Troy's POV
Nakaupo kami ngayon sa practice room namin kakatapos lang din naman kasi namin mag practice at ngayong araw wala kaming ibang ginawa kundi magpractice, sa ganitong klaseng mga paliksahan mataas ang mga expectation nila kaya naman kailangan naming galingan.
"Ngayong makakasali na sila may pag asa kaya tayong manalo sa kanila?" takang tanong naman ni Oliver.
"Kung kagaya natin sila? Siguradong wala pero mas may fans tayo kaya sa tingin ko kaya naman" agad na sagot ni Jaxon.
"Kung gaano kadami ang babaeng fans natin alam nyo naman din na pwedeng ganun din karami ang maging fans nila na lalaki" nag kibitz balikat kami nila Axel.
Tama naman sya eh. Kung gaano karami ang fans namin ganun din ang mangyayari sa kanila at pwede ding may kumuha sa kanilang entertainment para mas lalo pang hasain, kung ngayon nga na sila mommy pa lang ang nag tuturo sa kanila ang galing na nila pano pa kaya pag professional na?
Hindi naman kami takot na makalaban sila kaya lang ang problema namin eh dahil sa babae sila mas maraming magiging haters nila, ganun naman talaga sa mundong to eh. Ang mga babae ang mas kinaiinggitan ng kapwa babae. Sa mundo ng media pag babae ka asahan mong kakainggitan ka. At yun ang kinakatakutan naming mangyari ang masaktan sila kahit na alam naman namin na kasama sa pagiging celebrity ang ganun.
"Tapos na ba kayo magpractice?" biglang sulpot naman ni Manager G. "Oh bakit ganyan mga mukha nyo?"
Nagkatinginan naman kaming pito at saka ngumiti.
"Hindi ko alam na may kabute pala tayong manager" sabi ko at nag sang ayon naman sila.
"Hindi ko rin alam eh baka naman hindi sya ang manager natin?" sabat naman ni Oliver.
"Pero kamukhang kamukha nya ang manager natin mga pre" dagda pa ni Terrence.
"Baka naman nananaginip lang tayo?"
"Imposible naman Axel na nanaginip tayo eh ang sakit ng katawan natin sa kakapractice, baka impostor yan?"
"Pwede din naman yang naisip mo Zander pero kung totoo nga" nagkatinginan kami sa sinabi ni Jaxon at saka bumalik ng tingin kay manager G.
"Se.vent.Wings." pagsabi nya nun kinilabutan ako.
Agad naman kaming nagsitayuan at saka humarap sa kanya ng tuwid. Kahit naman lagi namin syang pinagtitripan takot pa rin naman kaming magalit sya ayaw naman kasi naming maulit ang dati yung pinagpush up kami ng 100 at pinagsit up kami ng 200 grabe ang terror hindi pa kami makakalabas ng studio hanggat di namin tapos yun. Kaya mas lalo kaming nagiging macho dahil din dito sa manager namin. Kung tutuusin isa sya sa pinaka the best na manager wala ngang masabi ang ibang manager sa kanya eh.
Maganda, mabait at organize pa hindi nya rin kami pinapabayaan sumasama sya kapag may single activity ang isa sa amin at pag dalawa naman ang may activity ang pinakauna ang aasikasuhin nya pero pag time na ng isa tatawag na sya para kumustahin. The best tong babaeng to. Manager na ate pa namin.
"May sinasabi kayo?"
"Wala po manager G"
"Sino pinakamagandang babae?"
"Si mama" sagot ni Jaxon
"Alice" sagot naman ni Zander
"Risa" napatingin naman kami kay Axel "Bakit sya pinakamaganda sakin eh"
"Dia" sagot naman ni Oliver
"Irish" sagot naman ni Pao.
"Ashly" nakatungong sagot ko.
"Marina" sabi naman ni Terrence.
Pero imbis na mainis sa amin si Manager G ngumiti naman sya.
"Sino pa?"
"May iba pa ba?" takang tanong ko at umiling naman sila.
Tiningnan ulit namin si manager G at nagsitakbuhan na kami dahil sa nagiba na ang aura nya. Tumakbo na kami palabas ng studio at pumunta sa cafeteria ayoko rin namang lumabas ng nakasando baka mamaya mawala pa ang sandong to. Narinig naming sumigaw si manager pero di na namin sya pinansin dahil gutom na kami.
~~~~~~~~~~
Irish's POV
At dahil nagpababa ako kay manong sa gate ng subdivision para bumili ng mga kakailanganin ko sa pagcompose mamaya, oo nagbabalak kami magcompose kung tutuusin nga si Dia dapat ang bumili nito dahil sya ang lyricist namin pero dahil sa busy sya ngayon sa pag iisip kaya ayan solo ako mamaya. May mga nacompose na rin naman kami dati pero ibang level na rin kasi tong kakantahan namin kaya di basta bastang compose lang ang gagawin namin.
Napabuntong hininga na lang ako. Ang bigat naman kasi nitong dala ko hindi lang naman kasi music book, string ng gitara at panlinis ng piano ang dala ko may mga kasama pang cartolina, manila paper at kung anu ano pang kailangan sa school. May gagawin kasi kami bukas at kahit na kami na ang nakaregister susubukan pa rin naming maghanap bukas.
May mga nakausap din kaming ibang student sa school hindi naman daw sa ayaw nila kundi wala daw talaga silang panama sa Seventh Wings at ayaw naman daw nilang mapahiya ang school lalong lalo na ang sarili nila kapag kumanta sila. Sigurado daw kasi na ang ibang school ay may panama sa kanila hindi gaya nila. Isang malalim na naman na buntong hininga ang nabitawan ko at nagulat naman ako ng may kumuha sa dala ko.
"Ho-"
"Ang lalim naman ng iniisip ng best friend ko"
"Ay naku Troy tigil tigilan mo ko wag mo kong kulitin ngayon"
"Badtrip?"
"Oo, kasi naman tong si Risa ayaw pang itigil ang kalokohan nya na kami ang ipanglalaban nya"
"Hmm~ ayaw mo nga ba talaga?" napatigil naman ako sa sinabi nya at tumingin ako sa kanya "Halika nga muna sa park" at sinundan ko lang naman sya saka kami naupo sa swing at tinabi nya muna ang binili ko. "Sabihin mo Irish masaya ka ba?"
"Ako pa ba ang tatanungin mo nyan?"
"Hindi mo ako maloloko Irish, alam kong mahal nyo ang pagkanta at pag sayaw pero natatakot lang kayo. Masaya ka ba talaga na tinatago nyo yan?"
Hindi ko napaghandaan ang sinabi sakin ni Troy kaya naman hindi ako agad nakaimik. Sa kanilang lahat si Troy ang pinaka close ko although close ko rin naman sila Dia pero pinaka close ko si Troy sya yung best of the best friend ko at best friend naman sila Dia. Si Troy lang kasi ang nakakaintindi sa akin noon kaya sya ang naging close ko, napagkamalan pa nga kami nila mommy na kami noon eh but then napatunayan namin na magkaibigan lang kami.
"Maybe yes maybe no? Oo tama nga kayo na natatakot lang naman kami kaya ayaw naming magpakilala. Ayaw naming makilala bilang HBB and TCLG's daughter ayaw namin nun kaya iniwasan namin lahat saka naalala ko nagpromise ako kay mommy noon na di ako sasali sa media world dahil maiiyak sila kapag nabash kami or ako"
"Ayan lang ba ang rason nyo?" nag nod kami "Eh bakit hate nyo ang mundong yun?"
"Its not that we hate it. How we hate it if our family loves it and having fun with it?"
"Hindi namin alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip nyo pero sana after ng competition na to mapagdesisyunan nyo na. Siguro alam nyo na rin naman na nag aabang lang sila tita sa mga magiging desisyon nyo alam nyo rin naman siguro o nararamdaman nyo na gusto rin nilang maramdaman nyo ang pagmamahal ng ibang tao."
Napayuko ako. Alam namin yun at nararamdaman namin yun pero paano kapag nalaman nila ang ugali namin? Nalaman nila na bully kami? Paano na ang magiging career namin? Hindi naman sa pinagsisihan namin na mang away dati pero kasi deserve naman talaga nila yun and isa pa baka mamaya maging number one ng anti fan namin sila Yrally. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Try." Tapos tumayo ako "Tara uwi na tayo" at nag nod naman sya.
Walang naimik sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay at ibinigay nya sakin ang dala ko. Sabi nya magpapahinga na daw sya kasi sobrang pagod na sya sa practice nya, ibang klase talaga ang lalaking yun kahit pagod na sya nakakapagbigay pa rin sya ng oras sa best friend nya hahaha ang swete ko sa kanilang lahat.
"Para saan naman yan?" bungad sa akin ni Kuya at tinulunga ako.
"Para po sa school" sagot ko naman at kumunot naman ang noo nya "Bakit?"
"Eh bakit may music book?"
"Ah eh tatry ko pong magcompose mamaya kapag naibigay na sa akin ni Dia yung lyrics na nagawa nya" nakangiti kong sabi at nagulat naman sya.
"MOMMY! DADDY" nanlaki ang mga mata ko ng biglang sumigaw si kuya nataranta naman ako at inagaw kay kuya ang gamit ko pero hindi nya naman ibinigay.
"Anong problema nag away na naman ba kayo?" tanong ni mommy at umiling naman ako.
"Hindi po. Bigla bigla na lang naman kasi tong sumisigaw si kuya" sabi ko at yumuko.
"Ano namang problema mo Ruzzel?" tanong naman ni Daddy.
"Mom, dad!"
"Magsalita ka wag kang pabitin baka ikaw ang ibitin ko patiwarik" kinagat ko ang babang labi ko para hindi matawa dahil sa sinabi ni mommy kay kuya.
"Kasi naman magcocompose daw si Irish mommy! Pagbigay na pagbigay ni Dia ng lyrics" nanlaki naman ang mga mata ko.
"Wala naman akong sinabing pagbigay na pagbigay ah"
"Totoo ba yun Irish?" lagot galit si daddy sabi na eh hindi talaga kami dapat sumali sa ganito, tumango naman ako bilang sagot "Bakit?" tanong pa nya ulit.
"Dahil po sa Music School Competition. Nalaman po kasi ng isang kasamahan namin na kakilala namin ang Seventh Wings at nalaman din nya na kaya naming labanan sila Troy kaya ayan kami ang niregister. Para po kasi sa amin eh ang korni kapag nagcover lang kami ng kanta kaya po gagawa na lang kami" paliwanag ko at yumiko naman ako.
"Well good job and Good luck" napatingin ako kay mommy at nagthumbs up naman si daddy.
"Hindi po kayo galit?" takang tanong ko
"Bakit naman? Eto nga ang hinihintay namin eh" nakangiti namang sagot ni daddy sa akin.
"Oh tama na muna yan tara na at kumain" sabi ni yaya sa amin at nag nod naman kami.
Akala ko pa naman magagalit sila dahil sa ginawa ko hindi pala parehas lang ba ng nararamdaman sila mommy at ang mga magulang nila Dia? Siguro nga naduwag lang akong harapin ang katotohanan na kahit na anong gawin ko macocompare pa rin ako kila mommy pero dun ko lang kasi tinoon ang sarili ko hindi ko tuloy nakita kung anong talent talaga ang meron ako. Past na sila mommy at kami na ang gagawa ng bagong era.
~~~~~~~
Joshua's POV
Pagkatapos naming kumain kanina ay agad namang umalis sa hapagkainan si Dia kaya naman ngayon ay nagtataka kami nila mommy.
"Baka naman may itinatago na si Dia sa atin Darryl"
"Wala naman siguro Mhyleen"
"Josh tingnan mo nga si Dia sa kwarto nya kakausapin lang namin" nag nod naman ako sa sinabi ni mommy.
Minsan lang naman kasi maging ganito sila mommy kaya naman sinusunod ko sila saka isa pa mabuti akong anak no ayokong magalit sila sakin. Kumatok ako sa kwarto ni Dia pero walang sumagot ng hawakan ko ang door knob nagulat ako dahil hindi naman ito nakalock. Si Dia hindi naglock ng pinto ng kwarto nya? Sigurado akong wala sya sa kwarto nya ngayon.
Wala sa sariling nabatukan ko ang sarili ko ano ba naman kasing gagawin ni Dia dito sa Music Section ng bahay namin? Babalik na sana ako ng may marinig akong boses.
"Bakit ka napatawag?" sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses at saka ako sumilip sa glass part ng pinto maliit lang to pero sakto lang para malaman mong may tao sa loob at nagulat ako ng makita si Dia. "Anong meron sa competition?" huh? Competition? Kasali sya? Bat di ko alam? "Ah okay sige na sabihin mo na busy pa ako" napatingin ako sa loob ng studio, oo studio sya pero may piano, guitar at drum. Nakita kong ang daming nakakalat na papel, ano bang ginagawa ng babaeng to? "Oo sinisimulan ko na, kanina pa nga ako nagtatry na magsulat ng kanta eh" halos manlaki ang mata ko sa narinig ko, si Dia nagsusulat na ng kanta? "Ah ano bang rules ang sabi?"
Hindi naman ako chismoso pero dahil tungkol to sa talent ng kapatid ko kailangan kong makinig minsan lang naman kasi syang magsulat ng kanta at ang huling kanta na nasulat nya ay matagal na. Seven years old pa lang sya noon at isa yun sa pinaka magandang kanta na narinig ko. Si Irish ang nagcompose ng kanta, si Marian ang kumanta at si Ashley naman ang gumawa ng step.
"You got to be kidding me Risa!" nakita kong napahilamos naman sya ng mukha nya, nag uumpisa na siguro ang pagkafrustrate nya sa mundo namin nila mommy "Gagawin ba talagang Korean? Bakit daw?" bumuntong hininga naman sya ng pagkalalim lalim "So dahil sa Korean lahat ng sponsor eh kailangan korean din ang lyrics?" nailing naman sya "Okay sige na ipapatranslate ko na lang tong gagawin ko kila mommy, bye." Sabi naman nya at napahilot naman sya sa sintido nya "This world is so frustrating but I kinda love it" nakangiti nyang sabi habang tinitingnan ang kalat nya.
Dahan dahan akong umalis at bumalik kila mommy, sinabi ko sa kanila kung ano ang nakita at narinig ko pero sinabihan ko rin sila na wag munang tanungin tungkol dun si Dia baka mamaya magalit dahil nakinig ako sa usapan nila ng kaibigan nya yun pa naman ang pinaka ayaw nya.
Good luck Dia! Kaya nyo yan!