Chapter 43 “P-paanong ikaw ang may kasalanan?” tanong ko. Sumagi sa isip ko si Ate Twinkle. Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Uno na babaeng pinag-awayan nila? “Si Ate–” “Hindi si Twinkle,” agad niyang sagot. Hindi niya na ako pinatapos. “Ibang babae.” Seryoso siyang tumingin sa daan ay huminga ng malalim. “Pareho kaming naging miserable ni Harry noong namatay si Twinkle pero may babaeng dumamay sa kanya,” nakangiti niyang sabi. “Siraulo ako noong mga oras na ‘yon, gusto kong pareho kaming mag-suffer kaya inagaw ko sa kanya ‘yung babae. Last year lang ‘yon nangyari kasabay ng mga kagaguhan na nagawa ko sa Ashford High.” Huminto ako nang marinig ang sinabi niya. Napalingon siya sa akin nang mapansin ito at napakunot-noo. Inis ko siyang tiningnan habang mariing nakakuyom ang kama