Paolo's POV
Nabobored ako pero wala akong ibang magawa kundi ang humilata lang dito sa higaan ko, wala akong kahit na anong activities ngayon day off daw namin sabi ni manager at bukas daw maghanda kami dahil sa dami ng sched namin kaya ngayon pa lang pinagpapahinga na kami. Hindi ko talaga magets ang sarili ko minsan. Minsan iniisip ko n asana bigyan kami ng pahinga ngayon naman na binigyan kami eh iniisip ko na sana may trabaho na lang kami ngayon ang gwapo ng utak mo Pao.
Kahit na nakakaindak ang mga tugtog na piniplay sa music list ko eh hindi ko pa rin maiwasang mag emo, yuck anong year na pero nakakajeje na emo ang sasabihin ko. Gwapo ko namang jeje pag nagkataon. Swag pa. Gusto ko sanang makipag usap kay Ashley pero ang babaeng yun nga naman hindi ako pinayagang mag stay sa kwarto nya iistorbohin ko lang daw kasi sya.
Masyado naman atang busy ang babaeng yun. Kakausapin ko lang naman sya at kukulitin alin ang nakakaistorbo dun? Sa gwapo kong to iistorbohin ko ang busy kong kakambal? Hindi ah. Oo hindi, hindi ko na nakayanan ang kaboringan ng buhay ko dito kaya naman tumayo ako at pinatay ang mp3 ko saka pumunta sa kwarto ni Ash.
"Ash nanjan ka ba?" walang sumagot? Porket ba busy sya nakalimutan na nya na marunong sya magsalita? Kailangan ko na ba syang turuan ulit? "Ash ano ba papasukin mo na ko mamatay na ko sa kaboringan oh, ang gwapo mong kakambal naboboring hindi ka ba naawa?" wala pa ring sagot na dumating.
Ah ganun ah. I have no choice, dali dali akong tumakbo at pumunta kay yaya saka ko kinuha ang duplicate key ng kwarto ni Ashley alam ko namang magagalit sya kapag pumasok ako sa kwarto nya ng walang paalam pero kasi nabobored na talaga ako di ko kaya na di makipag kulitan sa kakambal ko.
Pag akyat ko ay agad ako dumeretso sa kwarto ni Ash at binuksan. Madilim. Ay natural Pao madilim takot si Ash sa dilim ibig sabihin wala sya dito! Sayang ang pagsigaw ko kanina ano ba naman yan maraming babae ang namamatay sa sigaw ko pero yung kakambal ko binalewala nya lang. napailing na lang ako. Ano bang kasalanan ko at may kakambal akong gaya ni Ash? Pero kung sabagay maswerte naman ako sa kanya noong hindi pa kami sikat at trainee pa lang kami at nag aaral kami sa iisang school dati pinapakopya nya ako kaya swerte ako.
Pero mas swerte sya sakin kasi may gwapo syang kakambal na gaya ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero gwapo talaga ako at matalino tamad nga lang daw talaga ako mag aral lagi kasing stock knowledge ang ginagamit ko kaya nga muntik na ko mastock noon sa elementary eh hahaha buti na lang naging classmate ko si Jaxon kung hindi napag iwanan ako, sya ang nagpursige sakin mag aral pati na rin si Irish my loves.
Inikot ko ang mga mata ko sa kwarto ni Ashley, ganun pa rin naman wala pa ring pinagbago. Mabuti na lang at yung kakambal ko pati na rin sila Dia ay hindi kagaya ng ibang mayayamang babae na puro na lang kaartehan ang pinaiiral siguro dahil na rin sa impulwensya nila mommy at tita na huwag silang magiging ganun. Sa pananalita lang naman sila maarte but all in all package na sila.
Simple lang ang kwarto ni Ashley kulay white na may konting green at oo nga pala favorite color kasi ni Ash ang green si Irish naman sa pagkakaalam ko yellow and blue naman ang kay Dia pero ito malala kung sino pa ang mas maangas sa kanila sya pa ang may favorite sa pink walang iba kundi si Marian. Maglalakad sana ako papunta sa kama nya para humiga ng may matapakan ako.
Napakunot naman ang noo ko nang Makita ang mga nagkalat na papel sa baba, kelan pa natotong magkalat ng ganito si Ash at di man lang niligpit? Kinuha ko lahat ng iyon at nilagay sa basket na nasa gilid baka kasi hanapin or kailanganin nya pa to kaya di ko na lang muna tinapon at pinasunog. Napadako naman ang tingin ko sa study table nya.
"Ang kakambal ko kelan pa rin nya natutunan na iwan ang cellphone nya? Sa pag kakaalam ko hindi sya mabubuhay na wala to" sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang phone nya and luckily wala itong password una kong tiningnan ang gallery nya, ayoko namang tingnan ang inbox nya kasi private yun di gaya nitong sa gallery. Napangiti ako ng Makita kong ang mga picture namin noong bata pa kami tapos isama mo pa yung picture namin, bigla ko tuloy syang namiss. Kahit na lagi kaming nagkikita dito sa bahay minsan na lang din naman kami magbonding ni Ash.
Sumunod mga picturen na nila Dia ang nandito nandito kaya naman binack ko na. sumunod kong tiningnan ang playlist nya at nakakatuwa talaga ang kakambal ko kahit na sabihin nyang di nya trip ang mga kanta namin eh meron pa rin syang copy, hindi nga ba talaga nya trip o nagdedeny lang? naku talaga maasar nga yun minsan.
Ibaback ko n asana ng may Makita akong secret files. Curiosity strikes me. Inopen ko yun ang sinend ko sa cellphone ko and then dinilete ko ang history nung pipindutin ko na para pakinggan iyon nagulat ako ng may biglang humablot nun.
"What are you doing here?" inis na sabi nya.
"Sorry kambs akala ko kasi nandito ka kaya kita pinuntahan dito."
"Eh nakalock to ah wag mo kong pinagloloko Pao"
"Hindi kita niloloko Ash, sobrang bored ako kaya pumunta ako dito. Oo nakalock nga, tinawag kita pero hindi ka naman sumasagot kaya akala ko nakalimutan mo na na marunong ka magsalita kaya hinirap ko kay yaya ang duplicate key ng kwarto mo" sabi ko sa kanya at yumuko narinig ko naman na bumuntong hininga sya.
"Eh bakit hawak mo phone ko?"
"Tiningnan ko lang ang mga pic jan at yung musics. Ikaw kambal ah" tapos tinusok ko ang tagiliran nya at ngumisi ako "Sabihin mo idol mo talaga kami no?"
"What?" nanlalaking mata nya at natawa naman ako.
"Kasi may song kami sa phone mo"
"Yun lang Pao? Idol agad? Hindi lang pala baliw ang kambal ko assuming din naman pala" nailing nyang sabi at saka ngumiti sakin "Date tayo?" sabi nya pa.
"Kelan ko ba tatanggihan ang kakambal ko?" tapos inakbayan ko sya.
Sabay kaming dalawa na lumabas ng kwarto nya pero nilock nya yun at saka kami dumeretso sa labas ng bahay, napatingin pa nga samin ang mga maid namin at napangiti. Minsan lang naman kasi nila kami makitang ganito ni Ash yung akalain mong girlfriend ko sya.
~~~~~~~~~~~~~
Irish's POV
Niyaya ako nitong best friend ko na magdate daw kami tutal daw day off nya naman at dahil sa minsan lang at bibihira lang syang manlibre edi go ako. Alam ng lahat dito sa village na best friend ko si Troy at ganun din naman ang iba pero siguro ang mga baguhan dito ay magtataka at magseselos dahil ang mahal nilang member ng Seventh Wings ay eto may magagandang best friend like me, Dia, Ash and Marian.
Sa park na lang kami pupunta ngayon mahirap na pag sa mall baka mamaya umuwi akong mag isa at umuwi naman tong best friend kong walang damit alam nyo naman mga fan girls dito sa ating bansa ibang iba halos kulang na lang magpalahi sa idol nila. May mala k-pop pa naman ang mukha ng seventh wings kaya di nakakapagtakang maraming magkagusto sa kanila.
Sa park na pupuntahan namin para na syang all in one. Maraming nagtitinda doon at parang carnival pero walang rides dahil puro foods lang ang nandito at iilang booth sports. Mahilig kaming pumunta dito dati nila mommy noong bata pa kami kasama din namin sila Dia noon at tuwang tuwa kami kapag nakakapunta kami dito.
"Miss this place?" napatingin naman ako sa kasama kong nakaakbay sakin at nag nod naman ako.
"Sobra! Ang tagal na rin pala simula noong last tayong pumunta dito"
"At ngayon lang ulit" dugtong naman nya.
"Ay taray ang mag-best friend nandito rin pala" napalingon naman kami at nakita ko sila Ash at Pao.
Ay jusko ang puso ko talaga nagwawala pang nanjan si Pao hindi ko naman alam kung bakit. Bwisit na lalaking to kaya kinakainisan ko to eh hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit pero dahil sa ngayon lang kami magkakasama eh sige di na muna ako maiinis sa kanya.
"Oh anong meron at nandito kayo?" napatingin naman kami kay Marian at Dia na kasama si Oliver.
"So best friend's date ba ito?" nakangiting sabi ni Marian at ngumiti din kami.
"At dahil boys ang nagyaya na pumunta dito lets go at sila ang gagastos sa atin" sabi ko naman at umasim ang mukha nila "Oh bakit? Kasalanan nyo yan hahaha"
Natawa lang din naman sila Dia sa sinabi ko at di na nagsalita pa. Halos lahat ng sport's booth nilaruan namin at meron kami ngayong tig tatlong malalaking teddy bear galing sa kanila. Now ready na kaming kumain dahil sa sobrang pagod. Gabi na pala? Hindi man lang namin naramdaman anong oras ba kami pumunta dito? Three ng hapon tapos ngayon anong oras na ba? I think its already eight in the evening.
"What do you want to eat girls?" tanong ni Oliver samin.
"Gaya pa rin ng dati. Rice, chicken, pizza and float." At nag nod naman sila sa sinabi ko.
Pagdating kasi sa kaiinan iisa lang ang kinakain namin nila Dia lalo na pagkasama namin yung mga lalaking yun. Umalis sila para bumili ng pagkain at parang nakakaramdam ako na may tumitingin sa amin pero hayaan na nga baka guni guni lang namin yun. Pagdating ng boys ay agad naman kaming kumain.
"Anong pumasok sa isip nyo at yinaya nyo kami?" takang tanong ni Dia.
"Mabubusy kasi kami simula bukas kaya baka hindi na muna kami makauwi" sagot naman ni Oliver at parang nawalan ako ng gana.
"Ah" yan lang ang nasabi ko.
"Grabe anong reaksyon ba yan? Don't worry sabi ni manager G na one week lang naman daw yun" pagdepensa naman ni Pao at ngumiti kami.
"Siguraduhin nyo lang na one week yan dahil kung hindi malalagas yang wallet nyo pag balik nyo" pagbabanta naman ni Ash.
"Kailangan na ba naming matakot?" natatawang sabi naman ni Troy.
"Oo kailangan na dahil sa susunod mauubos talaga yang laman ng wallet mo" natawang sabi ni Marian.
Natahimik kami saglit at saka kumain ulit nageenjoy na kami sa pagkain namin ng may dumating at kinausap sila Troy, si manager G lang pala.
"Sorry kung sisirain ko muna ang gabi nya guys pero kasi kailangan ko ang tatlong to ngayon" napatingin naman kami kay Manager G sa sinabi nya. "Okay lang ba?"
Ngumiti kami.
"Opo okay lang po naalibadbaran na kasi kami sa pagmumukha nila hahaha" – Ash
"You're so mean Ash" ani ni ate G.
"Well that's the fact hahaha anyway guys you can go with her na thanks for this night" nakangiti namang sabi ni Dia.
"Well then lets go" sabi ni manager G at umalis na.
Inubos na namin ang pagkain namin saka kami umuwi pero di pa talaga kami umuwi nag stay kami sa harap ng bahay nila Dia.
"Sanay na kong naiiwan nila tayo pag may biglaan silang trabaho pero parang iba ngayon" napatingin naman kami kay Ash. "Feeling ko di maganda ang mangyayari" dagdag pa nya.
"I feel the same Ash, I don't know why but the way ate G look at them its telling me that there is something wrong" sabat naman ni Dia, ayan na naman po sya sa kakaenglish nya.
"You guys are thinking too much" nakangiti kong sabi "Let's just trust them" at nag nod naman sila.
"I agree with Irish. Anyway are you guys done with your assignment?" tanong pa ni Marian.
"Hindi pa pero nasa kalahati na ako" sabi naman ni Dia.
"Hindi ko magagawa ang akin hanggat di tapos si Dia" sabi ko naman ako kasi composer nila.
"Yung rap part gagawin ko pa lang" sabi ni Ash at nag nod kami
"Tara uwi" sabi ko at nagsilakaran na kami.
~~~~~~
Troy's POV
"Ano ba gusto mong ipakita sa amin?" sabi ni Oliver habang nakatingin kay Paolo na nakaheadset ngayon.
Natahimik kasi sya saglit kanina akala namin nakikinig lang sya ng music. Nasa byahe kami ngayon para magphotoshoot sa isang resort gagawin kasi nila kaming endorser.
"Pakinggan nyo ah" tapos tinanggal nya ang headset.
Halos nabato kaming lahat sa narinig namin. That voice.
"Boses nila Marian yan ah" sabi ni Zander at nag nod si Pao.
"Kanina kasi nabored ako at pinasok ko ang kwarto ni Ashley tapos nakita ko cellphone nya kinalikot ko yun maliban sa inbox tapos nakakita ako ng secret files at ito ang laman nun. Sa tingin ko compose nila to." Paliwanag ni Pao sa amin.
"Paano mo naman nasabi?" tanong naman ni Jaxon.
"Hindi na ko nagtataka na nakapag compose sila ng ganyang kanta" sabat naman ni Axel at tumingin kami sa kanya "What? Kung tutuusin nga mas better silang maging producer kesa sa maging idol gaya natin eh" dagdag pa nya.
Kung sabagay totoo.
"Pano ko nasabi? Kasi kanina nakakita ako ng nagkalat na papel mga nakalukot ito may nabasa naman ako kaya lang hindi ko pa rin binigyan pansin pero sa tingin ko nagcocompose sila ng kanta ngayon para ipanglaban sa atin" sabi nya pa at napangiti kami.
"Then this battle wouldn't be that easy" nakangiting sabi naman ni Terrence.
Exciting.