Chapter 3

1350 Words
It’s show time. Ito ang pinaka kinatatakutan ko na paghaharap namin ni Troy. Ayaw ko na pagkatapos ng masaya na gabi na pinagsaluhan namin ay mapapalitan ng galit dahil lamang sa hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa pagsali ko sa proyekto rito. Pero kagaya ng dati, kailangan ko na magpanggap na hindi kami malapit sa isa't-isa. Kailangan ko ipakita na hindi ako apektado sa kung ano man mga emosyon na ipinapakita niya sa akin. Kailangan ko na magpanggap na purely business lamang ang pagkakakilala namin sa isa't-isa. “Troy, okay ka lang? Bakit salubong na salubong na naman agad ang kilay mo? Kararating mo lang, masama agad ang timpla mo.” tanong ni Trey sa kanya. Napasulyap ako kay Ashley at marahil ay naramdaman niya ang paghingi ko ng saklolo sa mga iginawad ko na tingin na iyon sa kanya. “Ehem, hi, Mr. Troy Lorenzo, I am Ashley Buenaventura, Ms. Raven De Ocampo’s agent.” Inilahad pa ni Ashley ang kanyang kamay kay Troy at kahit na alam ko na nagpipigil lamang siya ng inis ay inabot niya pa rin iyon. “Rave, natatandaan mo si Troy, right?” muli na tanong ni Trey sa akin. Gusto ko sabihin na magkakilala kami. Magkakilalang-magkakilala kami. Gusto ko sabihin na kilala ko si Troy dahil ako ang kabit niya. Ako ang kabit ng kapatid niya. Oo, magkapatid sina Troy at Trey. Nakatatanda na kapatid ni Trey si Troy at matanda siya sa amin ng dalawang taon. Magkaibigan kami ni Trey noon pa man at dahil sa pagiging malapit namin ni Trey ay roon din unti-unti na napalapit ang loob ko kay Troy. Pagkatapos ng kolehiyo ay nagpunta sa ibang bansa si Trey at doon naputol ang komunikasyon namin. At hindi ko rin alam kung bakit ang sumunod na nangyari ay kabit na ako ni Troy. “Anyway, Troy, hindi ba at sabi mo ako ang bahala na pumili kung sino ang gusto ko na maging kapareha sa proyekto na ito? Yaman din lamang na pinilit ninyo ako na gawin ito, kaya isa lang din ang naisip ko na maaari ko na makasama. Si Raven lang.” Muli na lumapit si Trey sa akin at inakbayan ako. Kita ko ang lalo na pagsalubong ng kilay ni Troy at pagsara ng kamao niya. “Hoy, bro, ano ba ang nangyayari sa’yo? Nag-away ba kayo ni Ivory? Kanina lang halos hindi kayo mapaghiwalay na dalawa nang pumunta ako sa bahay ninyo, ngayon ay parang ang init ng ulo mo. Kulang pa ba ang rounds ninyo? Teka nga sabihan ko si Ivory.” pagbibiro pa ni Trey sa kanyang kapatid. “Shut up, Trey.” angil ni Troy at muli ay sinulyapan pa ako na masama ang tingin. Lalo naningkit ang mga mata niya sa akin nang mapagtanto na ang braso ng kanyang kapatid ay nakaakbay pa rin sa mga balikat ko. “Bro, balik ka muna sa bahay ninyo at mag-ilang rounds muna kayo ng asawa mo para mahimasmasan ka sa init ng ulo mo.” Wala pa rin tigil sa pang-iinis si Trey kaya lalo naman na nanggagalaiti ang itsura ni Troy. Habang ang puso ko naman ay parang paulit-ulit na sinasaksak sa naririnig. Pagkatapos namin pagsaluhan ang buong gabi, ngayon umaga ay ang tunay na asawa niya ang kasalo niya. Parang binibiyak ang puso ko. Gusto ko maiyak sa sakit. Gusto ko maiyak dahil kahit alam ko na biro lamang iyon ni Trey ay hindi mawaglit sa isip ko na ang mga halik at haplos na dapat ay nasa akin, ay kay Ivory niya ibinibigay. Si Ivory ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng iyon. At ako ay nakikiamot lamang. “Shall we start with the discussion?” Pagpuputol ni Ashley sa dalawang magkapatid, marahil ay nararamdaman din niya ang namumuo na tensyon. Tumango naman si Trey at hinapit ako sa beywang papalakad. “Ah, wait si Ashley.” Kunyari ay sabi ko. “Ms. Buenaventura, Troy will discuss with you about the contract details.” sagot ni Trey habang ako ay hinatak na papalakad. Lalo naman na kumakabog ang puso ko. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa madidilim na tingin na ipinupukol ni Troy sa akin kanina. Alam ko na galit na galit na siya. At lalo pa ngayon na sobra ang lapit sa akin ni Trey. Pakiramdam ko ay napakalaki na ng kasalanan na nagagawa ko kay Troy. Pakiramdam ko ay niloloko ko siya dahil pumapayag ako sa mga yakap at hawak ni Trey. Nagkakasala ako sa taong mahal ko. Pagdating sa pribado na kuwarto kung saan gaganapin ang pirmahan ng kontrata ay agad ako na dinala ni Trey sa hilera ng mga upuan. Inalalayan pa niya ako na makaupo saka siya tumabi sa akin. “So, Rave, kamusta ang buhay-buhay?” tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nakatitig sa akin. “Ito, okay naman. Ikaw ang kamusta? Kailan ka pa nakabalik?” “Wala sana akong plano na bumalik pa kung hindi nagsungit si Troy.” natatawa na kuwento pa niya. “Nakailang pilit na sila sa akin na gawin itong proyekto pero lagi ko tinatanggihan. Alam mo kung ano ang nakapagpapayag sa akin?” “Ano?” tanong ko sa kanya. Inilapit pa niya ng bahagya ang mukha niya sa akin kaya agad ko naman na naiatras ang ulo ko. “Ikaw.” nakangiti na sabi niya. “Ako?” “Oo. Kung hindi ko pa nalaman na sikat na modelo ka na pala.” “Hindi pa ako sikat. Umayos ka riyan.” Pagpuputol ko sa sinasabi niya. “Papasikat. Papasikat na modelo ka na. Ikaw lang ang rason kung bakit ako bumalik. Hindi ko kasi alam kung paano ka kokontakin. Masyado kasi ako naging abala simula nang magpunta ako sa Amerika.” “Buti alam mo na masyado ka naging abala at nakalimot ka.” Muli niya na inilapit sa akin ang kanyang mukha at masuyo na hinimas ang pinsgi ko. “Hindi ako nakalimot. Kaya nga ako bumalik.” Bigla ang kabog ng dibdib ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam bakit takot ang nararamdaman ko sa mga salita ni Trey. May nais ba ipahiwatig ang mga salita niya? “Ehem, Trey, hanggang dito ba naman?” Agad ako na napalayo kay Trey nang marinig ang galit na naman na boses nang kapapasok lamang na si Troy kasunod si Ashley. “Ano ba ang nakain mo at ang sungit mo, Troy? O baka ang tanong pala ay ano ba ang hindi napakain sa’yo ni Ivory kaya galit na galit ka?” Kita ko ang pagkuyom ng palad ni Troy, pigil na pigil ang galit sa kapatid. “Magseryoso ka nga! Trabaho ang ipinunta rito nila Ms. De Ocampo at hindi para makipaglandian sa'yo.” Agad na nanlaki ang mga mata ko sa salita na iyon ni Troy. Pahapyaw ba niya na sinasabi sa akin na lumalandi ako sa kapatid niya? Nakita ko rin ang pagsasalubong ng kilay ni Ashley nang marinig iyon. “Excuse lang, Mr. Lorenzo, kung may problema kayo na magkapatid, ilabas ninyo si Raven sa usapan.” Masungit na sagot ni Ashley na ipinagkrus pa ang mga braso sa kanyang dibdib. “Sorry, Ashley. Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. Mainit lang ang ulo ngayon, baka nabitin ng misis.” Muli na pabiro na sabi ni Trey. Nailing na lamang si Ashley na umupo sa kabilang gilid ko. “Let’s start.” Istrikto na turan ni Troy. Umayos naman nang upo si Trey sa tabi ko habang si Troy ay nasa tapat ko. Hindi pa man nakapagsisimula ang usapan ay isang pagkatok sa pinto ang aming narinig. Lahat kami ay napatingin at naghintay sa kung sino ang dumating. At nang bumukas iyon ay gusto na malaglag ng puso ko. Gusto na tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko ito. Kailangan ko na maging matatag. Kailangan ko ipakita na hindi ako nasasaktan. Kailangan ko magpakatatag dahil nasa harapan ko ngayon ang babae na nagmamay-ari sa lalaki na mahal ko. “Hi, baby.” bati ni Ivory at diretso na pinuntahan si Troy at hinalikan siya sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD