Chapter 7

1196 Words
Chapter 7 “Ayos ka lang, Reina?” Malalim akong napabuntong-hininga at pilit na ngumiti kay Harry. Dapat matuwa ako dahil si Harry na ang president, pero bakit ganito? Tiningnan ko ang malulungkot na mukha ng ilan sa mga officer na narito sa loob ng Admin’s Office. Wala silang imik at kapag tinatanong ko sila ay malamig na pagtango lang ang kanilang isinasagot. Binalik ko ang tingin kay Harry. “Harry, may–” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may dalawang lalaking dumating. Pamilyar sila, sila ‘yung inawat ni Uno. Mabilis na pumunta ang dalawa sa Admin’s table. “Sir! May aaminin po kami,” aligagang bungad nila. Napansin ko na mas nadagdagan pa ang kanilang mga pasa sa mukha. Ang isa ay halos naging panda na dahil sa magkabilaan nitong black eye. “Ang totoo po, Sir, hindi po talaga kami binugbog ni Uno kahapon. Kagabi lang!” sabi ng isa sa kanila. Napakunot-noo ako bigla. “Huh? Ano raw?”Agad akong lumapit para mas pakinggan pa ang sinasabi nila. “Totoo ang sinasabi ni Uno!” magkasabay nilang sabi. Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob nang marinig ‘yon. “Nagsuntukan po kami. Sinakto po talaga namin kung kailan parating si Uno, tapos pinalabas namin na binugbog niya kami,” saad naman ng pangalawa. “Totoo po talagang umawat lang siya!” natataranta at magkasunod na nilang sabi. Lumingon ako sa direksyon ng mga officer na ngayon. Nakikita ko ang kanilang nagningning na nga mata malalapad na ngiti. “Ibig sabihin, si Uno pa rin ang president namin?” excited na tanong ni Kevin nang lumapit. Tumingin ako kay Harry. Napansin ko ang reaksyon niyang galit. Hindi ko pa nakikita ang hitsura niya na ganyan. “Harry, ayos ka lang?” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti. “Ayos lang, Reina,” sagot niya. “Bakit n’yo ‘yon ginawa?” tanong ng Admin na si Sir Francisco sa dalawang lalaki. “M-may–“ “Hindi maganda ang ginawa ninyo, sa susunod ‘wag n’yo nang uulitin ‘yan,” saad ni Harry na pumutol sa sinasabi ng dalawa. “O-opo! Hindi na po namin uulitin. Sorry po, Admin. Tatanggapin po namin ang kahit na anong punishment,” nakayukong sabi nila. “Sige po, babalik na po ako sa room,” nakangiting wika ni Harry at nagsimula nang maglakad palabas ng room. Mabilis na ibinalita ng officers ang nangyari kay Uno. Noong una ay umaayaw pa siya pero agad ding pumayag dahil sa pamimilit ng mga ka-miyembro. Bumalik siya sa puwesto at parang may nag-iba rin sa kanya pagkatapos ng pangyayaring ‘yon. Pakiramdam ko ay medyo tumino siya. Pinaliwanag niya na ang mga plataporma. Hindi pala ito tulad ng inaasahan ko na puro kagaguhan. Maganda ito dahil sa pinagsama-samang ideya nilang lahat. “May taping si Zaku kaya ang gagawa ng proposal ay si Reina.” Tinaas ni Uno ang mga papel para iabot sa ‘kin. “Bakit ako?” gulat kong tanong at lumayo para iwasan ‘yon. “Bakit hindi?” tanong niya kasabay ng pagtaas-kilay at mas nilapit pa sa ‘kin ang mga papel na kanyang hawak. “Nangangawit na ako,” reklamo niya. “Ikaw ang may alam ng proposal kaya ikaw ang dapat na gumawa. Baka mali pa ang magawa ko, magalit ka pa,” saad ko. “Sino ba ang president dito?” nakataas na kilay niyang tanong. “Ikaw! Kaya ikaw ang dapat na gumawa,” inis kong sabi. Napakayabang talaga ng lalaking ‘to! “Ako na lang ang gagawa, alam ko naman ‘yon. ‘Wag na po kayong mag-away,” pagpepresinta ni Kevin at kinuha ang mga papel. “Sabagay, wala talagang kuwenta ang Vice,” walang ekspresyon na sabi ni Uno na mas lalo pang nagpainis sa akin. “Ano ka pa?” Tumingin siya sa ‘kin ng masama kaya sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala mo magpapatalo ako sa ganyang tingin? Manigas ka! “Yie! Diyan nagsimula ang lola at lolo ko,” panunukso ni Gabe na nagdidikit ng mga dekorasyon sa dingding. “Baka magkatuluyan kayo n’yan!” dagdag ni Ashley habang nagsusulat sa kanyang table. Parehas kaming kinilabutan sa sinabi nila kaya natigil ang pagtititigan namin ng masama. “Pres!” Napalingon kaming dalawa sa pintuan nang dumating si Percy, ang PRO na dating tambay ng Admin’s Office. “May lalaki sa rooftop! Mukhang magpapakamatay!” balita niya. Gulat kaming tumayo at mabilis na lumabas ng SGO room. Nang makarating sa harap ng building ay agad akong tumingila para tingnan ang estudyante sa taas nito. Tanaw na tanaw rito ang lalaking nakatayo sa gilid ng rooftop. “Magpapakamatay ako!” sigaw ng lalaki. “Oh, tapos?” sigaw rin ni Uno sa kanya. Bigla ko siyang hinampas. Loko-lokong Uno ‘to! “Ayoko nang mabuhay!” sigaw ulit ng lalaki mula sa taas. “Ano’ng gagawin natin, Kuya Uno?” kinakabahan na tanong ni Kevin habang nakatingala. “Hintayin nating may gawin ang mga teacher o hintayin natin siyang tumalon,” kalmado niyang sagot. Nagagawa niya pang kumalma at magbiro sa ganitong sitwasyon. Hindi ‘to nakakatawa. “SGO tayo, kaya mayroon dapat tayong gawin,” sabi ni Ashley. “Sabagay, wala talagang kuwenta ang Vice.” Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Uno. Tumingin ako sa kanya. Chill lang siyang nakatingin sa lalaki na nasa taas. Mukhang wala siyang balak na gawin. “Tss, tingnan na lang natin kung sino‘ng walang kuwenta,” mahina kong sabi at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng building. Napalingon ako sa likuran nang mapansin na kasunod ko ang buwisit naming president. Dali-dali kaming umakyat ng hagdan at hinihingal na nakarating sa tuktok. “Ha,” hinga ko. “Bakit ka nandito?” inis na tanong ko kay Uno. “Pakialam mo?” pambabara niya. Buwisit talaga. “Hoy! Tumigil nga kayo! Dito pa talaga kayo nag-LQ!” sigaw ng lalaki. Agad kaming lumingon sa direksyon nito. “Hindi kami nag-e-LQ! Kuya, bumaba ka na riyan, pag-usapan natin ‘to,” sabi ko. “Ayoko! Ayoko nang mabuhay! Gusto ko nang mamatay!” sigaw niya. “Edi tumalon ka na, sinasayang mo lang oras namin.” Binigyan ko si Uno ng masamang tingin. “Tumigil ka nga, Uno! Kung wala kang sasabihin na maganda, manahimik ka na lang,” sita ko. Nakaka-stress na nga ang nangyayari, dinadagdagan niya pa. “Pagod na ako.” Binalik namin ang tingin sa lalaki. “Pagod na ako sa lahat, gusto ko nang matapos ‘to. Palagi na lang akong mali sa paningin ng iba, wala na akong ginawang tama. Wala akong kuwenta.” Natigil ako sa sinabi ng lalaki, napansin kong umiiyak na siya. Tumingin ako kay Uno. Ngayon ay tahimik na rin siya. Huminga siya ng malalim at lumapit sa lalaki. “Tara,” tipid niyang sabi. Teka? Anong tara ang pinagsasabi niya? “Anong tara?” naguguluhan na tanong ng lalaki. Ngumiti si Uno at nanlaki ang mga mata ko nang tumuntong siya sa edge ng rooftop. “Tara, sabay tayong magpakamatay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD