Chapter 44 NABALIK ako sa reyalidad nang makita ang kamay ni Percy na kumakaway sa harapan ko. Hindi ko namamalayan na dumating siya dahil kanina pa pala ako nakatulala. “Bakit mag-isa ka lang dito sa Office? Doon ka na lang gumawa ng presentation sa gym,” sabi niya at kumuha ng mga gamit sa likod. “Okay lang, hindi rin ako makakapag-focus doon,” sagot ko habang nakatingin sa screen ng laptop. Masyadong abala ang mga SGO members sa pagse-set up ng gym katulong ng mga guro. Kapag pumunta pa ako roon, baka wala pa akong mahanap na puwesto. “Vice.” Lumingon ako sa kanya. “Madalas kong naririnig ang tungkol sa inyo ni Harry. Ayos ka lang ba?” tanong niya. Sinagot ko siya ng ngiti at tipid na pagtango. “Huwag mo pansinin ang mga sinasabi nila, tama lang ang ginawa mo,” sabi niya. Nap