Matapos silang mag-usap nina Janna Mae at Mother Superior tinawag na nito si Janna para naman silang dalawa ang mag-usap. At ilang sandali pa ay kaharap na niya ito sa messenger. "Kumusta ka na pasensya na talaga kung hindi natuloy ang pagtungo namin diyan nila Mommy at Daddy ha. Tsaka iyong pangako ko sayo na cellphone hindi ko talaga madadala diyan kasi mukhang matatagalan pa bago ako makadalaw sa bahay ampunan. Kasi may magandang nangyari sa buhay ko ngayon bestfriend, alam mo ito talaga iyong reason kung bakit ako tumawag. May magandang balita ako sayo at siguradong magugulat ka talaga kapag nalaman mo kung ano iyon," pinasigla niya ang boses para naman hindi ito mahalata na may alam siya tungkol sa relasyon nito at ni Cedrick. "Okay lang naman Janna Mae ang mahalaga naalala mo na