Chapter 27 Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga sa kama. Iniisip ang babaeng nasa litrato ng SGO compilation na nakita ni Kevin. Malalim akong napabuntonghininga. Bumangon ako at sa sahig na umupo. Napalingon ako sa ilalim ng kama nang matanaw ang isang box, box na may mahalagang nilalaman. “Dalawang taon na rin pala itong nakatago,” wika ko. Kinuha ko ito at sinimulan buksan. Naagaw agad ang atensyon ko ng nakataob na litrato sa ibabaw ng iba pang mga gamit. Napangiti ako nang iharap ito, litrato namin ito ni Ate Twinkle. Six years ago, grade 7 ako ng taon na ‘yon sa Phoenix Academy. Madalas akong purihin ng mga guro dahil sa pagiging active and responsible student. Pero iba ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Isa akong sipsip o teacher’s pet sa paningin ni