Chapter 42 “Reina, ano’ng nangyari sa pisngi mo?” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Harry. Nakalimutan ko na magkasama pala kami dahil kanina pa lumilipad ang isip ko. “Masakit ba?” Hahawakan niya sana ang pisngi ko pero agad akong umiwas. “O-okay lang ito, nalagyan ko na rin ng kaunting alcohol kanina,” sagot ko. Bahagya akong umatras na nakatakip ang kamay sa ‘king pisngi. Nakakapanibago na nilalayuan ko siya pero imbis na makaramdam ako ng kilig ay medyo awkward na ang dating kapag magkalapit kami. “Okay, sorry,” nahihiyang saad niya. Tipid na lang akong ngumiti at itinuon ang atensyon sa pag-aabang ng jeep. “Ano pala ang nangyari kay Ashley?” rinig kong tanong niya. “Medyo masama ang pakiramdam niya,” sagot ko nang hindi siya nililingon. “Kumusta pala si Uno? B