Parang gusto ng matunaw ni Olivia sa mga oras na iyon, kung bakit ba kasi sa mga oras na iyon pa nagkanda letse ang elevatorna iyon. Bakit ang tagal ng mag-rescue sa kanila. Kinurot ni Olivia si Titus sa kanyang inis sa lalaki lalu sa ginawa nito. "Masakit 'yon." bulong ni Titus kay Olivia sa punong tenga nito. "Mas masakit pa di'yan ang gagawin ko sayo pag makalabas lang tayo dito." pabulong din na banta ni Olivia kay Titus. Maingay na ang mga kasamahan nika sa loob dahil ang tagal maayos halos mag limang minuto na sila sa loob. Mas lalu pang hinigpitan ni Titus ang pagkahawak nito sa baywang ni Olivia, dahil ayaw din niyang madikit ito sa mga kasamahan na nasa loob. Buti na lang at naging maayos na ulit ang elevator, pero hindi pa rin lumuluwang ang pagkakahawak ni Titus sa kanyan bay