Kabanata XXVIII Unknown numer: Basta. May kakatok daw sa pintuan niya at iyon ay nanay niya! Nanay niya raw si Basta! Napasimangot si Savvy sa kahuli-hulihang text message ni Stanley at isiniksik ang cellphone sa bulsa niya. Nakapause ang inaaral niyang sayaw na sasayawin nila sa birthday ni President DDN, short for Dong-dong Nachos. Tumingin siya ulit sa telebisyon, kung saan nakaopen ang meTube, na ginagayahan niya ng sayaw. Katabi niya si Holy na sunasayaw din at walang kapaguran. All of a sudden, her baby had lost her interest playing. Holy’s been dancing with her since she started playing the video. Nakangiting tinitingnan niya ang anak habang nakatingin sa monitor at ginagaya-gaya ang dance steps hanggang sa may kumatok nga sa pinto niya, kasunod ang buzzer. Napatigil siya n