Halos hindi makagalaw si Olivia sa narinig at nangyayari, nananginip lang ba s'ya?. Tiningnan siya ni Titus sabay kindat nito sa kanya. Nagulat naman ang mga kasama nila Hindi ata sila makapaniwala na magboyfriend nga silang dalawa. Dahil ayaw ng iskandalo ni Olivia sinakyan muna n'ya nag trip ni Titus at mamaya sila matutuos ng lalaki.
"Congratulations, ngayon lang namin alam na kayo na pala." bati ng isang kasama nila.
"Thank you." sagot naman ni Titus na hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa baywang ni Olivia na parang bang totoo ang lahat.
"Miss Olivia, hindi mo agad sinabi sa akin na boyfriend mo pala itong si Mr. Hill." sabi naman ng isang kasama nila.
"Mahiyaan lang talaga s'ya." sagot ni Titus at baka iba paisagot ni Olivia. Ngiti lang ang sinagot ni Olivia sa lalaki at kitang-kita ni Olivia ang pagmadismaya ni Yhen sa narinig mula kay Titus. Kaya bagay na mas gusto pang mang-asar ni Olivia total gusto ng laro ni Titus, makikipaglaro na rin siya. Agad n'yang pinulupot ang kanyang mga kamay sa braso ni Titus.
"Now, wala na kaming maitatago pa at sinabi na ng madaldal kong boyfriend ang relasyon namin." nakangiting sabi ni Olivia. Kahit sa isip niya nagtatanong kung tama ba or mali ang ginagawa niya. Kita sa mukha ni Mr. Sith ang gulat sa nalaman tungkol sa dalawa. Niyaya naman ni Titus si Olivia na sumayaw gaya ng nakakarami na sumasayaw kasama ang kanilang mga partner at nagpaalam na muna sila na sasayaw.
"Magpaliwanag ka sa akin sa kahihiyan na ginawa mo." bulong ni Olivia kay Titus habang sumasayaw sabay ng malamyos na music.
"Wala akong dapat ipaliwanag seryoso ako." Nakangiting sagot ni Titus kay Olivia.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Olivia.
"Single ka, single ako bakit hindi natin subukan?" tanong ni Titus ka Olivia. Naguguluhan lalo si Olivia anong tingin niya sa isa isang relasyon laro susubukan tapos mamaya siya pa ang masasaktan. Aalis na sana si Olivia, pero maagap si Titus mas hinigpitan pa nito ang pagkahawak sa baywang ni Olivia at kinabig papalapit sa kanya sobrang dikit na ng kanilang katawan pahilig na lang si Olivia sa matitipunong dibdib ni Titus, ramdam ni Olivia ang bawat pintig ng puso nito na kay lakas. Hinayaan na lang ni Olivia ang ganong posisyon nila ni Titus, hanggang matapos ang music.
"Rey sunduin mo na ako." sabi ni Olivia ng tawagan nito ang lalaki.
Nagpaalam naman si Olivia sa may kaarawan na uuwi na siya at medyo masama ang kanyang pakiramdam, ayaw lang talaga nyanh tumagal sa lugar na iyon lalu pa't naguguluhan talaga siya sa pangyayari na kagagawan ni Titus.
"Ihahatid na kita." ani Titus na biglang sulpot sa kanyang likuran habang naghihintay kay Rey.
"No thanks may sundo ako." sagot naman ni Olivia. Medyo malamig ang panahon at mukhang nagbabadya ang malakas na ulan.
"Uulan na baka matraffic ang sundo mo." ihahatid na lang kita ulit ni Titus. At hindi nga siya nagkakamali biglang buhos ng malakas na ulan agad na hinubad ni Titus ang kanyang jacket at inilagay ito sa balikat ni Olivia dahil alam niyang nilalamig na ito. Nilingon lang siya ni Olivia at hindi na rin siya tumutol pa dahil nilalamig na talaga siya.
"Hello Rey nasaan kana?" tanong ni Olivia.
"Ma'am, baka male-late po ako may nadisgrasya po sa unahan hindi makausad ang sasakyan." sagot naman ni Rey.
"Ok, sa tingin mo ilang minuto pa bago makagalaw?" tanong ni Olivia.
"Baka aabuti po ng oras." sagot naman ni Rey.
"Ok sige magtataxi na lang ako, mag-iingat ka malakas ang ulan." sabi ni Olivia, at pinatay na nito ang Linya.
"Mahihirapan kang kumuha ng taxi sa ganitong panahon." ani Titus na nasa tabi lang ni Olivia na nakikinig sa usapan nila.
Tiningnan lang siya ni Olivia ng matalim sabay tingin sa labas kung huhupa na ba ang ulan ngunit mas lalo pa itong lumakas kasabay ng malakas na hangin. At halos walang mga sasakyan na dumadaan tiningnan nito ang kanyang relo mag ala-una na ng madaling araw.
"Lets go." aya ni Titus ulit kay Olivia no choice na siya kaya pumayag na lang ito kaysa abutin siya ng madamag sa lugar na iyon.
Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan ni Titus amoy na amoy ni Olivia ang pabangong gamit ng lalaki lalo na sa loob ng sasakyan nito.
"Saan kita ihahatid?" biglang tanong ni Titus kat Olivia.
Sinabi naman ni Olivia ang isa sa mga condo unit n'ya doon siya magpapalipas ng gabi ayaw n'yang malaman ng lalaki kong saan siya nakatira. At tumango lang si Titus alam niyang condo ang sinabi ni Olivia na uuwian nitao sa isip ng binata ayaw sabihin ni Olivia kong saan talaga ito nakatira. Kaya hinayaan na lang niya ang babae. Maulan kaya medyo traffic sa lansangan. Tahimik ulit silang dalawa. Walang gustong magsalita.
"Seryoso lahat ng mga sinasabi ko kanina." basag ni Titus sa kanilang katahimikan.
"Seryoso ka' ni hindi mo nga alam buong pagkatao ko." ani Olivia na nakatuan lang ang mata sa daan.
"Madali lang gawin para sa akin yan." seryosong sagot naman ni Titus.
"Madali' look Titus, ang layo ng agwat ng age natin, alam kong alam mo 'yan." seryosong sagot din ni Olivia.
"Iyan na ang kinakatakot mong tanggapin ako?" nakangising tanong ni Titus dito.
"Ayaw kong pagtawanan ka or may marinig ka." ani Olivia.
"Kong yan ang kinakatakot mo wala akong pakialam, handa kong gawin at harapin lahat para sayo." seryosong sagot naman ni Titus.
Hindi makapagsalita si Olivia naguguluhan talaga siya sa bilis ng kaganapan sa gabing ito. Paano kung pinaglalaruan lamang siya ng lalaki paano kong sa unang subok nyang pasukin ang larangan ng pag-ibig masasaktan lang pala siya. Sabagay lahat nasasaktan basta sa salitang pagmamahal paano niya malalaman kung hindi n'ya susubukan sa isip nito. Hanggang narating nila ang building kong saan magpapalipaa ng gabi si Olivia binuksan naman siya ni Titus ng pinto ng kotse.
"Take it." sabi ni Titus ng akmang tatanggalin ni Olivia ang jacket na suot nito para ibalik kay Titus.
"Kilalanin muna natin ang isa't-isa at ipakita mong seryoso ka talaga." biglang sabi ni Olivia sabay talikod kay Titus na may ngiti sa labi. "Thank you nga pala sa paghatid." pahabol ni Olivia saka tuluyang tinalikuran na si Titus. Halos hindi naman maipinta ang saya sa mukha ni Titus ng marinig nito ang mga sinabi ni Olivia.
Maganda ang gising ni Olivia sa umagang iyon. Akala niya panaginip lang ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi ni Titus, pero totoo ang lahat. Maaga siyang bumangon para mag-ayos at papasok na ito sa work. At susunduin siya ni Rey.
Matapos mag-ayos ni Olivia ay may narinig siyang mahinang katok mula sa kanyang pinto at alam n'yang si Rey ang dumating at hindi nga s'ya nagkakamali.
"Good morning, Ma'am." bati nito sa amo.
"Good morning too, anong oras kana nakauwi kagabi?" tanong ni Olivia sabay abot nang kanyang mga gamit sa binata.
"Medyo late na po, Ma'am." sagot nito kay Olivia.
"Sige pagkahatid mo sa akin matulog ka muna wala naman akong lakad ngayon." ani Olivia sa binata habang naglalakad sila papunta sa sasakyan nito.
"'Sige salamat, Ma'am, pero pag kailanga mo talaga ako tawagan mo lang po ako." sagot naman ni Rey at umalis na sila patungong opisina.
"'Good morning, Ma'am, may nagpadala po ng flowers para po sayo." ani Lily kunot noon naman si Olivia kung sino ang nagpadala nito.
"Salamat pakidala sa loob." sagot lang ni Olivia at naunan na siyang pumasok sa loob nang makaalis na sa loob ang secretary nito ay tiningnan nito ang sulat na nakalagay.
"Good morning, hope you like it." at pangalan ni Titus ang nakalagay sa baba kasama nito ang kanyang number. Napangiti naman si Olivia dahil parang seryoso nga ang lalaki sa kanya agad naman niyang kinuha ang kanyang cellphone at nagmessage siya dito ng, "Thank you".
Nasa opisina na Titus ng mga oras na iyon busy na ito sa mga papers na nasa kanyang harapan, kailangan niyang matapos ang mga ito bago pa dumating ang mga investors galing iba't ibang bansa. Tiningnan naman nito ang kanyang cellphone dahil tumunog ito napapangiti na lang siya ng makita ang mensahe alam niyang si Olivia 'yon. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at nireplyan nito ang mensahe ni Olivia. Sa wakas nakuha na niya ang number ng dalaga.
Napapangiti na lang si Olivia sa palitan nila ng mensahe ni Titus. Parang ang saya niya at ang gaan ng pakiramdam niya.
Halos paikot-ikot naman si Titus sa kanyang upuan na para bang ibang-iba ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon na hindi pa n'ya naramdaman noon. Tinanong naman ni Titus kong may lakad mamaya si Olivia after work nito.
"Wala bakit?" balik tanong naman ni Olivia kay Titus.
"Yayain sana kita mag-gym." ani Titus. Napakunot naman noo ni Olivia buong akala niya ay yayain siya nito na kumain sa labas. Naalala niya tuloy ang katangahang nangyari sa gym noong una silang nagkita.
"Sure." sagot naman ni Olivia total matagal na rin siyang hindi nakapag-gym mula noong una silang nagkita ni Titus, at feel na rin niya na tumataba na siya kaya pumayag siya. At sinabi naman ni Titus na magkikita na lang sila sa gym dahil alam niyang ayaw ni Olivia magpasundo.
Tinuon na ni Olivia ang sarili sa trabaho dahil ayaw niyang matambakan at iyon ang pinakaayaw niya gusto niya nasa maayos ang lahat.
Nagpa-reserve naman si Titus sa isang mamahaling restaurant balak nitong kumain sila sa labas after nila mag-gym mamaya ni Olivia.
--
Nauna na si Titus sa gym at hihintayin na lamang niya sa lobby si Olivia at nag message na ito sa kanya na malapit na. Si Olivia mismo ang nagdrive dahil ayaw niyang magpasama kay Rey.
"Hi." bati agad ni Titud kay Olivia ng makita nita itong papasok sa building.
"Hello." bati rin nito kay Titus na may tipid na ngiti. Dala-dala ni Olivia ang kanyang sport bag at kinuha naman iyon ni Titus at sabay na silang pumasok sa gym. Halos lahat ng mga employee ay napapatingin kina Titus at Olivia naiilang naman si Olivia dahil pinagtitinginan sila. Halos lahat ng mga nakakasalubong nila na mga nagtratrabaho doon ay binabati si Titus.
"Aba parang kilaka na ng lahat dito ah." tanong ni Olivia kay Titus.
"Syempre." nakangiting sagot ni Titus sabay akbay kay Olivia at tinabig naman niya ito dahil maraming tao sa lugar na iyon at ayaw niyang mapag-usapan sila.
"Ikaw na ang sikat." ani Olivia at nauna ng pumasok sa roon kong saan ay sarili niya, at hihintayin nito ang kanyang instructor.
"Ready?" nakangiting Titus ang pumasok sa room.
"Ha? bakit ikaw don't tell me absent na naman ang instructor ko' ano sumaside line ka dito?" tanong ni Olivia kay Titus.
"Pinalipat ko na at mula ngayon ako na ang personal instructor mo." ani Titus.
"Ano ibig mong sabihin' don't tell me na ikaw ang may-ari ng gym na ito?" tanong ni Olivia.
Tumango lang si Titus at nginitian si Olivia. Nilapitan nito si Olivia at bumulong. "Mag-start na tayo, Ms. Miller, baka mamaya iba na naman magawa mo." ani Titus. Halos nang init naman ang pisngi ni Olivia sa sinabi ni Titua dahil alam nito ang tinutukoy. Hinampas nito sa balikat si Titus para makabawi ito sa lalaki at agad naman siyang hinawakan nito papalapit sa kanya.
"Olivia?"
"Titus?"
Sabayang tawag sa kanila ng kanilang nakasalubong.
"Tama na magsimula na tayo sayang oras ko." sabay irap ni Olivia kay Titus at nagsimula na nga silang dalawa.
Matapos ang gym nila ay nagbihis na sina Olivia at Titus para kumain sa labas ayaw sana ni Olivia dahil baka may makakita sa kanila na kakilala niya gusto niyang ilihim muna. Pero ayaw naman niyang mapahiya si Titus ito ang unang araw na lalabad sila kaya pumayag na lang siya. Dahil dala ni Olivia ang sasakyan niya kaya tag-isa sila ng sasakyan ni Titus pinauna ni Titus si Olivia at sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa restaurant na sinabi ni Titus. Agad namang bumaba si Olivia at sabay sila ni Titus na pumasok hindi pa man sila ni Titus ay parang kay sweet nito sa kanya lagi itong nakahawak sa kanyang baywang.