Kabanata XX Do not talk to strangers! Iyon ang tinitigan ni Savvy sa dingding ng inuupahan nang magising siya. Bigla na lamang siyang napabalikwas ng bangon dahil pakiramdam niya ay may humalik sa kanya, wala naman. She was hallucinating even when she was fast asleep. Do not talk to strangers na naman daw. May naalala na naman siya dahil noon kapag pumapasok siya sa eskwela ay ganoon ang parating sinasabi ni Stanley sa kanya. She should never talk to strangers and now he said it again. Nakasulat iyon sa puting dingding, gamit ay pen touch. Vandalism pa ang walang hiyang si Stanley. Alam na niya ang tinutukoy nun na stranger, ang lalaking nakakatakot sa kabilang unit na may pinupukpok na kung ano kahit na hatinggabi o papaumaga na. Napaitlag siya nang kalabitin siya ni Holy.