Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Someone is knocking on the door. Here he goes again. Umagang-umaga nambubulabog na. Mula noong unang isinakay niya ako sa kotse niya at inihatid, mas lalo pang naging madaldal at makulit si Owen. From then on, sinasabay niya na ako araw-araw patungo sa paaralan para daw makatipid ako sa pamasahe. Talk about being practical kaya hindi na ako tumanggi pa. Biruin mo 'yon, I just hit two birds using one stone. Makakasama ko na siya sa bawat umaga, libre pa ang fare. Sinunggaban ko na agad. Bihira ang ganitong mga pagkakataon. Unti-unti naman na akong napapanatag sa kaniyang presensiya. Di na siguro mawawala pa ang pagkabog ng dibdib ko lalo na pag lumalapit siya sa akin pero natututo na akong i-tone down ang nara