FOUR: "Sinusundan mo ba ako?"
Naintindihan ko lang yung sinabi ni John nang isang araw nabalitaan ko na lamang na ilang beses nag-away sina Wayne at Joseph dahil kay Seni at nalaman ko rin na si captain pala talaga ang gusto ng kaibigan ko.
Bakit gano'n? Ba't tama yung naging prediction ni John? Paano niya nalamang si Joseph talaga ang gusto ni Seni at hindi si Wayne? May alam ba siya? O baka naman si Joseph mismo ang nagsabi sa kanyang gusto na nito dati pa ang best friend ko?
Hay, ewan naguguluhan ako sa kanila, basta ang alam ko nalang sa ngayon ay napakabilis ng mga pangyayari at nililigawan na ni Joseph si Serenity. Mukhang tuwang-tuwa naman ang magandang kaibigan kong ini-entertain ito at nakikita ko sa mga mata niya kung paano niya tingnan ng buong puso si Joseph na kahit kailan ay hindi n'ya pa nagagawang tumingin ng gano'n kay Wayne o sa ibang lalaki. I knew it, she's in love with captain Joseph.
''Celine, may extra pencil ka diyan?'' ani Sasha na katabi ko ngayong nakaupo dito sa bermuda grass ng football ground.
Wala pang naglalaro dito ngayon dahil yung ibang players siguro may mga klase pa. Hindi rin namin kasama si Seni dahil malamang kasama na naman nu'n ang kanyang love of her life na si captain Joseph.
''Meron.'' inabot ko sa kanya ang lapis na nadukot ko mula sa bag.
''Thanks.''
Nagpatuloy siya sa pagdu-drawing ng mga gowns at dress sa kanyang mini sketch pad. Pangarap kasi niyang maging designer balang araw eh, 'yon nga lang pinili niya ang Education course kaysa sa Fashion Designing dahil ito yung gusto ko. Ganyan kasi 'yan mula no'ng high school palang kami, kung nasaan ako gusto niya nandoon din s'ya, para bang hindi mabuhay-buhay nang wala ako.
Ipo-proceed nalang daw niya yung Fashion Designing after naming maka-graduate ng Educ at pagpumunta na ako ng Thailand para doon magturo tapos siya naman sa France para tuparin yung talagang pangarap niya.
Naputol lang ako sa pag-iisip-isip nang biglang nasipat ng mga mata ko ang naglalakad mula sa di kalayuan na si Paulo at may kasama/kaakbayan siyang dalawang babae. Isa sa kaliwa, isa sa kanan. Nagtatawanan sila at mukhang naglalandian dahil itsura palang ng dalawang babae ay mukhang mahaharot na.
Pakiramdam ko may kung anong tumusok sa puso ko at bigla ko na lamang naramdamang nananakit ito.
Hindi rin nakalusot sa aking paningin ang nasa likuran nilang si John at may kasama ring isa ring mukhang malanding babae. Nakapulupot ang isang braso nito sa braso niya at mukhang gusto talaga nitong dikit na dikit ito sa kanyang katawan. WTF!
Kumabog ang puso ko nang dumapo dito sa aking gawi ang kanyang kulay abo'ng mga mata at saka muli siyang malademonyong ngumisi na siya namang ikinatindig ng mga balahibo ko sa batok. Then he licked that girl's neck while still not breaking his eyes on me na ikinatili naman ng malandi dahil sa sobrang kiliti. Para bang nanunuya si John na nang-aasar na ewan ko! Nag-iwas na nga lang ako.
Tss! KAINIS! ang yabang! ang bastos! ang BABAERO!
''You look upset, anong nakita mo?'' ani Sasha bigla habang nakakunot ang noo'ng sinusuri ako.
Agaran akong umiling at sumulyap sa mga nakita ko kanina, good thing wala na sila, lumiko na siguro sa kung saan.
''Wala.''
Sumulyap din siya sa tinignan ng mga mata ko tapos bumaling ulit sa akin. ''Are you sure?'' mukhang hindi rin siya kumbinsido.
I smiled and nodded. Bumalik naman siya sa pagdu-drawing.
Tsk. Kaasar talaga kahit kailan yung John na 'yon. Lagi nalang niyang pinaiinit ang ulo ko, dagdag pa nung babaeng malanding kasama niya kanina na kung makadikit, akala mo linta!
Pero napalitan ang pagkainis kay John ng kalungkutang nararamdaman ko ngayon para kay Paulo. I thought he's different from his playboy gang, 'yon pala may pagkamahilig din siya sa mga babae, hindi nga lang niya ipinapakita sa akin tuwing magkasama kami.
Natigilan ako nang ma-realize ko bigla yung totoong sitwasyon dito. Hindi n'ya ipinapakita sa akin ang MEDYO pagiging babaero n'ya kapag magkasama kami dahil concern siya sa feelings ko, at ayaw siguro niya akong masaktan dahil pinahahalagahan niya ako. Gano'n siguro?
Hindi ko mapigilang mapangiti sa iniisip ko. Kung gano'n, mas deserve nga niya yung pagmamahal ko para sa kanya kasi iniingatan at pinahahalagahan niya akong 'wag masaktan sa mga nakikita ko sa paligid ko kapag kasama ko siya.
''Oh ano nang ngini-ngiti-ngiti mo d'yan ngayon?'' pangengealam ulit ng maganda kong kaibigan sa akin.
Hindi ko pinansin ang pang-iintriga ni Sha basta pangiti-ngiti pa rin ako dahil tumataba talaga ang puso ko sa naiisip. Oh Paulo!
''Parang kang timang! Si Paulo na naman iniisip mo 'no?'' dagdag pa niya.
Parang baliw na tumango ako.
''Tss. Ba't kasi si Paulo, Celine? Sa tingin ko nga, mas bagay pa kayo ni John eh.'' iiling-iling siyang ipinagpatuloy ang ginagawa.
What? Kunot-noo'ng tiningnan ko siya.
''At bakit naman naging bagay kami ng John na 'yon?''
''At bakit hindi?''
''Hindi talaga dahil malandi siyang lalaki. Nakita ko nga 'yon noong isang araw sa CR eh, nakikipag-make out sa isang schoolmate. Tsk, landing lalaki talaga!'' I crossed my arms sa pagkairita lalo na nang maalala ang araw na 'yon. Tsk!
Gulat na napatingin na naman siya sa akin. ''Talaga? Nakita mo?'' Tapos ngumisi siya bigla, yung ngising nanunukso. ''By the way, pa'no mo nga pala nakita? Sinusundan mo siya 'no?''
''Of course not!'' agaran kong depensa. ''Natural papasok ako sa CR na 'yon dahil girls CR 'yon at nagkataon namang nakita at narinig ko yung kababuyang ginagawa nila!''
''Oh!'' nagtaas s'ya ng isang kilay at nanunukso pa ring nginitian ako tapos nag-focus ulit sa pagdu-drawing.
Napapailing-iling nalang ako sa irita. Ba't kasi si John pa yung itutukso sa akin? Nand'yan naman si Paulo na mas bagay na itukso sa akin. Hay!
Dumating ang araw ng Intramurals. 2nd day na nga ngayon at narito kaming tatlo nakatambay sa kuta ng anim na magkakabarkada.
Si Serenity nando'n nakaupo ngayon sa kandungan ni Joseph habang kapwa silang masaya at may kung anong pinagkukwentuhan. Ang sweet. Porque sila na eh!
Si Sasha hayun at cool na nakikipagkwentuhan rin kina Rick at Tyrone tapos mayamaya tawa sila nang tawang tatlo. Parang mga baliw pero nakakatuwa kasi para na silang magkakapatid kung titingnan.
Kami naman ni Paulo heto at parang may sarili ring mundo na nagkukuwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay lang sa mga sarili namin. Yung para bang getting-to-know-each-other yung peg namin. Nakakakilig!
''Dalawa lang kayo ni Kyzer na magkapatid?'' aniya.
Tumango ako. Wiling talaga sa pakikipagkwentuhan sa kanya.
''Eh ikaw ba, ilan ba kayong magkakapatid sa pamilya n'yo?'' ako naman ang nagtanong.
''Tatlo. I'm the eldest and I have two younger sisters. Yung isa 3rd year high ngayon at yung youngest naman Grade 5.''
Sina Wayne at John lang yung kulang sa barkada ngayon. Balita ko kasi maraming sinalihang events si Wayne kasi nga pilit niyang inaaliw at pina-busy yung sarili n'ya sa mga bagay-bagay, alam mo na brokenhearted. Samantalang yung John na 'yon, narinig kong may sinalihan din daw at kasagsagan ngayon ng laro n'ya kaya wala rito.
Anim kasi silang hindi na talaga in-allow ng departments nila na sumali this Intramurals sa basketball kasi magiging unfair na daw 'yon sa iba lalo pa't masters na sila. Give way to others nga ika nila, especially to freshmen.
Gano'n pa man, may iba't-ibang activities pa rin naman silang sinalihan like indoor games and speeches, investigatory projects as well. Gano'n rin kaming girls, ako sumali ako ng scrabble at slogan/poster making, samantalang si Sasha yung representative ng aming Department para sa Search for Ms. Intramurals, tapos si Seni more on literary din talaga like quiz bowl, essay writing tapos dart.
''Guys, mauuna na muna ako sa inyo, may practice pa kasi ako ngayong 10 eh.'' ani Sasha habang hinahanda na ang sarili sa pag-alis.
''Sasabay na ako. May game din ako sa chess ngayon.'' sunod naman ni Tyrone.
''Goodluck, bro. Goodluck, Sha.'' masiglang ani Joseph sa dalawa. Halatang blooming talaga at inlove na inlove kay Serenity.
''Goodluck, guys.'' masigla ring sunod ni Seni.
''Thanks.'' sagot ni Sasha, samantalang si Tyrone na nasa likuran n'ya ay nakangisi lang sa magkasintahan.
Naglakad na silang dalawa palabas at kasabay ng tuluyang pagkawala nila sa paningin namin ay ang pag-init bigla ng ulo ko dahil sa bagong dating.
Sino pa ba? Edi si Mr. Hari ng kalandian, si John Henarez kasama ang dalawang babaeng mahaharot(tulad n'ya) na inaakbayan pa talaga n'ya, both girls in the left and right.
''O' John, may dala ka na naman, bro?'' tatawa-tawang bungad ni Paulo nang makapasok ang tatlo.
''Oo, gusto mo sayo isa?'' nakangisi namang sagot ng lokong John.
Mas uminit pa ang ulo ko. Anong kay Paulo ang isa! Aba't gagawin pa niya ngayon si Paulo ko na malandi tulad n'ya! Tsk! Sana nga lang, hindi n'ya tuluyang mahawa o maimpluwensyahan itong si Pau. Mahirap na.
Hindi pa man nakakasagot si Paulo, agaran na talagang lumapit sa kanya ang isa sa dalawang babaeng walang hiya. Tss, wtf!
''Hi Paulo!'' ang harot! Kainis!
Magaang ngumiti naman si Paulo rito. ''Hi.'' he even greeted her back.
Akmang lalapit na sana ito nang agad kong pinigilan dahil ikinumyapit ko kaagad ang isang kamay ko sa braso ni Pau, tapos pumagitna pa talaga ako para lang hindi ito mabigyan ng anumang daan papunta sa mahal ko.
Mataray na hi-nead to toe ako ng gaga at syempre hindi ako magpapatalo, ginawa ko rin 'yon sa kanya tapos pinagtaasan ko pa ng isang kilay. Para naman siyang nasindak at naunang umiwas sa akin pero ma-aura pa ring bumalik sa tabi ni John. Pumunta na sila sa mga silya sa likuran at doon naupo.
''Hanep! Ang taray! Ang lakas ng loob!'' ani John bigla.
Nilingon ko sila at nakitang nakataas sa ere ang kanyang middle finger habang nakikipaglaplapan sa leeg at labi ng dalawang malalanding kasama. I swear, kumukulo ang dugo ko dahil obvious namang ako ang pinariringgan n'ya!
Napatingin sa akin ang isa sa mga malalandi habang umuungol pa dahil sa pangingiliti ni John sa kanyang leeg tapos nginisihan n'ya ako ng nakakaasar. Kung nakamamatay lang siguro ang titig, kanina pa 'yan natigok. Tatlo silang mahaharot, actually!
''Celine?''
''Hey, Celine!''
Halos mapapitlag ako sa gulat nang tinapik ni Paulo ang likod ng isang kamay kong nakapatong sa arm chair.
''Ah.. sorry! Ano ulit 'yon, Pau?''
Ang gaga ko lang. Hindi ko na namalayang nagkukwento pa pala si Paulo dahil busy ako sa pagpatay kina John gamit ang mga titig ko kaya heto tuloy at nganga ako sa harap ni Pau. s**t! Nakakahiya.
''You're not listening.. '' parang nagtatampo na ang kanyang tono.
''Of course, I am. Nakalimutan ko lang.'' Palusot ko pa.
Hindi na s'ya nagsalita pa at tinitigan na lamang ako. Tinitigan ko rin s'ya. Ang gwapo n'ya talaga!
Gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang maramdamang biglang lumapat ang malambot niyang labi sa aking pisngi. Oh my god! He kissed me? Oh gosh!
Napahawak ako sa aking pisngi, it was just a smack pero ramdam ko pa rin ang init ng kanyang labi rito. Pakiramdam ko nga umakyat lahat ng dugo ko sa mukha at pulang-pula na ako ngayon.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko sa mga mata n'ya si Paulo habang pilyong nakangiti s'ya sa akin. Why did he do that?
''Ang cute mo, Lin!'' sabi lang n'ya habang ngiting-ngiti.
Gosh! Ba't kailangan pa n'ya akong pakiligin ng ganito katindi? Gosh! WAAAH!
''Yieee! Nakita ko 'yon! Kayo Pauline ha!'' nakangising tukso ni Serenity bigla.
''Pauline?'' nakatawang tanong ni Pau sa best friend ko.
''Oo, combination ng Paulo at Celine! Ang ganda 'di ba?'' pilya pang sagot nito.
''Seni!'' kunwaring saway ko pa kahit ang totoo pabor na pabor naman talaga ako sa panunukso nito.
Kinindatan lang naman ako ng gaga tapos mahinang nagtawanan silang dalawa ng kanyang nobyo. Kaya mahal na mahal ko 'yang si Seni eh, kasi ang supportive n'ya sa aming dalawa ni Paulo ko. Yieee!
''Ang bilis, pare, ah? Why don't you just get a motel and have s*x there?'' John said while grinning evily.
Wtf! Magsasalita na sana ako para awayin ito dahil sa bastos nitong bibig kaya lang naunahan ako ni Paulo.
''Hindi pa ako kasinlala mo, dude, kaya huwag mo akong itulad sa'yo.'' Paulo answered him while grinning also.
Kinilig ako kanina dahil sa pagnakaw ni Paulo ng kiss sa pisngi ko, pero ewan ko kung bakit mas nangingibabaw ngayon ang inis ko kay John dahil sa bastos niyang bunganga, kaya heto imbes na masaya at kumpleto na sana ang araw ko, pakiramdam ko buong maghapon pa akong mababadtrip. Bwesit na John 'yan!
Pagkatapos ng Intramurals, dumating na rin yung finals namin for the first term kaya todo stress talaga kami. Mabuti nalang at nang matapos ang first term, saka na kami nakapagpahinga at nakapag-unwind lalo na't dumating na rin yung National Science Week na sa Mindanao gaganapin.
Kaming tatlo nina Sasha at Seni, syempre kasama roon dahil may mga event kaming ire-represent ang school, lalo na yung anim na magkakabarkada sasama rin pa-Mindanao.
''Hello, Celine? Nasa'n ka na ngayon? Nasa airport ka na?'' ani Serenity mula sa kabilang linya nang nasa PAL station na ako.
''Oo, ikaw? Nasa Mindanao ka na?'' tanong ko naman.
''Yes, kahapon pa. Nakapag-checked in na nga kami ni Joseph ng hotel dito sa Koronadal.''
''Mabuti kung gano'n. Sige, Seni, boarding na namin. Bye, take care, love you.''
''Sige, take care din. I love you too.'' aniya at ibinaba ang linya.
Hinawakan ko nang mahigpit ang may katamtamang laki na travel backpack ko nang naglakad na pasampa ng eroplano. Tamang-tamang good for one week lang din naman yung mga damit na dinala ko.
Ito lang talaga yung dystonic sa malaking event na 'to ng school eh, yung kanya-kanyang biyahe papuntang venue. Doon na raw kasi mag-a-assemble lahat ng mga taga-SCU sa Mindanao bukas, the day before the opening of the main event which is the National Science Week. Obviously, one week yung itatagal ng event.
Lumingon-lingon ako sa paligid at marami akong nakitang mga pamilyar na mukha ng schoolmates ko, from different departments. Yung iba nakasuot ng kanilang mga school or departmental t-shirts na may redo na SCU kaya mahahalata talagang mga schoolmates ko sila.
Hindi ko kasabay ngayon sina Sasha at Serenity kasi nagkanya-kanya din silang biyahe. Si Seni kahapon pa lumipad papuntang Mindanao kasama ang nobyo n'ya, eh nahihiya naman akong sumabay at makisawsaw pa sa kanila, ma-o-OP lang ako. Si Sasha naman, sinundo daw ng kanyang mga pinsan sa Visayas kahapon at nag-over night pa doon, balita ko ngayon din sila lilipad papuntang Mindanao, magce-Cebu Pacific sila, eh mas mao-OP ako doon, hindi ko naman kilala at close yung mga pinsan niya.
Yung anim namang magkakabarkada, sa private jet ni Rick sasakay. May ari kasi ang pamilya ni Rick ng isang malaki at pribadong transportation planes kaya gano'n. Such a rich kid! At hindi na talaga ako nag-dare na sumabay sa kanilang anim dahil mag-isa lang akong babae at nahihiya talaga ako, maa-awkward ako do'n kahit nando'n pa si Paulo.
Nakaramdam ako ng boredom kaya nilagyan ko nalang ng earphones yung dalawang tainga ko at nakinig sa mga magagandang music ng MP3 ko. I closed my eyes, makatulog na muna, apat na oras pa naman yung itatagal ng biyahe.
''Excuse me, maam. We're already at Gensan.''
Nagising lamang ako sa maganda at mahabang pagkakatulog nang pukawin ako ng isa sa mga estewardes.
''Gano'n ba?'' humihikab ko pang sagot sabay silip sa aking relos. Quarter to 2:00 PM na pala. ''Ah, pasensya na ha? Napahaba tulog ko.''
She smiled. ''No problem, maam.''
Pagkababa ko, sumakay agad ako ng taxi at sinunod ang map guide ko papuntang Bulaong Bus Terminal. Sumakay agad ako ng Gensan to Marbel trip. Pagsampa ko palang ng bus, nakaramdam agad ako ng kakaibang excitement. This wasn't my first time na makapapunta dito sa Mindanao, nakapunta na rin kami ng family ko dito dati kaya lang hanggang dito sa Gensan lang, samantalang ngayon hanggang Marbel Koronadal na talaga.
Whooh! Koronadal, here I come!
Medyo na-turn-off nga lang ako nang ma-realized na punong-puno pala ng mga pasahero itong nasakyan ko. Syempre, karamihan nga mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas na sasali din sa Science event na 'yon sa Koronadal. Tsk, last trip pa naman 'to. Sayang.
Tatalikod na sana ako at bababa nalang para maghintay ng susunod na trip ngunit nahagip ng mga mata ko ang isa pang natitirang huling seat. I smiled in victory, kapagka sinuswerte ka nga naman.
Pumunta ako doon. Sa may bandang bintana may lalaking nakaupo. Naka-dark Rayban shades, leather jacket, may headphones sa tainga, at nakatingin sa labas ng bintana, naka-dekwatrong upo pa. Pamilyar sa akin ang gray-colored cassio wristwatch n'yang suot, lalo na yung hikaw niyang silver na kumikinang sa left ear. Natigilan akong bigla. Don't tell it's.. it's John?
Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan nang humarap s'ya bigla sa akin at tinanggal ang kanyang Rayban, showing me his beautiful gray dangerous eyes. Halos mapasinghap ako sa kanya ngayon. God! He's.. he's handsome. Damn!
He smirked. ''Nandito ka rin. Sinusundan mo ba ako?''