Chapter 2

1314 Words
I hated long flights because each turbulence pakiramdam ko babagsak ang eroplano at bigla na lamang akong mawawala sa mundo. Not that, I am scared. Marami lang akong pangarap na gustong tuparin. Mga bagay na dapat kung gawin. Ang katotohanang malapit ko ng makamtam at ang hustisya sa pagkamatay ng aking mga magulang. I composed myself ready to face him after several years. I am finally back! I was expecting my so-called husband to pick me up at the airport. Pero walang Blaze na dumating. I hailed a cab to our house. The house was empty. It looks like it has been abandoned since I left Davao ten years ago. I could tell no one had lived there for several years from the thick dust build-up on the furniture and cobwebs covering our wedding portrait. A few minutes later, I heard the roar of an engine pulling up to our driveway. Then, the door opened. Standing at the front of the door is my Greek God husband, who seems to have been more muscular than before. Mas naging kaakit-akit ang kulot nitong buhok na bumabagay sa kaniyang pangangatawan. He walked in straight to me. He stands at my foot without bothering to greet me. Blaze domineering dark, cold aura was fixated on me. His eyes were filled with hatred and contempt. He did not wait for a day, immediately he told me about our divorce agreement. "I need to discuss with you our divorce agreement," wika nito bagkus na kumustahin man lang kung maayos ba ang flight ko o kung maayos lang ba ako. "There is nothing to discuss, Blaze," mahinahon kung sagot sa kaniya. Masama man ang loob ko sa kaniya ngunit alam kong ito ang tama. Ang palayain ang bawat isa sa kasunduan na pareho kami pinilit lamang. "I have to compensate you for doing this favor for me, Chevelle." "Compensate me? You don't need to. I don't want anything from you," tinitigan ko rin siya mula ulo hanggang paa. Hindi na ako ang marupok na batang kilala niya noon. "I am not doing you a favor," natatawang sagot ko sakaniya. Sinabayan ko ang mga titig niya sa akin subalit sa huli hindi ko napanindigan ang titigan ang kaniyang mukha. Naalala ko ang bukod tanging halik na inaalay niya sa akin matapos ang seremonyas ng aming kasal sa loob ng Bellagio Conservartory at Botanical Gardens sa Las Vegas. Hindi ko iyon makakalimutan. Ang halik niyang hindi sapilitan, masuyo iyon at puno ng pagmamahal. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ang mga halik na iyon ay patansya lamang. I made myself believe those passionate kisses we shared were all made by my imagination. Hindi iyon totoo. Pinangarap ko lamang. Pangarap na kahit kailan hindi na mangyayari. Hindi niya man lang ako hinalikan kahit sa pisngi man lang upang batiin ako sa aking pagbabalik. "Makikipaghiwalay ako sa 'yo hindi dahil hiniling mo. I am doing myself a favor to be free from my cheating husband." "Hinihintay mo lang pala na hiwalayan kita," turan nito na tila may pagpapakonsensya ang tono habang hindi pumulya ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "I wasn't the one who coveted first kaya 'wag mong ipamukha sa akin na ako ang nagtaksil sa ating dalawa." "You sounded like you have been waiting for me to divorce you." "Kung puwede lang balikan ang nakaraan. I will choose not to marry you. Hinayaan kitang mag buhay binata, Alistaire Blake. Wala kang narinig sa akin." "Let's cut the chase. What do you want, Chevelle? Ibibigay ko ang lahat na hilingin mo." "Don't ask what I want dahil hindi mo iyon kayang ibigay. Madali akong kausap. I wanted this marital separation more than you do," sagot ko sa kaniya kahit na lahat ng sinasabi ko ay parang punyal na tinarak ko sa sarili ko,"I'll be in your office to sign our separation agreement. I don't need properties or alimony from you." "You are entitled to receive alimony. I'll give you half of my properties." "Hindi ko kailangan ang kayamanan mo. Nakakalimutan mo yata, I have fair share of billions in our company. Hindi iyon conjugal property dahil maiden name ko nakatala ang shares ko sa kumpanya. Huwag mong sayangin ang paguwi ko rito sa Pilipinas,Blake. Iniwan ko ang magandang trabaho ko sa London para lang rito. Ipinadala mo na lang sana ang dokumento sa akin. I could have send my lawyer to represent me. Bakit ko pa kailangan umuwi?" "Gusto ni Audrey na makausap ka. Ayaw niyang masaktan ka," paliwanag nito. "Huli na, Blake. Nangyari na. Huwag kang mag-alala hindi ko ugaling manggulo. Sana maging masaya ang inyong pagsasama," tumayo ako at hinawakan ang handle ng luggage ko. I walk past him, then turned, "Oh, most importantly, I want my own office in O & V and our divorce decree immediately." "Consider it done," anito na parang hindi sigurado sa kaniyang sinasabi. "I'll take my leave," I muttered, dragging my suitcase with me to the master bedroom-our bedroom. Matapos akong makaligo at makapagpalit ng damit pantulog. Nahiga na ako sa kama. It was a long flight from London to Davao. Ramdam ko ang sobrang pagod sa aking katawan but my mind can't stop thinking about him. Then, I heard the door screeched. I don't know what he's still doing in our house.Akala ko umalis na siya. "I'm staying over," aniya. "Hindi ka ba niya hinihintay?" Tanong ko rito matapos ay inayos ko ang aking pagkakahiga. "Baka hindi ka magising ng maaga," anito. "Hindi na ako bata parang gisingin mo katulad noon," sagot ko. Blake acted like he did not hear me kahit alam kong narinig niya ang sinabi ko. Noong bagong dating ako sa bahay nila. Madalas siya ang gumigising sa akin sa umaga upang isabay sa karo niya papunta sa eskuwela. Magkasundo kami ni Blake noon kahit malayo ang agwat ng edad namin sa isa't isa. Subalit nagbago ang lahat ng bumalik si Audrey sa buhay niya. Hindi ito tumugon sa sinambit ko. Hinubad nito ang suot na amerikana pati ang kaniyang necktie. Matapos ay isinampa iyon sa sofa, "dito na lang ako sa sofa matutulog," anas nito. Hindi ako sumagot katulad sa ginawa niya. Wala pang isang minuto ang lumipas his phone started ringing. Tiningnan niya iyon then I saw him pushed the end button. Makailang ulit pa na nag-ring ang telepono niya. Makailang ulit niya rin na pinatayan ng telepono ang tumatawag. "Pick it up, Blake. Baka emergency." Iniwan niya ako. Matapos ay pumasok siya sa walk-in closet. Habang may kausap sa telepono. I got up quickly and followed him. I leaned my ears to the closed door to eavesdrop. Rinig na rinig ko ang usapan nila. Naka loud speaker ang telepono ni Blake. Tama ako siya nga ang tumatawag. [I'll be there first thing in the morning tomorrow. . . ] I heard Audrey's voice almost crying. She's pleading for Blake na puntahan siya. [I can't, babe, I still have a meeting to attend.] [Yes, sweetheart sasamahan kita mag-umagahan. What would you like for breakfast?] Sinabi nito ang gusto nitong kainin at hiniling na ipagluto siya ni Blake. I remember how Blake use to cook eggs in the morning for both of us. Madalas siya ang nagluluto para sa aming umagahan. Sampung taon lamang ako noon samantalang siya diseseis anyos na.I like the egg whites slightly burned and he eats all the yolk. Madalas nasa trabaho noon ang mga magulang niya. Kami lang dalawa naiiwan sa kanilang mansyon kasama ang kanilang mga kasambahay. Mom and Dad loved me like their own daughter. Hindi ako nahuhuli sa lahat ng limited edition ng mga signature clothes and luxury brands of shoes and purses. Hindi sila nagkulang ipadama sa akin na parti ako ng kanilang pamilya. Na mayro'n pa rin akong ama't ina matapos mamatay ang mga magulang ko. [Okay, babe. I have to go. I love you.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD