Kabanata XXVII Kakalabas lang ni Savvy sa building, alas cinco y medya ng hapon ay hindi niya nagustuhan ang nakita. Nakaparada ang isang itim na kotse malapit sa kanya at naroon nakatayo si Antonio at si Antonia, si Diana Kei pala. Kung si Stanley at Diana ay mag-asawang alipunga, ang mga ito naman ay magbeyanang hilaw na buni. Kaswal siyang naglakad at binalewala ang mga ito. Akala naman ata ng mga ito ay naroon si Jake. Wala naman doon ang mayor at may nilakad na importante. Halos maghapon ngang wala at siya lamang ang nag-receive ng mahahalagang papeles. Taas noo siyang naglakad pero maya-maya ay hinarang na siya ni Diana. “Stop seducing, Stanley,” tahasang sabi nito sa kanya kaya naman umarko ang mga kilay ng dalaga. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Attorney Vega? Nakakatawa k