Chapter 2

1257 Words
Pagkaalis ni Troy ay muli na lamang ako na bumalik sa kama at nahiga. Wala na akong balak na mag-almusal dahil nawalan na ako ng gana. Kailan ka kaya matatauhan, Raven? Kailan ka kaya susuko dahil sa sobra na ang sakit na nararamdaman mo? Baka hindi na kailanman at mananatili na lamang ako na tanga habang-buhay. Baka ito na talaga ang kapalaran ko, ang maging kabit buong buhay ko. Hindi ko namalayan na muli pala ako na nakatulog sa aking pag-iisip at nagising na lamang sa pagtunog ng aking telepono. Agad ako na dumilat at inabot iyon. Nakita ko na tumatawag si Ashley. “Ash.” Walang kalatoy-latoy na bungad ko sa kanya. “And where are you, Raven?” mataas na boses na sabi niya. “Sa bahay, saan pa ba?” “At bakit nariyan ka pa? We were supposed to meet today, Rave.” Agad ko tiningnan ang oras sa telepono ko. Hmm, maaga pa naman. “Maaga pa, Ash. In two hours’ pa tayo magkikita.” “Nakalimutan mo na ba na this is a big opportunity for you? Kailangan natin na maaga na makarating doon. Kaya get your lazy ass up at mag-ayos ka na.” “Ash! Sabi naman kasi sa’yo, ayaw ko na pumunta.” “No. Raven. Napag-usapan na natin ito. Bumangon ka na riyan at pupuntahan na kita.” Pagkasabi niya ay agad niya na pinutol ang tawag. Wala ako na nagawa kung hindi ang bumangon at dumiretso sa banyo. I am dreading this day. Ayaw ko talaga na pumunta sa casting call na iyon. Hindi ko rin nabanggit kay Troy ang tungkol dito at alam ko na hindi niya ito magugustuhan. Isa akong commercial model. Ashley is my good friend and agent. At kahit paulit-ulit ko na sabihin sa kanya na ayaw ko pumunta ngayon ay hindi niya ako papakinggan. Ashley knows about my relationship with Troy. Hindi man siya sang-ayon dito ay wala siyang magawa dahil alam niya na hindi ko rin siya pakikinggan. Pinapabayaan niya ako sa gusto ko basta’t huwag lamang ito magiging sagabal at makakaapekto sa trabaho ko. Ito ang dahilan kung bakit kahit ayaw ko na pumunta ngayon ay wala ako na magawa. Dahil kailangan ko maging propesyunal. Kailangan ko maging propesyunal na harapin si Troy ngayon araw. Ang pamilya ni Troy ay nagmamay-ari ng mga sikat na restaurant chains sa bansa. At ngayon ay naghahanap sila ng modelo para sa isang commercial na gagawin nila. At hindi ko nabanggit sa kanya na ipapasok ako ni Ashley para rito. Pagkalabas ko ng banyo ay agad ako na nag-ayos. Suot ang black dress na ipinadala ni Ashley noong isang araw at kabilin-bilinan na ito ang aking susuotin ngayon sa trabaho. Hapit na hapit ito sa aking katawan at hindi pa umabot sa aking tuhod ang haba. Hindi gaano na revealing ang harapan nito ngunit low-back ang likuran. Nag make-up ako at itinaas ang aking buhok na nakabalumbon sa tuktok ng ulo ko. Inilabas ko ang aking stiletto at agad na nagdiretso palabas ng kuwarto matapos ko ayusin ang aking bag at ilang gamit. “It's about time.” Ito ang bungad ni Ashley sa akin pagkababa na pagkababa ko sa may sala. Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad palapit sa kanya at nagbeso-beso. “Perk it up, Rave. Hindi puwede na para kang nalugi riyan kahit alam naman natin pareho na matagal ka nang lugi sa relasyon na mayroon ka.” “Shut it, Ashley! Ayaw ko na pag-usapan.” asar na balik ko sa kanya. “Whatever. Let’s go.” Nagmamadali na siya na lumabas at sumakay sa van na nakaparada sa labas. “Sinabihan ko na ang PA mo sa mga outfit requirements. All you have to do is to smile at magpanggap na excited ka para rito.” “Hmp, hindi ko alam na hindi lang pala ako model, artista rin pala.” “This is your choice, Raven. You chose this for yourself.” Alam ko na naiinis na rin sa akin si Ashley pero ano nga ba ang magagawa ko? Pinana ni kupido ang puso ko. Nagkataon lang na maling tao ang naibigay niya sa akin. Tahimik na lamang ako na pumikit sa buong biyahe. Iniisip ko na ang mga maaari na mangyari dahil sa walang alam si Troy tungkol dito. Sana na lamang ay huwag siya magalit na hindi ko ito nasabi sa kanya. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa opisina na pagmamay-ari nila Troy. Nakahinga ako ng maluwag ng walang anino ni Troy ako na nakita. Siguro naman ay hindi siya darating ngayon dahil may lakad sila ni Ivory. Tama, baka nagyaya si Ivory kaya rin siya tinawagan ng asawa niya kanina. Kabado man ay taas-noo ako na naglakad papasok kasabay si Ashley. Tunog lamang ng takong namin ang naririnig habang ang mga tao ay nakamasid sa amin. Patuloy ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba pero pilit ko na kinakalma ang aking sarili. “Raven?!” Isang baritono na boses na tumawag sa pangalan ko ang agad na nagpahinto sa amin ni Ashley sa paglalakad. Lumingon ako at nagulat ako sa nakangiti na mukha ng lalaki na nakatunghay sa amin. “It’s you! I’m so happy to see you!” Hindi ako nakakibo at napangiti na lamang. “Trey!” Lumapit siya sa amin ni Ashley at agad na yumakap sa akin. Nagulat man ako sa ginawa niya ay napayakap na rin ako. “I supposed you’re here for the casting call.” malambing na tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya at sabay na bumitaw sa pagkakayakap sa kanya upang maipakilala si Ashley. “Trey, this is Ashley, she’s my agent. Ashley, this is Trey Lorenzo.” “Ah, Ashley. Yes, we talked on the phone.” Inilahad pa niya ang kamay kay Ashley at inabot naman iyon ni Ashley. “Yes, Mr. Lorenzo. Thank you for the invitation. This is a big opportunity for Raven.” “Of course.” Napataas naman ang kilay ko nang malaman na nakapag-usap na sina Ashley at Trey. Marahil nakita ni Trey ang kaguluhan sa reaksyon ko kaya natawa siya at muli ay hinapit ako sa beywang papalapit sa kanya. “You can ask me, Rave, kaysa ang patuloy na pagkunot ng noo mo riyan.” Tinapik ko siya sa braso at tumawa. “Kilalang-kilala mo pa rin ako. Puwes, ano ang ibig sabihin ng pag-uusap ninyo ni Ash? And Ashley, really? Keeping secrets from me.” “Ako ang nagsabi sa agent mo na isikreto ang lahat. Actually, this isn’t a casting call. Ikaw na talaga ang napili namin para sa proyekto. Ikaw na talaga ang napili ko.” Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ko. “Ha? Napili na ako? Agad-agad?” “Siyempre. Ikaw lang talaga ang nakikita ko na puwede sa proyekto. Kaya nang malaman ko na bakante ang schedule mo ay ipinakontak ko ang agent mo. After all, ako ang magiging kapareha mo.” “Ikaw?!” Gulat na gulat na tanong ko lalo. “Siyempre naman, sino pa ba?” Natatawa na sagot niya saka ako muli na niyakap. “I missed you, Raven.” bulong pa niya. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya ngunit naputol lamang iyon ng isang boses ang aking marinig. Ang boses na ayaw ko sana na marinig ngayon araw na ito rito. “Trey.” seryoso na tawag nito. Bumitaw sa akin si Trey at humarap sa lalaki na bagong dating. “Troy, bro! Naaalala mo si Raven?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD