“What the hell is that all about?” Nagulat ako nang madatnan si Troy sa aking bahay pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at naestatwa na lamang ako sa may pintuan. Hindi ko inaasahan na narito siya ngayon. “And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey ha?” Galit na galit siya na tumayo sa pagkakaupo sa sofa at hinaklit ako sa braso.
“Troy, you’re hurting me.” Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mahigpit ang kapit niya roon. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin.
“Answer me, Raven! Saan ka galing? Kasama mo si Trey? At bakit hindi mo man lang naisipan na banggitin sa akin na ikaw ang kinuha ng kumpanya para sa commercial?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
“I’m sorry, Troy. Ang sabi ni Ashley sa akin, it’s a casting call. Kanina ko lamang din nalaman kay Trey na ako na pala ang napili na gumanap doon. I tried. Sinubukan ko na pigilan si Ashley na huwag ako ipasok doon pero wala ako na nagawa. Alam mo naman na pagdating sa trabaho, wala akong magagawa basta sinabi ni Ash.”
“f**k it, Raven. I hate it! I hate it that Trey is all over you at pinapayagan mo pa siya. Tuwang-tuwa ka ba na makita na nanggigigil ako sa inis kanina sa kapatid ko?” sigaw niya sa akin.
Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit ako pa ang parang may mali? Ako lang ba?
“Teka nga, ano ba ang ikinagagalit mo? Ako nga ang halos madurog kanina sa sakit na nakikita ko sa inyo ni Ivory. Pero pinilit ko, pinilit ko na umarte na parang balewala ang lahat. Pinilit ko ipakita na hindi ako apektado, kahit halos pinapatay mo na ako sa sakit na makita kung paano mo alagaan ang asawa mo. At alam mo kung ano ang mas masakit? Iyon makita mo ang mahal mo na may hinahalikan na iba sa harap mo pero wala kang magawa dahil alam mo na hindi siya sa’yo. Ngayon sabihin mo nga sa akin, ikaw pa ba ang lugi sa atin dalawa?” galit na sagot ko sa kanya.
Sobra ako na nasasaktan na parang isinisisi pa niya sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari kanina. Kung may magagawa lang ako ay hindi ko na pahihirapan at sasaktan ang sarili ko para makita ang mga tagpo nila ng asawa niya.
Napabuntong-hininga si Troy at lumuhod sa may harap ko sa sofa. “Hon, I’m sorry. I got jealous. Nagselos ako na ang una ko na makita pagkadating sa opisina ay ang nakapulupot na braso ng kapatid ko sa babaeng pag-aari ko.”
“Talaga, Troy? Am I really yours to begin with?” mataray na balik ko pa sa kanya.
“Rave, sorry.” Muli na pagmamakaawa niya sa akin.
“What are you doing here? Paano ka nakatakas sa asawa mo?”
Hindi ko maintindihan na ngayon na galit siya sa akin ay nakahanap siya ng paraan para tumakas sa asawa niya. Pero kapag kailangan ko siya ay hindi ako puwede na mag-demand na puntahan niya ako sa oras na gusto ko.
“It doesn’t matter. Ang importante ay narito ako ngayon. Where have you been, hon? Are you with Trey?” Malumanay na ang boses niya nang muli ako na tanungin.
“Si Trey? Why would you say that? Si Ashley ang kasama ko dahil may dinaanan lang kami na costume fitting.”
“I’m sorry, hon. Nagseselos ako kay Trey. Alam ko kung gaano kayo kalapit na magkaibigan noon. At hindi ko gusto ang mga tingin na ipinupukol niya sa’yo kanina pati ang mga paghawak-hawak niya sa’yo.”
“Troy, kagaya ng sabi mo, malapit kami na magkaibigan. And you can’t stop that. Kapareho na hindi ko kaya mapipigilan ang relasyon ninyo na dalawa ni Ivory.” Pilit ko man iwaksi sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Inggit na inggit ako kay Ivory.
“Sorry, Rave. Hindi ko rin alam na darating siya kanina. Huwag na tayo mag-away, hon. I’m sorry if I’ve been a jerk.” Hinaplos niya ang mga pisngi ko habang unti-unti na inilalapit ang kanyang mukha upang gawaran ako ng halik.
At kapag ganito na si Troy, kusa na natutunaw ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa kabila ng sakit na patuloy ko nararamdaman, nananaig pa rin ang pag-ibig ko sa kanya. Mas matimbang pa rin ang pagmamahal na mayroon ako.
“I’m sorry, hon.” bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman nang hapitin niya ako papalapit sa kanya.
“Akyat na tayo.” Pagyaya ni Troy sa akin.
“Hmm, dito ka matutulog ngayon?” sabik na pagtatanong ko.
“I can’t. I have to be home later. But while I’m here, let’s make the most out of it.” Pagkasabi niyon ay agad niya ako na binuhat ng pa-bridal style, kaya napatili na lamang ako.
“Troy!”
“What? Sa tingin mo makakaligtas sa akin iyan suot mo? At sa tingin mo papayag ako na ang huling yakap na matatanggap mo ngayon araw ay galing sa kapatid ko? I would never allow another man to touch what’s mine, Rave.”
Buhat-buhat niya ako hanggang sa makaakyat kami sa kuwarto. Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto ay agad niya ako na inilapag sa kama habang ang mga mata niya ay patuloy na pinapasadahan ang kabuuan ko.
“You are mine, Rave. All mine. Always remember that.” Pagkasabi nito ay agad niya na sinakop ang labi ko. Isang mapusok na halik ang ibinigay niya sa akin kaya wala ako nagawa kung hindi ang hapitin siya at tugunan ang mga halik na iginagawad niya.
“Ooh, Troy.” Sa bawat halinghing na lumalabas sa akin ay siya naman na pagdiin ng halik niya. Ramdam na ramdam ko rin ang epekto ng mga halik na iyon sa kanya. Hinimas-himas niya ang mga binti ko at lalo ito na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.
“Ooh, Raven.” Pababa nang pababa ang mga halik na iginagawad niya sa akin. Nagsisimula rin ang paglikot ng mga kamay niya upang tanggalin ang aking damit. Nilulukob na rin ako ng kakaibang pakiramdam. Ang sensasyon na tanging si Troy lamang ang makapagbibigay sa akin.
Pareho na kami na nalulukob sa pagnanasa. Pareho kami na nalulunod sa mali at bawal na pagmamahal. Ngunit pareho kami na walang magawa upang mapaglabanan ito. Sa gitna ng mainit na eksena namin ay isang pagtunog sa telepono ang aking narinig.
“Troy, your phone.” Usal ko sa gitna ng mga halik at halinghing.
“Hmm.” Wala siyang balak na tumigil sa ginagawa niya ngunit wala rin tigil ang pagtunog ng kanyang telepono.
“Troy, answer your phone.” Muli ko na utos sa kanya. Inis na inis naman siya na tumigil sa ginagawa at bumangon upang abutin ang telepono.
“f**k!” inis na usal ni Troy. Ngunit nang makita ang tumatawag ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Baby?”
Isang salita lamang. Isang salita lamang ang muli na nagpaalala sa akin na ang lalaki na nasa harapan ko ay hinihiram ko lamang. Muli na bumangon ang sakit sa aking puso. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili.
Nang putulin ni Troy ang tawag, alam ko na ang ibig sabihin. “I know, Troy. She needs you. I’ll be okay. Sige na umuwi ka na.”
Pagkasabi ko nito ay agad na ako na pumasok sa banyo. Ayaw ko na makita pa ako ni Troy na muli na lumuluha. Ayaw ko na makita pa ako ni Troy na nasasaktan nang dahil sa kanya.