THREE: "There's always someone better that will conquer the good..."
''Girls!'' kapwa kaming napalingon nina Sasha at Serenity sa tumawag sa amin.
There, we saw Wayne's widely smiling na nangungunang paparito sa gawi namin at may mga kasama siya sa kanyang likuran. Nang tuluyan silang anim na nakalapit, doon ko lang napagtanto kung sino yung lima... si Paulo at yung mga kaibigan n'ya, yung nakita ko noon sa corridor na sinamahan n'ya after naming um-attend ng orientation at magkakilala.
''Dudies, these are my new pretty friends. Sasha, Celine, and Serenity.'' ani Wayne sa mga kasama na ipinakikilala kami. ''Girls, these are my teammates sa basketball at close friends ko. Paulo, Rick, John, Joseph, and Tyrone.''
Kumaway sina Sasha at Serenity sa limang nagga-gwapuhang mga bagong kakilala, pero napansin ko lang medyo ilap si Serenity sa isa sa lima, parang kinakabahan s'ya na parang hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito, hindi ko nga lang sure kung kay Tyrone o kay Joseph...
Ah, bahala sila d'yan! Basta ako, sa apat lang ako kumaway at nakatingin habang nakangiti. Kina Rick, Tyrone, Joseph, at syempre, kay Paulo. 'Yon lang, the other one? Hindi ko kayang salubungin ang abo niyang mga mata lalo pa't naaalala ko pa rin yung minsan nahuli ko siyang titig na titig sa akin habang nasa taas s'ya ng building nila, nakakatindig balahibo!
''Where's your girl among the three?'' hindi ko talaga naklaro yung biglang pagbulong ni John kay Wayne habang naka-demonyong ngisi at diretsong nakatitig sa mga mata ko.
Pakiramdam ko umihip ng malakas na malakas yung hangin sa paligid at gininaw ako saka pinanindigan ng mga balahibo sa buong katawan. s**t! Nag-iwas ako.
Ngiting-ngiti si Wayne nang bumulong din dito.
Ano kaya yung pinag-usapan nilang dalawa?
Dumating ang araw ng Thursday at nagpapasalamat talaga ako dahil bukas Friday na at makakapagpahinga na rin sa wakas. Naging busy kasi this week eh, tambak yung quizzes at reports sa tatlong subjects. Pramis, nakaka-hagard talaga!
Natigil saglit ako sa paglalakad palabas ng cafeteria na sandaling pinagpahingahan ko nang biglang nag-vibrate yung cellphone kong nasa bulsa ng palda ko. Agad kong kinuha ito at halos tumalon yung puso ko sa tuwa nang makitang si Paulo ang nagtext. Excited na ni-read ko ito.
Paulo:
Nandito ako sa Law Building, Room #309, second floor. Free ka na ba ngayon? Gusto ko sana magpasundo sayo dito eh para sabay na tayo papuntang Arts Club.
Agaran akong nag-reply.
Ako:
Okay. No problem. I'll be there within 5 minutes :-)
I sent it tapos ay mabilis na akong naglakad papunta roon sa building na kinaroroonan n'ya.
Nang papalapit na ako sa Room #309 ng Law Building, may naririnig na akong ingay mula roon sa loob lalo pa't nakabukas ang pinto no'n. Mukhang may nagtatawanan.
Nang tuluyan akong makarating sa tapat, nakita ko kaagad yung anim na magbabarkadang nasa loob. Si Wayne at Rick nakaupo sa dalawang arm chair at mukhang may pinagkukwentuhan at nagtatawanan pa. Si Tyrone naman may kung anong seryosong ginagawa sa laptop n'ya at nandoon talaga sa teacher's table. Si Joseph nasa may bandang bintana at malayo ang tingin na mukhang may malalim na iniisip. Si John naman nagsa-strum ng guitar na hawak n'ya habang pabulong na kumakanta at seryoso din yung mukha, tapos si Paulo hayun at nakatuktok sa kanyang cellphone na mukhang may importanteng ka-text, seryoso din mukha eh.
''Ahemm.. '' pagtawag ko sa pansin nila.
Hindi nga ako nabigo dahil lahat silang anim, napaangat ang tingin sa akin. Nginitian nila akong lima, samantalang yung isa diyan nag-iwas lang naman agad ng tingin at nag-focus sa paggigitara. Tsk, suplado! Sabagay, mas mabuti na rin 'to kaysa naman manindig na naman yung balahibo ko sa mga titig ng kulay abo niyang mga mata.
''Hi, Celine!'' si Rick yung bumati sa akin habang nakangiti at halos wala na siyang mga mata. Siya yung chinito sa kanila, may kaputian ang balat, may dimples at may kumikinang na earing sa left ear niya. Ang cute na nga n'ya, ang astig pa!
''Hi!'' nice ding sagot ko sa kanila.
''Come in.'' ani Tyrone. S'ya naman yung iba yung kulay sa kanilang anim, moreno kasi s'ya at bagay na bagay ang kulay na ito sa kanya. Well-polished yung style ng buhok tulad ni Paulo dahil obviously, required sa rules ng Law course. Tsaka walang anumang alahas sa katawan, tanging mamahaling silver na relo lang sa kanyang wrist. Napaka-manly niya.
Humakbang ako papasok pero iilan lang, malapit pa rin ako sa pinto at medyo malayo pa rin sa kinaroroonan nila.
''Walang pasok dito?'' curious na tanong ko bigla.
Konti lang kasi yung chairs dito tapos parang ang manly ng classroom, even the scent. Hindi ko nga alam kung pabango ba talaga nitong room yung naaamoy ko o pabango nilang mga lalaki sa katawan? Hay, ewan!
''Nakita mo nang kaming anim yung nandito 'di ba? Ibig sabihin, wala talaga!'' supladong sagot nung nakahawak sa gitara niya na hindi man lang nag-aangat ng tingin para tingnan ako.
Nag-init naman bigla ang ulo ko at pakiramdam ko napahiya ako dahil sa pagsusuplado niya.
''Sori!'' I said sarcastically. Kainis eh!
''Stop being so rude, John, may bukas pa!'' humagalpak sa tawa si Rick na hindi naman pinansin ng kumag. Bumaling siya sa akin. ''Pasensya na sa pagiging suplado minsan ng isang 'yan, Celine ah? By the way, curious ka ba dito sa classroom? kung bakit nandito kami ngayon? Well, lagi naman kaming nandito, dito tambayan naming magkakabarkada.'' kwento niya.
Mabuti pa itong si Rick at may sense pang kausap, samantalang yung may kulay abo'ng mga matang iyon, tss!
''This room is actually exclusive for the six of us. Walang nagkaklase dito.'' dagdag pa ni Rick.
Nagulo na naman ang isip ko. Pa'no naman nangyari 'yon? Dahil ba kilala sila dito sa paaralan at ang grupo nila ang laging nakakapagbigay parangal para sa pangalan ng paaralan, heto at nagagawa nila ang kahit na anong gusto nila ng malaya at walang nagbabawal?
Tumawa ulit si Rick. ''Okay, to make it more cleared, I am the son of the owner of St. Claire University, so, I can do whatever I want in this school, as much as my friends do so. Ayoko ngang masyadong magyabang kaya instead na sariling executive office yung hingin ko, eto at empty classroom nalang kung saan nakakatambay-tambay kami tuwing walang pasok sa isang subject o minsan pagkatapos ng practice.'' maaliwalas ang kanyang mukha at ngiti na nagpapakita ng kanyang totoong kasimplehan at soft side.
Sinong mag-aakalang may ganyang side din pala si Rick 'ano? Yung tipong malambot din pala s'ya, medyo simple, at yung pagiging humble n'ya ay totoong-totoo.
''Kumusta?'' ani Wayne naman na lumapit talaga sa akin para makipag-hi five. Ang energetic kasi lagi tapos mukhang palaging positive in life, yung tipong gwapong mabait at masiyahin. Naagaw na niya tuloy ang atensyon ko at nawala na ito mula kay Rick.
''Eto, buhay pa!'' birong sagot ko na sinabayan ng tawa.
''Where's the other girls?'' walang kangiti-ngiti namang tanong ni Joseph. Ito naman yung tipo ng lalaking napaka-misteryoso sa buhay na nakakapagpadagdag pa sa pagiging sobrang gwapo n'ya. Basta, siya yung tipong kahit tingnan mong maigi sa mga mata, hindi mo talaga mababasa yung nasa utak n'ya. Mukhang maraming pinagdaraanan eh, ewan ko lang. S'ya yung pinakamatangkad sa lahat, kaya nga team captain!
''Pumunta sa dance studio si Sasha at si Serenity ay nasa library.'' sagot ko.
''Talaga? Nasa lib si Seni ngayon?'' biglang sali ni Wayne. Ito talaga kapag si Seni na yung pinag-uusapan, nagiging chismoso pa! Yieeeh.
''Oo! Bakit pupuntahan mo 'no?'' tukso ko sa kanya.
''Well.. '' 'yon lang at panay ang ngiting lumabas na ng room. Wow lang? Anu 'yon? Tss, adik Wayne!
''Inlove ang gago!'' iiling-iling na turan ni Rick habang tumatawa.
''Ang tanong, boto ka naman ba kay Wayne para kay Seni?'' tanong ni Tyrone habang kay Joseph matamang nakamasid.
Hyper na tumango-tango ako. ''Napakabait at napakabuting lalaki ni Wayne, walang anumang kabulastugan sa katawan, kaya bakit hindi 'di ba? And besides, Serenity's too kind and vulnerable, she needs someone who will shield her heart not to be broken. At confident akong si Wayne ang makakagawa no'n.'' proud ko pa talagang sabi. Eh sa may tiwala nga ako kay Wayne para kay Seni!
Nakita ko naman ang biglang pagkuyom ng kamao ni Joseph na para bang hindi n'ya nagustuhan yung sinabi ko. Why? What's wrong? Anong mali sa sinabi ko? Nagbigay lang naman ako ng totoong opinyon ko patungkol kay Wayne at Serenity ah! Anong mali do'n?
''Naks! Napaka-concerned mo palang friend!'' tatawa-tawang ani Paulo naman.
Pakiramdam ko namula bigla yung pisngi ko dahil sa kilig sa simpleng pagpansin pa lang n'ya. Ang gwapo din kasi, lalo na kapag nakatawa. Ang husky lang!
''Come here.'' dagdag pa niya at naglahad ng isang kamay para palapitin ako sa kinaroroonan niya.
Naglakad ako palapit sa kanya. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Nagkakarera yung mga kabayong baliw sa loob ng tiyan ko.
... I know you don't really see my worth
You think you're the last girl on earth
Well I've got news for you
I know that I'm not that strong But it won't take long, won't take long
Cause, someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone's gonna take your place
One day I'll forget about you
You'll see I won't even miss you Someday, someday...
Ang lamig ng boses niya pero ang init na dala nito ay tila ba humahaplos sa kaibuturan ko. Ewan ko, alam kong hindi ko dapat maramdaman ang ganito, lalong hindi sa kanya dahil hindi kami bagay at hindi s'ya ang tamang lalaki para sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasang humanga sa napakagandang tinig n'ya, and the lyrics.. I don't know what's happening pero pakiramdam ko nasasaktan ako sa lyrics hindi dahil sa ito talaga yung lyrics ng kanta kundi dahil siya yung kumakanta nito ngayon.
What's happening, John? And what are you doing to me?
Gayunpaman, pinili ko pa ring lagpasan siya dahil maling makaramdam ako ng ganito sa isang taong hindi dapat ako nakakaramdam ng ganitong pakiramdam... Ayoko, ayoko sa kanya kaya nilagpasan ko pa rin siya at piniling lapitan ang tama at nararapat ko talagang lapitan.. si Paulo.
Napangiti ako nang makitang banayad siyang nakangiti saka tumayo na mula sa upuan n'ya dala ang blue shoulder bag niyang nakasabit sa kanyang kaliwang balikat. He looks like a good and smart student yet very masculine. My ideal type of a man.
''Let's go?'' aniya saka inakbayan ako.
Medyo nagulat ako do'n pero hinayaan ko na dahil nilalamon ako ng sobrang kilig.
''WOW!'' Hiyaw pa sa panunukso ni Rick na sinundan naman ng tawa ni Tyrone at Joseph.
Hindi naman sila pinansin pa ni Paulo kaya heto at hindi ko na rin pinansin yung panunukso nila sa amin. Hiyaan ko nalang din si Paulo na nakaakbay sa akin nang maglakad na kami palabas dito.
...Cause, someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone's gonna take your place
One day I'll forget about you
You'll see I won't even miss you Someday, someday...
Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga sa tuluyang pagkawala ng rithmo niya sa aking tainga. Naglalakad na kami sa labas ng classroom na 'yon pero pakiramdam ko pilit pa rin isinisiksik ng kung ano sa sistema ko yung lamig sa boses niyang kumakanta kanina. I'm not insane, am I?
''Labas muna ako. Dito ka lang?'' tanong ko sa katabi kong si Sasha na kasalukuyang busy sa pagbabasa ng napakalapad niyang hawak na nobela nang nasa classroom kami isang araw.
Walang lingon siyang tumango. Tss, adik talaga sa romance novels!
Lumabas nga ako at lumanghap ng sariwang hangin habang nahawak sa stool ng corridor dito sa third floor ng Education Building, sa tapat ng classroom namin.
Tumingin-tingin ako sa paligid sa baba at nasipat ng mga mata ko ang papalapit dito na sina Serenity at Wayne, tulad ng lagi nagkukwentuhan sila. They look so compatible with each other, kaya nga bagay na bagay sila. Pareho nalang naming dalawa ni Paulo.
I smiled at the thought. Ang assuming ko lang!
''They look so suitable with each other.''
Halos mapapitlag ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang seryoso niyang itsura at mga matang nakatuon kina Serenity at Wayne sa baba. He walked nearer and stopped beside me.
Tinukod niya ang dalawang kamay niya sa stool.
''Ano namang ginagawa mo rito sa building namin?'' nagawa ko pang magtaray.
He turned his head on me and he grinned evily. Nandindig pa lalo yung mga balahibo ko sa batok.
''Ano sa tingin mo?'' he even teased.
Nag-iwas ako ng tingin. ''Ano nga ba naman ang gagawin ng isang tulad mong playboy na, womanizer pa rito sa building namin? Natural mambababae!'' s**t, I even sounded so bitter. What's happening, Celine?
''Why? Are you jealous?'' nanunuya talaga siya.
Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti pero nakay Seni at Wayne pa rin ang tingin ko. Pakiramdam ko kasi hindi ko kayang salubungin ang abo niyang mga mata.
''Why would I be? You don't have the effect on me, anyway.''
Hindi na siya nakasagot pa at muli na ring pinanuod sina Seni at Wayne na ngayon ay nagtatawanan na sa paglalakad saka mukhang nag-aasaran pa. Ang sweet.
''They are so suitable, right?'' salita na ulit ni John.
Nilingon ko siya sa tabi ko at blangko ang ekpresyon niyang nakatingin sa dalawang kaibigan namin.
At tinatanong ba niya ako? Talaga? Close ba kami?
''They are match made in heaven.'' pagtatama ko.
''Gusto mo talaga silang dalawa para sa isa't-isa?''
''Oo naman. Mabait si Wayne, mabait din si Serenity. Pareho silang matino kaya syempre, bagay sila.'' ewan ko ba kung bakit sumasagot din ako ngayon sa mga tanong niya.
'Ni hindi ko nga din alam kung anong dahilan ko sa pakikipag-usap sa kanya.
He smiled. Lumundag yung puso ko. Iba kasi ito ngayon eh, yung tipong ngiti na hindi nanunuya. Yung ngiting totoo pero parang may halong kalungkutan. Yung gano'n.
''Yeah. They may be the match made in heaven couple, but they're not the perfect lovers. May iba pang may babagay sa kanilang dalawa.. ''
Hindi ko halos maintindihan yung sinasabi niya pero parang may sense din. Hindi ko nga lang ma-gets. Nanahimik nalang ako habang nakatingin pa rin sa kanya.
''That's us in reality. We are deceived by what our eyes see without even noticing the real desire of our hearts. Pareho nalang nilang dalawa, oo nga at mukhang bagay na bagay sila sa isa't-isa. May gusto si Wayne kay Serenity, obviously. Lagi silang nagkakasama, pero kahit kailan ba, nasabi sa iyo, sa inyo ni Seni kung may gusto din siya kay Wayne? Hindi 'di ba?'' he stated then he faced me. Nagkatitigan kaming dalawa.
Napakamakahulugan ng sinasabi niya at sa sobrang napakamakahulugan nito halos hindi tuloy ako makapagsalita. Parang inaatrasan ako ng mga salitang dapat kong sabihin.
Mga ilang buwan na nga naming naging kaibigan si Wayne at lagi namin silang tinutukso ni Serenity pero oo nga at kahit kailan, wala namang nabanggit si Serenity na gusto niya or crush niya si Wayne. Wala talaga.
''Hindi kami close ni Seni, pero nakikita ko sa kanyang walang epekto sa kanya si Wayne dahil may iba siyang gusto. May iba siyang pinapangarap, ibang lalaki.. '' patuloy pa niya.
''Talaga? Sino?'' hindi ko na maiwasan pang maging usisera. Nakakabigla naman kasi talaga ang prediction niya, kung hindi si Wayne ang gusto ni Seni na lagi nitong kasa-kasama, edi sino?
Ilang sandali siyang nanahimik, nakipagtitigan lamang sa akin habang blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha.
''If there's a good and suitable person, there's always someone that is better and perfect. Serenity and Wayne is just suitable, but they're not the perfect couple. Wayne is good but there's someone that is better for Serenity. There's always someone better that will conquer the good .'' he said meaningfully then he walked away and left.
There's always someone better that will conquer the good...
What?