bukas," sabi niya.
"Okay. So, I have to go. See you tomorrow," pagkuwan ay paalam ni Kenji.
Nang umalis na si Kenji ay kumuha pa siya ng isang bote ng beer saka dinala sa kanyang kuwarto. Nang maakubos siya ng tatlong bote ng beer ay kaagad siyang nakatulog.