FIVE: "Fine! We'll be staying at the same room and sharing with the same bed. Fine!" He smirked. ''Nandito ka rin. Sinusundan mo ba ako?'' Nagulat ako at halos matawa sa sinabi niya. Ang feeling! ''Wag ka nga! Hindi 'no, ba't kita susundan?'' ''Ewan ko sa'yo, baka may hidden desire ka sa akin.'' ''Wow, ang feeling mo! By the way, may nakaupo d'yan?'' tinuro ko yung bakanteng seat sa tabi niya. ''Nakita mo bang may nakaupo? Wala 'di ba? Tss!'' umiling-iling siya. Ang suplado naman neto! Kainis. Padabog akong umupo sa tabi n'ya. Umandar na rin mayamaya itong bus at tahimik na ulit kaming dalawa pareho. Ibinalik n'ya ang kanyang Rayban sa kanyang mga mata at prenteng nasa bintana na ulit yung pananaw niya habang nakadekwatro pa rin. Hindi ko maiwasang mapasilip sa bintana at tanawin a