Kinabukasan ng madaling-araw ay agad akong nag-empake ng iilang gamit at tumulak papunta sa isang resort na isinuhestiyon sa akin ng kasamahan ko sa trabaho. Kagabi matapos ang pag-uusap namin ni Owen sa garden ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan na mauuna. Hindi na ako tumuloy sa balak naming inuman dahil maghahanap pa ako ng resort na tutuluyan. Sakto naman na tumawag ang officemate ko para work related concern. Nabanggit ko sa kaniya na wala pa akong napipisil na puntahan sa bakasyon ko kaya nagbigay ito ng suggestion. Hinanap ko kaagad sa Internet ang lugar na sinasabi nito. Ilang oras din ang byahe palabas sa siyudad. Medyo tago ang lugar at malayo sa kabihasnan na siyang gusto ko. Gusto ko munang lumayo, mapag-isa para mahanap ang balance sa buhay na medyo nawala sa muling pagsulpo