Chapter 4

3167 Words
"SINO ang lalaking iyon, Margareta?" Tanong ni Mercedes kay Margareta nang puntahan siya nito sa kanyang kuwarto. Nagbibihis na siya ng pantulog. "Si Kenji Yukimura, isa sa manager ng Del Fuego Corporation," tugon niya. "Bakit ka niya hinatid?" tanong ni Mercedes sa matigas na tinig. Hinarap niya ang kanyang tiyahin. "Wala kasi akong masakyan, Tiya. Nagmamagandang-loob lang siya at walang ibang ibig sabihin iyon," aniya. "Nababasa ko sa katauhan niya na may iba pa siyang pakay sa iyo." Tinitigan niya si Mercedes. "Hindi ako interesado sa kanya. Nararamdaman ko rin na may nararamdaman siya sa akin na espisyal. Kakikilala ko pa lamang sa kanya at mabait siya pero hindi ako basta magtitiwala sa kanya." "Mabuti naman. Mag-iingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo. Nagsisimula nang magparamdam ang mga diablo," sabi nito. Naalala niya ang minsang pagbabago ni Kenji nang puntahan siya nito sa kusina. Maaring iyon na ang simula ng mga hakbang ng diablo. "Kahit sinong tao po ba ay maaring maging kasangkapan ng diablo?" curious niyang tanong. "Oo. Ang mababang uri ng diablo ay tanging mga hayop lamang ang kaya nilang gamitin. Samantalang ang may matataas na antas ay kayang-kaya nilang kontrolin ang katawang lupa ng isang tao. Gumagamit sila ng hipnotismo ng dilim upang makalimutan ng isang tao ang mga pangyayari matapos nila itong gamitin. Ayon sa lola mo, may mga diablo'ng nagbabantay sa iyong paglaki. Maari silang gumamit ng inosenteng tao upang mas madali ka nilang makuha. Ang iyong kaluluwa na may birheng katawan ay isa sa susi upang makalaya ang kanilang panginoon mula sa pagkakakulong nito sa sumpa ng lola mo. Ilang buwan na lang, kaarawan mo na. Kailangan mo nang makapag-asawa. May ipapakilala ako sa iyo na anak ng kaibigan ko," seryosong pahayag ni Mercedes. Dumating na ang panahon na kinatatakutan niya. Pipilitin siya ni Mercedes na magpakasal sa isang lalaki na hindi niya mahal, ni hindi niya kilala. "Hindi ba puwedeng ako ang pumili ng lalaking pakakasalan ko?" matapang na saad niya. "Wala na tayong panahon. Kung hihintayin natin kung kailan titibok ang puso mo, mauunahan na tayo ng diablo." "Meron akong napupusuan, kaya lamang..." Bahagya siyang napayuko. Naalala niya si Zandro. "Hindi por que napupusuan mo ang isang lalaki ay mahal ka rin at handa kang pakasalan. Maghanap ka ng lalaki na handa kang pakasalan, hindi iyong pag-aari na ng iba. Kung ayaw mo ng arrange marriage, maghanap ka ng lalaking mahal ka, hindi na mahalaga kung hindi mo mahal. Madali nang matutunan magmahal kahit sa anong paraan. Kailangan maputol ang sumpa, bago mahuli ang lahat." Iyon lang ang sinabi nito at lumabas na ng silid niya si Mercedes. Umupo siya sa gilid ng kama. Naiisip na naman niya si Zandro. Noon lamang niya napatunayan na nagkakagusto na siya sa kanyang amo. Ngunit hindi iyon tama. Isa pa, malinaw naman sa kanya na ikakasal na si Zandro. Kailangan niyang ilagay sa tama ang kanyang sarili. Hindi niya maaring konsintihin ang kanyang damdamin gayung makakasira ito sa kanyang reputasyon. Umaasa siya na lilipas din ang kanyang nararamdaman at makakatagpo pa siya ng lalaking magugustuhan niya. Bumuntonghininga siya. Napatingin siya sa nakabukas na bintana. Buhat sa kanyang kinaluklukang kama ay natatanaw niya ang bilog at malaking buwan. Maliwanag sa labas. Nang hindi pa rin siya madalaw ng antok ay lumabas siya ng kanyang kuwarto. Hindi siya nagsuot ng sapin sa paa upang hindi marinig ni Mercedes ang yabag niya. Lumabas siya ng bahay at lumakad patungo sa pinto. Huminto siya sa paghakbang nang masipat niya ang malaking pusang itim—na madalas nagpapakita sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya kinakabahan at kinikilabutan. Nilapitan niya ang pusa na nakaupo sa munting burol. Marahang hinipo niya ang ulo nito. "Bakit palagi na lang kitang nakikita? Instrumento ka ba ng diablo?" tanong niya. Titig na titig lamang sa kanya ang mapupulang mga mata ng pusa. Umupo siya sa naputol na sanga ng kahoy na nasa harapan ng pusa. "Iniisip ko noon na masama ka at kaya mo ako sinusundan ay dahil iyon ang utos ng panginoon mo. Natatakot ako sa iyo noon, pero ngayon, hindi na ako natatakot. Nararamdaman ko na hindi mo ako ipapahamak. Puwede ba tayo maging magkaibigan?" nahihibang na sabi niya. Bumaba mula sa burol ang pusa at lumapit sa kanya. Halos kasing laki na niya ito habang siya'y nakaupo. Nagulat siya nang dilaan nito ang kamay niya. Magaspang ang dila nito at mainit. Napangiti siya dahil sa nakakakiliting ginagawa nito. Hinipo niyang muli ang ulo nito. "Wala kasi akong mapagsabihan ng problema ko. May problema ako sa puso ko. Umiibig ako sa lalaking malabo naman akong mahalin. Gusto ko siya, gustong-gusto ko siya, kaya lang, may mahal na siyang iba. Ilang araw ko pa lamang siya nakilala pero nararamdaman ko na umiibig na ako sa kanya. Kaya lang, mali ito. Hindi dapat ito maaring mangyari." Hindi niya napigil na maglabas ng hinaing sa isang pusa. Hindi niya namamalayan na nangingilid na pala ang luha niya. Napakislot siya nang biglang pahirin ng pusa ang luha sa pisngi niya gamit ang dila nito. Kung nakakapagsalita lamang ang pusa ay gusto niyang marinig ang opinyon nito batay sa nararamdaman niya. "Kung isa kang diablo, naniniwala ako na may anghel na itinapon sa impiyerno dahil sa isang pagkakamali. Naniniwala ako na hindi lahat ng diablo ay masasama." Patuloy ang paghimas niya sa ulo ng pusa. Ikinikiskis ng pusa ang katawan nito sa binti niya. Nakakakiliti iyon. Napahagikgik siya. "Kung hindi ako mabibigyan ng guardian angel, okay lang kahit guardian devil, basta babantayan niya ako," nakangising sabi niya. Mamaya ay unti-unting binabalot ng itim na ulap ang buwan. Dumilim na ang paligid. Nagsimulang umihip ang maalinsangang hangin. Napatayo siya at palinga-linga sa paligid. Mamaya'y bigla na lamang bumitak ang lupang kinatatayuan niya na may isang dangkal ang siwang. Mainit ang sumisingaw na hangin mula sa bitak. Nagulat siya nang kagatin ng pusa ang laylayan ng bestida niya at hinila siya palayo sa bumitak na lupa. Pumintig nang husto ang pulso niya. Napatingin siya sa pusa na nakatingala sa kalangitan. Tumingala rin siya. May nakikita siyang tila mga ibon na nagliliparan sa himpapawid. Sa 'di kalayuan ay may nauulinigan siyang alulong ng mga aso. Noon lamang siya nakapagdesisyon na pumasok sa kabahayan. Nang sumilip siya sa bintana ng kanyang kuwarto ay hindi na niya nakita ang pusa. Tahimik na rin at umaliwalas nang muli ang kapaligiran. MAKALIPAS ang dalawang linggo. Kahit madalas ginagabi ng uwi si Margareta ay hindi pa rin siya pinayagan ni Mercedes na mag-stay in sa rancio. Nasasanay na rin siya sa trabaho kahit madalas ay hindi pumapasok si Aleng Rowena. Naiintindihan naman niya ito dahil may responsibilidad din ito sa pamilya. Martes ng umaga pagpasok niya sa rancio ay naglakad-lakad na naman siya sa kural. Nakagawian na niyang pumasok ng alas-singko. Ayaw niyang apurahin ang sarili niya at para na rin makapaglibot muna siya sa rancio. Napahinto siya sa tapat ng kural ng mga baka kung saan may nag-uumpukang mga trabahante. Natukso siyang lapitan ang mga ito. Nakipaggitgitan pa siya sa mga tao para lang makita ang kaganapan sa loob. Natigilan siya nang malaman kung anong meron sa loob. Naroroon si Zandro at nagpapaanak sa sa inahing baka. Walang saplot pan-itaas si Zandro. Tangi intim na boxer lang ang suot nito pan-ibaba. Mukhang hindi rin ito nakapaghanda at halatang kagigising lang. Nangingintab ang katawan nito dahil sa pawis. Nagagalawan ang mga muscle nito sa likod at mga braso habang nakapuwesto ito sa pagitan ng mga hita ng baka. Iyon ang unang pagkakataon na masilayan niya kung paano pinapaanak ang baka. Napalunok siya nang walang kakimi-kiming ipinasok ni Zandro ang kanang kamay sa puwerta ng baka. Mayamaya pa'y nasilayan na niya ang munting supling ng baka. Napangiti siya habang pinagmamasdan si Zandro na buhat-buhat ang supling ng baka na pinupunasan nito ng malinis na tela ang may dugong katawan. Hindi rin mapantayan ang ngiti ni Zandro nang sa wakas ay matagumpay nitong mapaanak ang baka. Nag-iisa lang ang anak ng inahing baka. Napakislot si Margareta nang mapatingin sa kanya si Zandro. Ang malapad nitong ngiti kanina ay bigla na lamang naglaho. May sampung segundo na nakatitig lamang ito sa kanya. Umiwas lamang ito ng tingin sa kanya nang pumiglas mula sa kamay nito ang supling ng baka. Nailapag nito iyon sa mga dayami na sinapinan nito ng basahan. Nang magsialisan na ang mga tao ay kumilos na rin si Margareta, ngunit hindi pa man niya naihahakbang ang kanyang mga paa ay narinig na niya ang kanyang pangalan sa ilalim ng tinig ni Zandro. Nang harapin niya ito ay ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya nang mamataan ang lalaki sa harapan niya, isang dipa ang pagitan. "Bakit nandito ka?" seryosong tanong nito. "Uhm, n-napadaan lang ako. Papunta na rin ako sa mansiyon," aniya. Hindi niya magawang titigan sa mga mata ang lalaki. Napatingin siya sa kapapanganak na baka. "Ang aga mong pumapasok. May naitutulog ka pa ba?" "Nakakatulog pa naman po ako. Sabi kasi ni Manang Rowena, bawal akong ma-late." Panay ang sipat niya sa baka na nagpapasuso sa anak nito. "Gusto mo ba siyang hawakan?" pagkuwan ay tanong ni Zandro. Napatingin siya sa mukha nito. "Ang baby ng inahing baka?" aniya. Tumango si Zandro. "Luna ang pangalan ng inahing baka. Hindi ko pa alam kung ano ang ipapangalan ko sa anak niya. Mag-suggest ka nga." "H-ha? A-ako?" "Oo. Babae ang baby ni Luna. Ano ba ang magandang pangalan?" Napaisip siya. "L-Lucia," bigla'y nasambit niya. Matagal bago kumibo si Zandro. "Hm, I like the name. Thanks. Iyan na lang ang pangalan niya. Ano, gusto mo ba siyang hawakan?" Nakaumang na naman siya kay Zandro. "P-puwede ba?" aniya. "Sure." Iginiya siya nito palapit sa mag-inang baka. Kinakabahan siya habang palapit sa nakahigang baka. Natutulog si Luna habang ang anak nito ay nakahiga rin sa gawing dibdib ng inahin. Akmang hihipuin niya si Lucia ngunit bigla na lamang gumalaw si Luna. Pumiksi siya at napaatras. Ganoon na lamang ang tulin ng t***k ng puso niya nang maramdaman niya ang mga kamay ni Zandro na sumalo sa likod niya. Ang init ng mga kamay nito at mabilis na tumulay sa kanyang mga ugat. "Don't be scared. Luna was nice and friendly," anas nito malapit sa tainga niya. Noon lamang niya namalayan na nakadikit na pala ang matigas nitong dibdib sa kanyang likod. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito na bumubuga sa batok niya. Pakiramdam niya'y nakaapak siya sa ulap at tinig ng anghel ang bumubulong sa kanya. Tumayo siya nang tuwid at dumestansiya kay Zandro. Nang harapin niya ito ay nagpupunas na ito ng tuwalya sa pawisang katawan nito. Napalunok siya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya namamalayan na nakaawang na pala ang bibig niya. Hindi na naalis ang tingin niya sa lalaki na nagsusuot ng damit. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Bigla na lamang nito kinalabit ang baba niya dahilan at naitikom niya ang bibig. "Ngayon ka lang ba aktuwal na nakakakita ng nagbibihis na lalaki? You acted like an innocence. Well, that's really obvious. Most of the girls from conservative family are wholesome. But you're the prettiest wholesome girl I'd ever meet," simpatikong sabi nito. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Ano?" untag niya. Nang mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Zandro ay biglang nag-init ang kanyang mukha. Ngumisi ang lalaki. "Kapag nag-asawa ka, hindi lang dibdib ng lalaki ang makikita mo. Hindi ka lang tititig sa katawan, mahahawakan mo rin. Hindi mo kailangang magpantasya dahil puwede ka niyang angkinin kung kailan niya gusto. Masarap ang buhay may asawa, Margareta, lalo na sa inyong mga babae," anito habang nagsusuot ng sapatos. Kinilabutan siya. Paano nito nasabing masarap ang buhay ng isang babae kapag nag-asawa? Magpapalit siya ng apilyedo. Masasaktan siya kapag nakuha ang pagkabirhen niya. Magtitiis siya sa paglilihi habang siyam na buwan siyang magdadala ng sanggol sa sinampupunan at higit sa lahat, magdudusa siya sa panganganak. "Hindi madali maging babae," aniya. Minsan na niya kinuwesyon ang sarili niya bakit naging babae siya. "Mahirap kung mapunta ka sa eresponsableng lalaki. Sayang ka kung mapunta ka sa walang kuwentang lalaki. Kaya kung ako sa iyo, tanggapin mo na ang panliligaw ni Kenji," anito. Natigilan siya. Wala pa namang sinabi si Kenji na liligawan siya. Naiirita siya sa sinabi nito. "Hindi nagliligaw sa akin si Kenji. Gusto lang niyang makipagkaibigan," aniya. "Whatever. I know him. Alam ko kung ano ang tipong babae ni Kenji. He loves virgins, innocent and conservative. You're perfect for his taste." "Sorry, ayaw ko na ipinipilit ako sa hindi ko gusto," matapang na wika niya. Tumawa nang pagak si Zandro. "Magugustuhan mo rin si Kenji," pilit nito. "Tama na, please," samo niya. Kumibit-balikat si Zandro. "Okay. Let's go. Sumabay ka na sa akin papuntang mansiyon," pagkuwan ay wika nito. Nagpatiuna na ito sa paglalakad. Nakabuntot lamang siya rito. Inaasahan niya na dala ni Zandro ang kotse nito, pero wala siyang makitang kotse sa paligid. Tumuloy-tuloy lang sa paglalakad si Zandro. Nakabuntot lang din siya rito. Nang huminto ito ay huminto rin siya. Ayaw niyang makasabay ito sa paglalakad. "Marunong ka bang sumakay sa kabayo?" tanong nito nang harapin siya nito. "H-hindi," mariin niyang sagod. "Kasama mo naman ako," anito. Sumipol ito ng dalawang beses na tila may tinatawag. Mamaya ay may lumapit na puting kabayo sa kanila. Talaga palang pasasakayin siya nito sa kabayo. Nataranta siya. "M-Maglalakad na lang ako, sir," aniya. "Come on, malayo pa tayo sa mansiyon. Huwag ka nang mahiya." "Hindi naman sa ganoon. Natatakot akong mahulog." "Aalalayan naman kita," pilit niya. Bigla niyang naalala si Renn. Ang ikinatatakot niya ay baka makita sila ni Renn at bigla siyang sambunutan ng babae. "Let's go, Margaret!" anito. Palinga-linga siya sa paligid. "Okay lang ba?" nababahalang tanong niya. "Oo naman. Bakit ba takot na takot ka." "Maglalakad na lang ako, Doc." matatag na sabi niya. Sinimulan na niyang maglakad. May tiwala naman siya rito na maaalalayan siya pero ang iniiwasan lang niya ay ang mapalapit dito. Baka may makakita sa kanila at magawan sila ng isyu. "Fine. Bahala ka," ani Zandro. Sumakay na ito sa likod ng kabayo. Sinabayan siya nito sa paglalakad habang nakasakay ito sa kabayo. "Marunong ka bang magluto ng pizza pie?" tanong ni Zandro. "Hindi ko lang kabisado ang measurement ng ingredients para sa dough," aniya. "Puwede ka namang mag-research sa internet. Hindi kasi marunong si Manang Rowena." "Puwede rin po. Madali lang naman ang toppings." "Isulat mo mamaya ang mga sangkap at bibilhin ko pagpunta ko sa bayan. Mahilig kasi sa pizza si Renn. Madalas siyang naghahanap niyon kapag narito siya." Okay na sana, eh. Para pala kay Renn ang ipapaluto nito. Hindi niya namamalayan na malayo na pala ang nalakad niya. Hindi niya ramdam ang pagod. Masyado siyang naaliw sa kuwentuhan nila si Zandro. Nagkamali siya sa akala na mailap ito at masungit. Masarap din pala itong kasama. "Opo," aniya. Malapit na sila sa mansiyon nang mamataan niya si Kenji na naglalakad patungo sa garahe. Napahinto ito nang mapatingin sa kanila ni Zandro. Mukhang hindi pa napapansin ni Zandro si Kenji dahil patuloy pa rin ito sa pagkausap sa kanya. Inilapit pa nito ang kabayo sa kanya. "You know, you're the weirdest girl I'd ever known. Hindi ko maimagine kung paano ka pinalaki ng parents mo. May dugo rin akong Spanish pero hindi sila ganoon kahigpit pagdating sa pagpapalaki ng anak," sabi ni Zandro. "Ang totoo, sa Lola ako lumaki," aniya. Inihinto ni Zandro ang kabayo saka ito bumaba. "Ipagluto mo ako ng pan cake for my breakfast today," anito bago sila naghiwalay. Dinala pa nito ang kabayo sa likod ng bahay. Nabaling ang tingin ni Margareta kay Kenji na nakasandig sa likod ng kotse nito at nakahalukipkip. Nakatingin lang ito sa kanya. Ayaw sana niyang makipag-usap muna rito pero hinarang siya nito. Napilitan siyang huminto. "What a perfect morning? Walking around with your boss and sharing a story. Ano naman ang pinag-usapan ninyo?" seryosong wika ni Kenji. Nahulaan kaagad niya ang ipinapahiwatig nito. Malamang iniisip nito na may malalim silang ugnayan ni Zandro. "Nagkataon lang na nagkita kami sa kural ng mga baka at nagkasabay pumunta rito. Wala naman kaming ibang pinag-usapan kundi tungkol sa pagkain na gusto niyang ipaluto sa akin," aniya. "Okay. I hope hanggang doon lang 'yon." "Pasensiya na, wala akong intensiyong mamggulo sa relasyon ng iba kung iyon ang iniisip mo," depensa niya. "It's not you, Margaret. Alam ko hindi ka ganoong tipo ng babae." "At sa palagay mo papatol sa katulad ko si Zandro?" usig niya. "Why not? Yeah, you're simple and maybe not his type, but you're attractive, Margaret. You have natural s*x appeal. Hindi malabong magugustuhan ka ni Zandro." Naiinis siya sa daloy ng pananalita ni Kenji. "Imposible ang iniisip mo. Ikakasal na si Zandro at obvious na mahal niya ang kapatid mo." "But people always open for changes. Kahit nga matagal nang kasal, nagbabago pa at nakuha pang magmahal ng iba." "Tama na. Nandito ako para magtrabaho hindi para manira ng relasyon," pilit niya. "You should be aware, Margaret. Hindi mo kontrolado ang pangyayari." Hindi na siya nagkomento. Iniwasan niya si Kenji at pumasok na siya sa mansiyon. Pagdating niya sa kusina ay naroroon na si Manang Rowena. Agad naman niyang niluto ang almusal ni Zandro na pan cake. "Napapansin ko, magmula nang dumating ka ay hindi na nasusunod ang menu para sa almusal ng mga Del Fuego lalo na sa almusal ni Sir Zandro. Kung ano-ano na lang ang pinapaluto niya sa iyo. Dati hindi siya nagde-demand ng kakainin niya. Madalas pa nga hindi siya nag-aalmusal dito," wika ni Rowena. Natigilan siya. "Talaga ho?" manghang tanong niya. "Oo." "Baka po nag-aalala din siya na baka hindi ninyo kayang lutuin ang gusto niyang kainin," sabi na lamang niya. Hindi na umimik ang ale. Dalawang piraso pa lamang ng pan cake ang naluto niya ay nasipat na niya si Zandro na papalapit sa kanila. Pakiramdam niya'y pinapaso ang katawan niya nang mapansin na nakatingin sa kanya si Zandro. Pinagmamasdan nito ang ginagawa niya. "Gawin mo nang walo ang pan cake, dito kasi mag-aalmusal si Kenji," ani Zandro. "Okay po." "Paborito ni Kenji ang wanton noodle soup. May mga sangkap pa naman tayo riyan. Ipagluto mo siya, puwede?" anito. Sandali niya itong sinipat. Talaga palang ipipilit nito si Kenji sa kanya. Tumango lamang siya. "Nariyan na pala si Kenji. Kaya mo bang ihabol ang noodles niya?" sabi nito "Opo. May beef stock namang naluto si Manang Rowena. Ihahatid ko na lang po sa dining pagkaluto," aniya. "Okay." Pagkuwan ay lumabas na ito. Napansin niya na panay ang sulyap sa kanila ni Manang Rowena kanina pa. Ayaw niya na napag-iisipan ng kung ano ng mga kasama siya sa trabaho. Gusto niya maging ordinaryong manggagawa lang din siya. Kapansin-pansin ang mahahayap na tingin sa kanya ng ale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD