"Ano na Pariah? Kaya pa? Parang noong isang buwan pa ang inis na 'yan, eh," buska sa akin ni Xylca nang tawagan ko siya para pumunta sa apartment ko. Ito lang kasi ang available sa araw na ito na nataon na day-off ko pa. Humilata ako sa sofa sa sala at ipinikit ang mga mata. Gusto kong mag-amok hindi lang dahil sa patuloy na pang-iinis sa akin ni Owen kundi dahil sa hinahayaan ko ang sarili na maapektuhan nito. "Shut up, Xylc. Ang gulo na nga ng isip ko tapos mangbubuska ka pa. Please naman. Damayan mo ako. Wag iyong ikaw ang numero unong mang-aalaska." "Eh kausapin mo kasi nang maayos. Sabihin mo sa kaniya ang totoo nang maintindihan din naman niya ang dahilan mo kung bakit ka nagkakaganiyan. Tell him the truth. I'm sure once he found it out, titigilan ka niya. May konsensiya naman sig