CHAPTER 2

2401 Words
TWO: "Hatid na kita sa inyo." ''Uy, s'ya na ba si THE ONE?'' siko ko kay Serenity sabay mapanuksong nagbulong sa kanya. Kinunutan naman n'ya ako ng noo na para bang hindi niya gets yung panunukso ko. ''Ha?'' Nasa isang vacant room kami ngayon at nakatambay lang. Hinihintay kasi namin yung next class namin sa kabilang room, eh hindi pa naman tapos yung mga nando'n kaya heto at dito muna kami. Tatlo kami nina Serenity at Sasha pero may kasama pa kaming isang kaibigan na kakikilala lang din namin. Dala ni Seni eh. Napangisi ako. ''Sus, kunwari ka pa eh! Pero congrats dahil sa wakas, natagpuan mo na rin siya, Seni!'' patuloy ko pa sabay akbay sa kanya then I extended my other hand to the man in front us. ''Nice to meet you, Wayne!'' ''Nice to meet you din, Celine.'' nakangiti namang sagot nito saka tinanggap ang kamay ko. He's Wayne Martinez, bagong kakilala at kaibigan raw umano ni Seni na ipinakikilala din niya sa amin ngayon ni Sasha. Wayne looks like a good boy, kaya nga tinutukso ko 'to kay Serenity kasi bagay sila. Parehong mababait. Good boy plus good girl, equals perfect 'di ba? Yieeh! NBSB kasi 'yang si Mariang Serenity eh at kahit kailan hindi namin nakita ni Sasha na nag-entertain 'yan ng guys. Paano naman kasi, school-house girl tapos study centered pa saka top 1 dean's lister kaya hayan at wala raw panahon sa pag-ibig pag-ibig na 'yan. Sus, ang sabihin lang n'ya wala lang talaga siyang magustuhan sa dinami-dari ng mga nanliligaw sa kanya! Kaya nga kung magiging sila ni Wayne isa sa mga araw na 'to, wow, magpapa-party talaga ako. Swear! ''So, what's your course, Wayne?'' ani Sasha naman sa kabilang banda ni Seni. ''Civil Engineering. 2nd year ako. Kayo? Pare-pareho ba kayong first years?'' Tumango-tango si Sasha. ''Wow, Civil Engineer plus Teacher, match made in heaven talaga! Wow!'' mahinang tukso ko ulit kay Seni saka kinindatan si Wayne. Bahagyang natawa naman si Wayne sa kakulitan ko. ''Tumigil ka nga, Celine. Kung anu-ano 'yang sinabi mo diyan!'' saway naman ng napakaganda at napakahinhin kong kaibigan saka naman nahihiyang binalingan si Wayne. ''Pasensya ka na sa friend kong 'to, ha? Minsan kasi sa sobrang daldal nito hindi na namamalayan kung ano yung pinagsasasabi.'' Nakatawa pa rin si Wayne. ''It's fine. Ang cute nga niya eh.'' Ngumisi ako rito. ''Sino mas cute? ako o si Seni?'' ''Uhm..'' humawak pa ito sa baba na para bang pinag-iisipan ng maigi yung tanong ko. ''Si Seni.. '' ngiting-ngiting sagot niya. Bang! Buking na, may gusto talaga 'to sa kaibigan ko! Excited na tuloy akong masaksihan ang kwento ng dalawang 'to! Pero sa ngayon, syempre focus muna ako sa istorya ko, sa love story naming dalawa ni Paulo ko! Yieeh. ''Good Morning po, Mrs. Chui!'' bati ko sa intsik na ginang na nadaanan ko sa labas ng bahay niya dito sa aming Subdivision nang nagjo-jogging ako isang umaga. ''Good Morning din, hija.'' nakangiti namang sagot nito sa akin. Nagtuloy-tuloy pa ako sa pagtakbo. Sabado ng umaga kasi ngayon at nagjo-jogging ako. Routine ko na kasi ito every weekends. ''Good Morning, Sir!'' hyper din na bati ko sa nakasalubong na dating teacher ko no'ng high school. ''Morning.. '' nakangiti ring sagot niya. Medyo kinilig ako do'n. Ang gwapo kasi ni Sir eh, at nasa mid 20's palang ang edad n'yan kaya nga lang taken na, kaya mag-i-stick nalang ako kay Paulo ko. Mahinang napahagikhik ako sa loob-looban ko dahil sa kapilyahang pumasok sa isip ko. Mas dinalian ko nalang tuloy yung pagtakbo ko. Kalaunan, tumigil saglit ako sa Plaza Park at naupo sa isang bench. Pinunasan ko ng towel na nakapatong sa balikat ko yung tagatak kong pawis sa noo at mukha saka nilagok ko yung tubig ng dala-dala kong mineral bottle. Kapagod din yung ganito pero okay lang, at least alam kong nabi-burn yung fats ko sa katawan at medyo nababawasan yung katabaan ko. Nakakainggit kasi yung mala-ramp model na katawan nina Seni eh, lalong-lalo na yung kay Sasha, ang fit at ang sexy kahit saang anggulo. Aminado naman akong MEDYO chubby ako tapos may kaliitan sa height kaya nga eto ako at todo sa pagpapapayat. Kapag kasi pumayat na ako, mag-i-increase naman daw yung height ko, 'yon sabi nila eh, kaya ako heto at nag-e-effort sa pagpapa-slim. ''Hi.'' Napalingon kaagad ako sa likod ko nang may bumati sa akin. O baka naman nagkakamali lang ako ng dinig at hindi ako yung binati? Paglingon ko, laking-laki yung guhit ng ngiti ko nang makita ang taong hindi ko inaasahang makikita ko rito. ''Paulo!'' sambit ko sa pangalan niya. Lumipat siya sa gilid ko at naupo sa tabi ko dito sa bench. He's wearing a yellow plain t-shirt and black jogging pants tapos sketchers sa paa. Tulad ko, parang galing din s'ya sa pagtakbo at pawisan pa pero gosh, ang bango-bango pa rin niya! ''You're working out also?'' tanong niyang may banayad na ngiti sa labi habang diretsong nakatingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang, feeling ko talong-talo ako kumpara sa napakabango niyang amoy. I'm wearing a pink stripped sport sando at blue na push-up shorts tapos rubber shoes, with hair clean-pony tailed sa likod. ''Oo.. '' Nabigla ako sa sunod na ginawa niya. Pinunasan niya ng towel n'ya yung noo kong may pawis. ''Ah.. okay lang. Ako nalang, Pau.'' sabi ko sa kanya. Pero hindi siya tumigil hanggang sa tuluyang mawala yung mga pawis ko sa mukha. Nang matapos siya, na-conscious na tuloy ako. Pakiramdam ko nga pulang-pula na rin yung pisngi ko ngayon. ''Ah.. salamat ha?'' He widened his smile. ''Sure.'' Tumuwid nalang ako ng upo at hindi na siya tiningnan pa. Nakakailang kasi eh, malay ko ba kung anong itsura ko ngayon sa tabi niya. Baka mamaya niyan sobrang gwapo niya diyan tapos ako dito para na palang basahan. Shit, nakaka-conscious lang kasi talaga! ''So, nagjo-jogging ka everyday?'' aniya. Tumuwid na rin ng upo at nasa paligid na yung mga mata. ''Hindi. Every weekend lang. Weekend routine ko 'to.'' And the conversation goes on and on. Kung anu-ano lang yung napagkukwentuhan namin. Sabay rin kaming naglakad-lakad at naglibot-libot sa park, masarap talaga siyang kasama. Bukod sa ang gwapo na niya, ang cool pa. 'Yon nga lang, nakakairita lang yung ibang mga babaeng pumapansin sa kanya. Okay, I admit it, marami talaga siyang mga kakilala. Yung iba pumapansin, yung iba naman nagpapapansin. Tsk! Kita na ngang may kasama na siya! ''Ate.. ate!'' Napalingon kami sa mga batang tumawag sa amin. Nasa landscape sila ng mga bulaklak at doon nakaupo. Tatlo sila, isang guy at dalawang girls. Mukhang magkakaibigan at hula ko, high school palang ang mga ito. ''Hmmn?'' nakangiti ko namang pansin sa kanila. ''Kayong dalawa na po ni kuya 'no?'' anang dalagitang may unat na unat na itim na buhok saka mapilyang itinuro ang katabi ko. Tapos naghagikhikan silang tatlo na para bang kinikilig sa panunukso sa amin ni Paulo. Wtf! Pakiramdam ko bigla na naman akong namula sa panunukso ng mga batang 'to! ''Hindi ah!'' ang defensive ko tuloy. I even heard Paulo laughed. ''Hindi pa, mga bata. Bakit bagay ba kami nitong ate n'yo?'' inakbayan pa ako. Halos mapapitlag ako. Grabe lang, ang puso ko! ''Opo! Opo! Bagay na bagay po! Ang ganda po ni ate tapos kayo kuya, ang gwapo-gwapo n'yo po talaga!'' anang medyo kulot na mapula-pula ang buhok na dalagita tapos nagtititili sila nung kaibigan niyang may straight na buhok. Napangiwi ako at nagpatuloy na ulit kami ni Pau sa paglalakad. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa compliment sa akin nung mga batang 'yon, kasi naman eh! No'ng sinabi nilang ang gwapo-gwapo ni Paulo, kinilig sila ng kakaiba. Tsk! Bahala na nga! At least, tinukso nila kaming dalawa at nagustuhan ko talaga 'yon! ''Malapit lang ba yung bahay n'yo dito?'' pukaw niya bigla nang makalabas na kami ng Plaza Park. ''Uhm.. oo, medyo. Nasa Mabuhay Subdivision lang naman.'' ''Talaga? Doon din bahay n'yo?'' he sounds so surprise. Tiningnan ko siya saka tumango-tango ako. ''Doon din kaya yung sa amin!'' Ngayon, ako naman yung nasurpresa. Talaga? Ibig sabihin, all this time nakatira pala kami ni Pau sa iisang Subdivision lang? Wow, what a small world! At ibig ring sabihin, lagi ko na siyang makikita? Lagi na kaming magkikitang dalawa roon? Asese, kinikilig ako sa idea! ''Ano ba yung block number n'yo?'' aniya pa. ''Block 001A.'' sagot ko. Tumango-tango siya. ''Ah.. Block 003B kasi kami. Pangtatlo pa ng liko mula sa street n'yo.'' Awwts. 'Yon naman pala. Kaya hindi ko siya kailanman nakita doon sa amin dahil medyo malayo yung street nila sa amin. Sayang. Ba't kasi ang laki-laki pa nung Subdivision na 'yon eh! ''Hatid na kita sa inyo.. '' sabi n'ya mayamaya. ''Huh?'' parang hindi mag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Ihahatid n'ya ako sa amin? WAAAH! ''Hatid kita.. '' walang pagdadalawang-isip sa mga mata niya. Nahihiyang tumango ako. Kasi naman eh! Dito kaya 'to nag-uumpisa lahat! Yung sa pahatid-hatid sa bahay, tapos madadagdagan yung bondings, magiging strong yung boundary ng friendship, then gradually, everything will fall into right places, at eventually, magiging magboyfriend-girlfriend na kami. CHOS! Ilang sandali pa nakarating din kami sa loob ng Mabuhay Subdivision. Naiinis na naman ako nang sa bawat daraanan namin sa aming street, andaming mga babaeng nagha-hi at hello sa kanya. Wow ha? Sa tinagal-tagal ko na ngang nakalungga sa Subdivision naming ito (hindi kasi ako mahilig makipagkaibigan o makipagbarkada sa mga tagarito), ngayon ko lang nakilala 'tong si Paulo, samantalang yung iba halos lahat sa kanila kilalang-kilala s'ya. I wonder if even in other streets ay popular din s'ya, well.. maybe, sa gwapo niyang 'yan hindi na 'ko magtataka kung kilala pa siya hindi lang ng buong taga-Subdivision kundi pati na rin ng buong sanlibutan. ''At sino naman 'yan?'' Kapwa kami ni Paulo napalingon sa nagsalita sa likuran. Then there, we saw Kyzer Vyllarama on his bike. The nerd. Obviously, younger brother ko. Grade seven 'yan ngayon at ubod ng supladong bata! ''Wow! Nice morning greetings! Ang galang!'' bara ko kaagad sa kanya. Huwag na kayong magtaka dahil ngayon palang sasabihin ko nang kakaiba talaga yung bonding naming magkapatid. Ganito kami kung magmahalan eh! He just smirked at me. ''Sino nga s'ya!'' Tsk. Suplado talaga! ''Paulo, boy.'' nakangiting ani Paulo at naglahad pa ng kamay sa suplado. Tiningnan muna nitong mabuti yung kamay ni Paulo na nakalahad na para bang inuusisa pang mabuti kung dapat ba niya itong tanggapin kaya pinanlakihan ko na ng mga mata at binigyan ng nakamamatay na tingin na nagsasabing tanggapin-mo-yan-dahil-kung-hindi-lagot-ka-talaga-sa-akin! At ang magaling nag-smirk lang ulit saka tinaggap din naman yung kamay ni Paulo. Thank God! ''Kyzer.'' plain lang niyang sagot saka kinunutan si Pau ng noo. ''Boyfriend ka ba ng ate ko?'' direkta niyang tanong. Wtf. ''Kyzer!'' Narinig ko naman ang sexy na pagtawa ni Paulo. ''Hindi pa. Kapag ba naging boyfriend n'ya ako, ayos ba sayo?'' ''Hindi.'' direkta na naman niyang sagot. Halos masapo ko yung ulo ko sa sobrang inis sa kanya. ''Ky, Lin! Let's get inside, magbe-breakfast na tayo!'' Napalingon naman kami sa gate ng bahay sa tumatawag sa amin ng kapatid ko. Si daddy. ''Opo, nand'yan na!'' ako yung sumagot kay dad. ''May kasama pa yata kayo riyan? Dalhin n'yo dito at nang makilala ko!'' nakangiti pang dagdag nito, may bahid pa ng panunukso ang tono. ''Tayo na nga!'' nauna na yung suplado papunta sa bahay. ''Okay lang ba sayo kung sumama ka muna sa amin sa loob?'' hiyang-hiya ako sa pagtatanong. ''Why not? Let's go.'' cool lang na sagot niya at naglakad na ulit habang nakapamulsa na naman. ''I'm Darwin Vyllarama, Kyzer and Celine's dad.'' maayos na ani daddy at naglahad ng kamay sa kasama ko. Nasa terrace na kami ngayon ng bahay at kasalukuyang nagkakakilanlan sina daddy at Paulo. ''Paulo Guerrero, Sir.'' pormal namang sagot ng huli saka tinanggap ang kamay ng aking ama. ''So, girlfriend mo ang anak ko?'' seryoso at direktang tanong pa ulit ni dad. Heck! Hayan na naman! Ba't kasi lahat nalang ng mga makakakita sa amin 'yan kaagad yung mga itinatanong, hindi naman sa ayaw ko, actually, gustong-gusto ko nga kaya lang nakakahiya naman kasi kay Pau eh! Hindi pa naman n'ya ako girlfriend, future girlfriend palang! ''Daddy! Hindi po!'' maagap namang sagot ko sa magaling kong ama. At ang loko, nginisihan pa ako, inirapan ko nga! ''Okay, let's get inside now, baka lumamig na yung pagkain, tapos para makilala mo na rin yung mom ni Celine.'' ani daddy. Pumasok na nga kami sa loob at pagdating sa dining room, nagkakilalahan agad sina Paulo at si mommy. Masaya sa hapagkainan, kaswal na nagkukwentuhan lang kami, and most of all, hindi nao-OP si Pau, marunong siyang makisabay. Minsan pa nga, siya yung nagkukwento ng tungkol sa sarili niya sa amin. I'm really glad now that he already met my parents, at madali pa niyang nakasundo ang mga ito. 'Yon kasi yung number one qualifications ko when it comes to choosing guys carefully eh, yung tipong compatible siya sa parents ko at marunong makisabay. Nasa kanya yung katangiang 'yon! Ang nakakainis nga lang ay itong epal na nerd na suplado na mukhang ang pakla ng panlasa kay Paulo, samantalang ang bait lang naman talaga ng tao. Tsk, minsan talaga, napaka-unbearable na 'yang si Kyzer! Lumipas ang mga araw at linggo na naging ganito yung set-up namin ni Paulo. Every weekends nagsasabay kami sa pagjo-jogging patungong Plaza Park, minsan nagkakasalubong lang kami, kadalasan naman sinusundo niya ako sa bahay. I admit it, ang sarap talaga ng ganitong feeling, yung palagi mong nakakasama yung taong gustong-gusto mong kasama. Tapos every TTH naman sa school, nagkakasama pa rin kaming dalawa sa arts studio, pareho na kasi kaming nakuha sa screening at official members na ng arts club. Ang saya lang! ''Sige ha? Una na 'ko sa inyo.'' paalam ko na kina Seni, Sasha at Wayne. Alas tres na kasi ng hapon at wala na kaming klase sa next subject kaya mauuna na muna ako sa kanilang umalis, may daraanan pa kasi ako sa tita Glaiza kong kapatid ni daddy, tapos si Sasha may pupuntahan rin na kung saan, sasamahan daw ni Seni, si Wayne kasi may pasok pa mayamaya lang. Habang naglalakad na ako sa ground patungong gate, there's this sudden feeling na umatake sa akin na pakiramdam ko may mga matang nakatingin at nakamasid sa akin mula sa malayo. Ang uncomfortable ng pakiramdam na ito, and I hate it. ''Hi Celine.'' bati ng isa kong classmate na nakasalubong ko sa daan. Si Cherry. ''Hi.'' 'ni hindi ko man lang nagawang ngumiti sa parang patay kong paraan na pagbati pabalik. Hindi kasi talaga ako mapakali! Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mapalingon sa bawat paligid, at nang tumingala ako sa building ng BSBA, there I saw him in the terrace corridor. His gray eyes, his expressionless aura, and his serious yet dangerous way of stares, nanindig yung mga balahibo ko. ''S'ya... '' nasambit ko kasabay ng biglang pagkalabog ng puso ko. Napaiwas kaagad ako dahil hindi ko na mawari yung nangangarerang pagtibok ng puso ko. Shit, ang bilis! John...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD