CHAPTER FOURTEEN- SEVENTH WINGS

2091 Words
Oliver's POV Pagdating namin sa resort ay agad namang binigay ni manager ang susi ng resort namin at isa lang masasabi ko sa manager namin ang galing nya! Hinahangaan ko si manager hindi lang dahil sa maganda sya, matalino magaling din sya mag alaga at lahat ready kapag may lakad kami o ang isa man samin. "Magpahinga na muna kayo mamayang umaga mag uumpisa na ang shoot nyo" nag nod naman kami bilang sagot kay manager G at umalis na sya. Siguro dahil na rin sa pagod kaya hindi na rin kami nakapagsalita. Ako, si Troy, Pao at Terrence ang magkakasama sa kwarto at sila Axel, Jaxon, Zander. Pagpasok namin sa kwarto ay agad kaming nahiga sa kanya kanya naming kama. Napagod kami sa mahabang byahe, tiningnan ko ang wall clock, ow ala una na pala ng umaga? Eight kami umalis ah ganun ba kalayo ang resort na to? Bakit ko ba yun pinoproblema? Makatulog na nga lang. ~ Nagising na lang ako ng may tumapik sa balikat ko at iminulat ko ang mata ko dahat dahan at nakita ko ang mukha ni manager G. "Bumangon na kayo jan hoy alas singko na nang umaga kailangan nyo nang mag ayos dahil alas sais ng umaga mag uumpisa na ang photoshoot nyo at after naman nun mamayang eleven kakain kayo tapos may interview kayo bandang one ng hapon. Kung maaga nyong matatapos ang photoshoot ngayon pwede kayong magliwaliw ganun na din sa pagkatapos ng interview pero alalahanin nyo na bawal lumayo dito baka umuwi kayo ditong di na virgin hahaha" napabangon na lang ako at umiling iling sa sinabi ni ate G. Minsan talaga hindi ko mahuli ang ugali nito. Galit minsan tapos mamaya maya masaya na tapos mangtitrip tapos magagalit uling parang ugali nila Dia minsan, ganyan ba talaga ang mga babae? Moody? Buti na lang at biniyayaan ako ng p*********i at magandang pagmumukha. Kahit wala pa sa katinuan ang kaluluwa ko na natutulog pa ay tumayo ako at saka dumeretso sa CR at naligo. Dahil sa lamig ng tubig biglang nabuhay ang buong katawan ko nawala ang antok ko. Paglabas ko ay nakita ko na wala na sila sa kwarto kaya lumabas na rin ako ng matapos kong ayusin ang sarili ko. "Pre babae ka na ba?" napakunot naman ang nook o sa sinabi ni Jaxon. "Ang tagal mong kumilos hahaha" dagdag pa ni Axel. "Anong nangyari at nanginginig ka?" sabat pa ni Zander. "Mga tol parang di nyo naman alam no? malamig kaya bat di nyo sinabi sakin?" inis na sabi ko at natawa naman sila. Kahit na si manager nakitawa na rin pero kahit na nakikita mong masaya si manager halata sa mga mata nya na antok na antok sya. "Manager natulog ka ba?" tanong ko at napatingin naman sila kay Manager. "Oo kasi five minutes lang di naman ako pwedeng matulog ng matagal dahil marami pa akong gagawin" sabi nya at ngumiti. "Manager kailangan mo rin ng pahinga" sabi naman ni Pao na sinang ayunan ni Terrence. "Oo nga manager hindi mo naman kami kailangang alalahanin lagi kailangan mo rin namang alalahanin ang sarili mo" "Naku Terrence tigil tigilan nyo ako sa kakaganyan nyo! Alam ko na yan saka isa pa kung iiwan ko kayo panigurado magkakagulo" pambabasag naman ni manager sa sinabi ni Terrence. Nakatinginan kami at saka nag kibit balikat, hindi naman kasi namin sya kayang pilitin. Kung kailangan at kaya pa kasi ni manager talagang hindi nya kami iiwan parang naguilty tuloy ako. Totoo naman kasi ang sinabi nya magkakagulo pag wala sya. "Pero manager pano pag nagkasakit ka?" "Ay naku Troy wag nyo kong alalahanin hindi ako ganun kadaling magkasakit mas malakas resistensya ko sa inyo kung alam nyo lang" nakangiti nyang sabi. Kung titingnan sya ng hindi talaga nakakakilala sa kanya malamang sasabihing okay lang sya pero kung kami? Napailing na lang ako dahil di din naman namin sya mapagpapahinga. Namumutla si manager pero pinipilit nyang alalahanin kami. Nagkibit balikat na lang kami at sumunod kay manager. Pumunta kami sa pool at may mga nakaset up na dito at halatang ready na sila mag shoot. Nakita ko rin na maraming tao ang nakadungaw ngayon sa railings. Sinara kasi muna ang part ng resort na to para makapagshoot kami ng maayos. "Shet Oliver ang gwapo mo" matagal ko na namang alam na gwapo ako eh. "Troy akin ka na lang" "Terrence mahal na mahal kita" "Jaxon lahian mo ko" halos maibuga na namin ang ininom naming tubig at napatingin kami kay Jaxon na nagulat din. "Paolo landiin mo koooo~" "Ang gwapo mo talaga Axel" "Makalaglag panty ka Zander" "Kyyyaaaa Sevent Wings!" Napailing na lang kami sa ugali ng mga babaeng to hindi ko akalain na ganyan sila kababa, kahit naman na fans ko sila hindi ko pa rin naman pwedeng hayaan silang ganyan may kapatid din naman akong ate at mama may crush din ako ay no mali MAHAL pala kaya malaki ang respeto ko sa babae. "Hindi ko alam na ganyan na pala kabaliw ang mga fans nyo" natatawang sabi ni manager at nakisalo sa pagkain namin. Dito kami sa labas kumain ng breakfast malapit sa set up maraming nakakakita at nagpipicture samin for sure na mamaya eh kalat na sa internet yang mga picture namin gwapo kasi kami. Pero ang iba masama ang tingin kay manager. "Manager di kaya mamatay ka sa tingin nila?" natatawa kong sabi at natawa din naman sila Pao. "Oo nga manager tingnan mo tingin nila" dagdag pa ni Troy at nagflip hair naman si manager at tumingin sakin. "Wala akong paki kung ibash man nila ako mas maganda naman kasi ako sa kanila. At isa pa bilisan nyo na jan kumain nag iintay na ang mga crew oh" sabi ni manager at tinuro ang mga nasa set. Ibang klase din talaga tong manager namin kaya nakakasundo namin sya eh. Agad naman naming sinunod ang gusto nya at saka kami nag umpisa na magshoot. "Okay lang ba sa inyo na top less?" tanong ng photographer at nag nod naman kami saka nag hubad. "Ready na kayo ah" At nag umpisa na ang sigawan ng mga tao kahit na sobrang lakas pinilit pa rin naman namin na magconcentrate sa trabaho namin, napansin kong umupo si manager at uminom ng tubig at may ininom pa sya. Vitamins ata yun para makaya ng katawan nya ang sobrang pagod at puyat. At dahil satisfied na ang photographer namin sa loob ng dalawang oras agad naman kaming umahon sa tubig, grabe lang ang mga tao kung sumigaw eh. "Fafa look at here" bakla siguro yun. Nagkatinginan kaming pito at saka ngumiti ng nakakaloko, this time papatay kami ng fans. Tumingin kami sa kanila at kumindat, ngumiti at kumaway. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan nila at napa-aw naman ng lumapit samin si manager. "Tama na yan baka magkasakit kayo at baka makapatay na rin kayo. Sige kayo magsisisi kayo hahaha" "Manager yun nga balak namin" –Jaxon "Sus Jaxon may natipuhan ka lang sa kanila eh" "Manager bakit kilalang kilala mo ko?" "Dahil babies ko kayo? Hahaha halika na kayo bumalik na kayo sa kwarto nyo at magpahinga." Nag nod naman kami at sumunod sa kanya. Nasa gitna ng kwarto namin at kwarto nila Jaxon ang kwarto ni manager at mahigit thirty minutes na pero wala pa ring manager G na nagpapakita samin kaya naman nagkayayaan kami na puntahan si manager G at tingnan kung anong nangyari. "Manager nanjan ka ba?" tanong ko habang kumakatok pero walang sumagot. "Baka naman walang tao? O baka wala jan si manager?" takang tanong naman ni Troy. "Buksan mo nga Oliver" "Hoy Terrence! Baka mamaya aksidente nating mabuksan yan tapos nagbibihis pa si manager edi nagkablack eye tayo" "Sang ayon ako kay Axel ayokong magkablack eye" Segundo naman ni Zander. Pero dahil matigas ang ulo ko eh binuksan ko pa rin ang pinto at lahat kami ngayon nakakita halos manlaki naman ang mga mata namin sa nakita namin at agad kaming napatakbo kay manager na nakahandusay sa sahig. "Sht ang init nya" sabi ni Jaxon. Binuhat naman sya ni Zander papunta sa higaan nya at nagtawag naman ng staff si Terrence para tingnan ang kalagayan ni manager. "Over fatigue lang naman kaya sya nilagnat pero hindi naman to seryoso huwag kayong mag alala" sabi ng doctor at binigay samin ang mga gamot. "Painumin mo yan sa kanya paggising nya." At nag nod naman kami saka sya umalis. Mahigit isang oras din syang nakatulog at ng magising sya agad naman syang umupo pero napahawak din agad sa ulo nya, nahilo ata. "Manager ano ba pwede ba wag ka munang matigas ang ulo?" inis na sabi ni Jaxon. "Oo nga manager kanina sinasabihan ka namin na magpahinga ka na di mo naman kami sinunod" dagdag na sermon nanamn ni Zander. "Pano kung may nangyaring masama sayo? Pano kung nabagok ka? Pano kung sa pagkabagok mo nalimutan mo kami? O di kaya nama---" "Subukan mong ituloy yang sasabihin mo sakin Axel at sisiguraduhin kong mauuna ka sakin" sabi naman ni manager. "Na appreciate ko na sana eh kaya lang dinagdagan mo pa" "Aray naman Troy bat ka nangbatok?" at nagpout naman si Axel. "Yuck pre kabaklaan mo" "Fafa Troooy~" "Tangina lumayo ka sakin." "Fafa Troy wag mo ko iwan" "Lumayo ka sakin masasapak kita" Napailing na lang ako sa kabaliwan ni Axel ano na naman kay ang pumasok sa isip nya at napagtripan nya na naman si Troy. Sa totoo lang lahat naman kami napagtitripan nya kaya nga iniiwasan naming sabihan sya ng kabaklaan. Hindi naman sya bakla eh mahilig lang magbakla baklaan. "Tumigil na nga kayong dalawa" saway naman ni manager. Akmang tatayo na sana sya kaya lang inihiga sya ulit ni Terrence "Kaya ko na" "No kailangan mong magpahinga" sagot naman ni Terrence. "Ay taray concern ang babies ko hahaha oh sya magpapahinga na ako tapusin nyo na ang interview nyo" tapos tumingin kami sa oras "Pumunta na kayo sa set" at nag nod naman kami. "Inumun mo to manager ah" sabi ni Pao at binigay ang gamot. "Thanks" pahabol nya samin. Hindi ko alam kung hahanga ako kay manager o maiinis kasi sa bandang huli kami pa rin ang inaalala nya, ganyan ba talaga sya kadevoted sa trabaho nya? O baka naman may inaalala lang sya? Napailing na lang ako at pumunta kami sa isang room pero hindi sya gaya ng ibang room dito na may kama. Gawa talaga ang room na to para pagmeetingan. Nag umpisa na ang interview namin. Name: Oliver Yeon Age: 16 Birthday: January 15 Blood type: A Favorite food: Pizza Family: Allieyah Park-Yeon (Mother), Lance Yeon (Father) and Jasmine Yeon (Sister) Specialty: Drawing Position: Vocalist and the current Dancing Prince. Name: Paolo Seok Age: 16 Birthday: May 11 Blood type: O Favorite food: Meat Family: Aia Seung-Seok (Mother), Kyle Seok (Father) and unknown (Twin) Specialty: Photography Position: Rapper and composer. Name: Troy Henry Salvador Age: 16 Birthday: February 19 Blood type: O Favorite food: Chicken Family: Shaira Salvador (Mother) TCLG's manager, Luke Salvador (Father) HBB's manager and Zayne Cyrus Salvador (Brother) Specialty: Cooking Position: Vocalist and face of the group. Name: Terrence Balverde Age: 17  Birthday: Septermber 22 Blood type: A Favorite food: Fruits Family: ---- Specialty: ---- Position: Vocalist and lead dancer. Name: Axel Kang Age: 17 Birthday: March 27  Blood type: AB Favorite food: Any kind of meat Family: ----- Specialty: -- Position: Vocalist Name: Jaxon Myeong Age: 18 Birthday: April 16 Blood type: A Favorite food: Noodles Family: ---- Specialty: Music Position: Leader and Rapper. Name: Zander Hwang Age: 17 Birthday: October 1 Blood type: A Favorite food: anything Family: ---- Specialty: ---- Position: Rapper and lead dancer. Napaunat naman kami ng matapos na ang interview akalain mo yun mahigit dalawang oras din pala? Pumunta muna kami kay manager at saka kami nagpaalam na maggagala muna kami. "Tingnan nyo pre kung sino ang nandito sa harap natin" sabi ng isang lalaki. "Ang magaling na Seventh Wings" Anong problema ng mga to? Tiningnan lang namin sila. "Akala mo kung sinong maaangas wala rin naman binatbat" "Anong problema nyo?" tanong ni Jaxon sa kanila. "Kayo. Kung gusto nyo pang mabuhay sumunod kayo" Hindi na kami agad nagsalita pa nakita namin na may hawak na baril ang isang lalaki. s**t kinakabahan ako sa mangyayari. Ano ba kasing problema ng limang lalaking to? Kahit na sabihin pa namin na lamang kami sa dami kung isang kalabit lang sa baril na hawak nila ay wala rin. Sumunod na lang kami sa kanila. Hindi ako mahilig sa action pero mapapaaction ata kami dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD