Sabay napalingon si Titus at Olivia, saga taong tumawag sa kanila. Sina Kim at Pia pala ang kanilang mga kaibigan. "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Olivia sa dalawa. "Kami dapat magtanong sa inyo kong ano ginagawa n'yo dito?" balik tanong ni Kim sa kanila. Nagtinginan muna sila Olivia at Titus kung sino ang sasagot sa tanong ng mga kaibigan. "Ah nagkita kami sa gym, tapos nagkayayaan kaming magdinner." palusot ni Olivia sabay tingin kay Titus na sumang-ayon sa sinabi niya. "Oo, tama." sagot naman ni Titus, pero parang hindi pa rin kumbinsido si Pia dahil hindi lumalabas si Olivia ng ganito at lalu na sa hindi niya kilala. "Okay, sabi nyo eh." sabi naman ni Pia. "Kayo saan lakad niyo bakit magkasama kayo?" tanong ulit ni Titus kina Kim. "Nagpapasama lang ako may bibilhin lang, s