Chapter 45 “Yes, kasama pa rin ako sa SGO,” walang emosyong sagot ni Uno. Tumingin ako sa Papa niya. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang nagmamaneho. Mukhang hindi siya natuwa sa nalaman. Hindi ko maintindihan. Imbis na saya at pagiging proud ang makita ko sa reaksyon nito ay parang nadismaya pa. Napalingon ako kay Uno nang marinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. Itinuon niya ang atensyon sa bintana habang nakasandal. Hinihintay ko na may magsalita pa sa kanilang dalawa pero nanatiling tahimik ang paligid hanggang sa makauwi na ako ng bahay. HANGGANG NGAYON ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang naging reaksyon ng Papa ni Uno kagabi. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na hindi siya pabor sa mga ginagawa ni Uno. Inilapag ko na ang mga output ng section namin sa ibabaw ng table