Chapter 46 “P*tangina!” malutong na mura ni Uno sabay suntok sa pader. Hinayaan ko lang siya maglabas ng hinanakit. Hindi na nabago ang naging desisyon ni Sir Francisco. Ginawa na ni Kevin ang lahat para makumbinsi itong bawiin ang sinabi pero hindi na rin umapela pa si Uno. “Ginawa ko naman ang lahat, bakit gano’n pa rin? Bakit ako pa rin ang masama? Bakit ako pa rin ang gago? Gusto ko lang naman tumulong, gusto ko lang naman gawin ang tama, bakit palaging mali ang nakikita nila?” Patuloy siya sa pagsuntok. Gusto ko siyang pahintuin dahil nagdurugo na ang kanyang kamao pero mukhang hindi siya magpapaawat. Nakakatakot din ang hitsura niya, punong-puno ng galit. Napansin ko ang pagtigil niya. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa pader na may marka na ng dugo. “Reina… umalis