Chapter 32 SABADO, araw ng pahinga. Pero kahit anong tulog o pagpapahinga ang gawin ko ay nanatili pa rin akong pagod at walang gana. Nakumbinsi ko si Sir Martinez na pabalikin si Uno at ilang beses niya rin itong sinubukan na kausapin. Pero buo na talaga ang desisyon ni Uno na hindi bumalik. Gumawa rin ang SGO ng paraan para magbago ang isip niya pero hindi pa rin siya napapayag. “Tapos na...” matamlay na wika ko habang pinagmamasdan ang kisame nang nakahiga sa kama. Napalingon ako sa direksyon ng phone ko na nasa gilid, nagba-vibrate ito. Mabilis ko itong kinuha, nagbabakasakaling message ’yon ni Uno na nagsasabing babalik na siya sa SGO. Napangiwi ako nang lumabas sa screen ang message ni Harry. Kinukumusta niya ako. Suhestiyon ni Sir Martinez na si Harry ang ipalit sa pwesto ko bi