Chapter 26 KINABUKASAN ay bumungad agad sa akin ang mga tanong tungkol sa nangyaring pambubugbog kay Uno. Naririnig ko rin itong pinag-uusapan ng bawat estudyanteng nadaraanan ko. “Pres! Totoo ba ang balita? Nabugbog daw si Uno?” “Kumusta na siya?” Magkasunod na tanong ng dalawang kaklase ko na may gusto sa kanya. Pagkarating pa lang nila ay sa akin agad sila dumeretso. “Yes, dinala namin siya sa hospital kahapon,” malungkot kong sagot. “Kawawa naman ang baby namin,” magkasabay nilang sabi. “Anong kawawa? Dapat lang ‘yon sa kanya dahil masyado siyang mayabang.” Kunot-noo akong lumingon sa kaklase kong lalaki na may katigasan ang ulo. “Paano mo nasabi?” inis kong tanong. “Hindi porket President siya, kaya niya nang salingin ang lahat. Mythical Fighters ang kinalaban niya, pinaka