Kabanata XIX Stanley refrained from walking when he noticed the man standing at the door of the other unit. Nasa loob ng iisang bakod ang tatlong unit ng apartment at halaman lang ang nagsisilbing harang sa pagitan ng bawat isa. Naninigarilyo ang lalaki at nakatingin kay Savvy, habang pinapayungan ang anak nila at si Perla. Sinadya niyang iwan na bukas ang headlights ng sasakyan para maliwanag dahil sa sobrang lakas ng ulan. Napakadilim ng paligid at kahit may ilaw sa poste ay kulang. His jaws tightened. Kilala niya ang ganoong titig ng lalaki sa isang babae. Savvy is indeed a very noticeable woman because she’s appealing and pretty. Tapos na niyang i-tsek ang loob ng unit kaya lumabas siya. Now, he finds a maniac. Humihithit iyon ng sigarilyo pero kung makatitig kay Savvy ay daig