"Relax ka muna bruha. Kanina ka pa nanlalamig at umiiyak. Kami na ang kinakabahan sa iyo, e." Hinagod ni Xylca ang braso ko at sinubukang payapain ang panginginig ko. Kinuha naman ni Dean ang dalang hydro flask at ibinigay sa akin. "Uminom ka muna. Huminga ka ng malalim. Ganiyan." Sinunod ko ang sinabi niya at nakaramdam ng panandaliang ginhawa. Pero isang sulyap ko lang uli sa bahay sa aming tapat kung saan marami ng taong bumibisita ay umagos na naman ang aking mga luha. "Si mama. Wala na si mama," hikbi ko at nagpapasaklolong tiningnan sina Barbie. Niyakap naman ako ni Barbie at pinunasan ang luhaan kong mukha. "Pasok na tayo?" tanong nito sa nananantiyang tinig. Huminga ako ng malalim at uminom muna ng tubig. Lumunok ako at pinilit ang sariling maging matapang. Mahina akong