CHAPTER 1

3391 Words
ONE: "I'm glad to hear you're not his girlfriend." (Celine's POV) Naglalakad ako sa pathwalk ng SCU nang makita kong papasalubong ang matagal ko nang kaibigang si Serenity. Galing kasi s'ya no'ng high school sa States kaya ngayon ko nalang ulit s'ya nakita, ngayong nag-transfer na ulit s'ya dito sa aming University. I really missed her! Nasa likuran s'ya ng limang mga lalaking naglalakad din papasalubong. Mukhang magkakabarkada ang mga ito at nagtatawanan pa. Pare-pareho silang may mga itsura, they even looked familiar to me, hindi ko nga lang alam kung saan ko sila nakita minsan pero mukhang kilala dito sa University ang mga ito. Ngumiti ako kay Serenity nang sa wakas ay dumapo sa akin ang kanyang mga mata tapos kumaway pa ako. Kumaway din siya. ''Seni!'' sinalubong ko si Serenity ng isang yakap. Nilagpasan ko ang lima at halos kumunot pa yung noo ko no'ng makitang akmang yayakapin pa ako ng isa sa kanila. Akala ba n'ya s'ya yayakapin ko? Hindi din naman feeler eh 'no! ''I missed you, Seni!'' tuwang-tuwang sabi ko nang matapos kaming magyakapan ng kaibigan ko. ''I missed you too, Celine!'' sagot niyang pareho kong tuwang-tuwa din. ''Let's go? I'm sure sabik na rin si Sasha na makita ka!'' Tumango s'ya. Naglakad na nga kami at nilagpasan namin ang limang lalaking halos nakaawang yung bibig sa ere. May problema yata sila? Nakatingin sa aming dalawa ni Seni eh. Hay bahala na nga! Wala kaya kaming ginagawa ni Serenity sa kanila! 'Ni hindi namin sila inaano. ''Serenity, namiss kita! Sobra!'' hayan at halos magtititili din sa sobrang tuwa si Sasha nang makita si Serenity. Nasa classroom na kami ngayon at hinihintay nalang na dumating yung professor namin. Ako, si Sasha, at si Serenity ay magkakaibigan magmula pa kindergarten at elementary dahil lagi kaming magkakaklase. Nag-iba-iba nga lang kami ng schools na pinasukan sa sekondarya pero hindi pa rin nu'n naalis ang closeness namin sa bawat isa. Ngayong college, heto at sinuwerte'ng magkakaklase ulit kami. We're all taking up BSED-English, and we're now freshmen. Nakita ko mula sa glass window ng pinto ng Arts Studio na puno na ng mga estudyante sa loob. Okupado lahat ng mga upuan. Nagdalawang-isip tuloy ako kung papasok pa ba ako. Sasali kasi ako sa arts club at ngayong araw yung orientation. You know, I love to draw, I have the skills on painting, and I even have the guts on sketching. Kaya nga gusto ko pang palawakin yung talento ko sa pamamagitan ng pagsali sa mga ganitong clubs. Kahit nagdadalawang-isip, lakas loob ko pa ring binuksan ang pinto at pumasok. Halos magtinginan yung lahat sa akin. Okay, I admit, medyo late ako at hindi ko alam kung gaano na kahaba yung speech ng speaker sa gitna yung na-missed ko. Pero hindi ko naman kasalanan kung na-late ako ng konti 'di ba? May klase pa kaya ako sa kabilang building bago pumunta rito! Tapos sa totoo nga lang, may klase pa talaga ako ngayon sa isang subject ko, but see? I've sacrificed my class just to be here, gano'n lang naman po ako ka-determinado! Tumingin-tingin ako sa paligid para magbaka sakaling makakita pa ako ng bakanteng seat na mauupuan ko pero failure ako dahil okupado na lahat. I knew it, tatayo talaga ako rito sa likuran mag-isa hanggang sa matapos ang orientation at magdarasal nalang na sana may dumating pa at may makasama na ako dito. ''Ikaw na maupo dito, miss.'' Nagulat ako nang may isang malaanghel na lalaking nakaupo sa gilid at nag-alok sa akin ng upuan niya. He's handsome and he looks so kind. Seriously, may ganito pa palang gentleman na lalaking natitira sa mundo? ''Ah..okay lang. Nakakahiya naman.'' nagawa ko pang magtanggi dahil sa hiya. Ang bait kaya n'ya tapos ang gwapo pa kaya sino'ng babae naman ang hindi magagawang mahiya sa kanya niyan? ''Don't be shy. Besides, pagod na rin yung pwet ko kakaupo eh. Ikaw na dito.'' Tumayo na nga s'ya at halos alalayan pa n'ya ako sa pag-upo sa pwestong iniwan n'ya. Nakaupo na ako at nag-aalangan pa rin siyang tinitingnan. Nginingitian lang naman n'ya ako. ''Stop doubting. Okay lang ako.'' sabi pa n'ya. Napaiwas na tuloy ako. I've tried my best to concentrate at the speaker in front but I just can't stop thinking of him. His cute dimple while smiling, his fair cheeks, and his fair skin. Napansin ko rin yung natatanging kakisigan n'ya kahit yung mukha n'ya ay napakabait at napakaamo. He even looks familiar to me, hindi ko nga lang maalala kung saan ko siya nakita dati. My heart skipped a beat when I tried to look at him again then he gave me a smile, a precious one. ''You like arts that much, huh?'' he asked mischievously. Wala sa sariling napatango ako. Ba't kasi ang gwapo ng nilalang na 'to? ''I think we have the same line here. By the way, I'm Paulo Ignacio.'' He extended his hand to me. Libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang maglapat ang mga kamay naming dalawa. ''And you are?'' ''Celine Vyllarama.'' I know, I'm trembing because he has this different effect on me. I really knew it! ''Painting yung linya mo sa arts club?'' tanong n'ya habang naglalakad na kami sa labas ng Arts Studiot matapos ng orientation. Magkasabay kaming dalawa. Tapos na yung orientation at next week daw yung screening ng mga makukuha at maisasali as official members sa club. Tumango ako sa tanong n'ya. ''Sayo ba?'' ''Same as yours.'' ''Hi Pau!'' anang isang babaeng nakasalubong namin sa daan. ''Hi.'' he answered the girl smilingly. ''Anong year mo na nga pala?'' patuloy niya sa pagtatanong no'ng lumagpas na yung babae sa gawi namin. ''First year. Ikaw? Anong course mo?'' ''Second year. PolSci na ipo-proceed ko sa Law after four years. Ikaw ba, anong course mo?'' ''Paulo!'' Sasagot na sana ako kaya lang hindi ko natuloy dahil may isa na namang babaeng dumaan at pinansin siya, tinapik pa siya sa balikat. ''Hello Jaira!'' aniya naman at tinapik sa pisngi ang babae. Mukha namang kinilig-kilig yung babae at malawak pa rin ang pagkakangiti nang iniwanan kami. Bumaling naman si Paulo sa akin kaya itinuloy ko na ang sagot kong naudlot kanina. ''BSED-English.'' ''Wow!'' he murmured in amusement. ''May kasama pala akong maam dito ngayon! Hello po Teacher Celine!'' Biro pa nito. Natawa naman ako sa kanya. Hay, ang gwapo na nga n'ya, ang cool pa! Kaya nga hindi ko siya masisisi sa nakikita kong ugali niyang pagiging malapit sa mga babae. He's a good looking man and kind, sino'ng hindi hahanga 'di ba? ''Dude!'' sabay kaming napalingon sa tumawag mula sa aming likuran. Nang makita ko ang apat na papalapit sa aming dalawa, noon ko naman naalala kung saan ko unang nakita itong si Paulo. Isa s'ya sa kanilang lima, yung limang nakita ko noong isang araw na nanunuod sa aming dalawa ni Serenity sa pathwalk, no'ng sa pagkikita namin ng kaibigan ko. ''Ah.. sige, Celine ah? Una na ako, nand'yan na kasi tropa ko.'' paalam bigla ni Paulo. ''O' sige.'' Nagmadali na siyang puntahan ang papalapit at kapwa mga nakangisi niyang mga kabarkada at iniwan na ako. Inakbayan n'ya yung dalawang kaibigan n'ya at pumagitna siya sa kanila. ''Sino s'ya, pare? Ipakilala mo naman kami!'' sabi nung isang mapunting may pagkachinito na nasa likuran na n'ya. ''Tss. Wala! Kasama ko lang sa arts club. Tayo na nga!'' ani Paulo na para bang ipinagkakait n'ya ako sa apat niyang mga kaibigan. And I wonder why would he do that.. Para namang wala nang magawa yung apat at sumunod nalang sa kanya. Tumalikod na sila at nagsimulang maglakad papalayo. ''Damot naman nito! Pakilala mo kasi kami!'' narinig ko pang patuloy na daing nung chinito. ''Shut up, Rick!'' Lumingon saglit si Paulo sa akin at nginitian niya ako. Nalaglag naman bigla ang puso ko. Ngumiti rin ako. Samantalang nakita ko naman yung paglingon nung kaakbay n'ya sa kanang banda, abo yung kulay ng mga mata nito at mataman ito kung makatitig, yung tipo bang gusto ka niyang tunawin dahil sa mala-apoy niyang pagtitig tapos maku-conscious kang bigla. ''Stop staring, John!'' saway na naman ni Paulo sa kaibigan. Tumigil nga ang lalaking may matang kulay abo at pabalang na kinuha ang pagkakaakbay ni Paulo mula sa kanyang balikat. ''Don't tell me what to do!'' sabi pa nito at saka iniwan nalang basta ang mga kaibigan. Ang suplado naman! Ang pangit ng ugali! ''Oh? Anong problema ng isang 'yon?'' napakamot naman sa ulo yung chinitong tinawag niya kanina sa pangalang Rick. ''May PMS siguro?'' humagalpak sa tawa yung katabi ng chinito. Tulad ni Paulo, may dimple din ito kapag ngumingiti o nakatawa pero naiiba nga lang yung kulay nito kumpara sa mga kasama. Moreno kasi ito at bagay na bagay ang kulay na 'yon rito. ''John's jealous!'' tatawa-tawa namang iling nung kaakbay ni Paulo na nasa kaliwa. Yung pinakamatangkad sa kanilang lahat. ''Oh my gosh! Ang gwapo niya! Ang gwapo-gwapo talaga niya tapos ang bait pa! Gosh, girls, na-love at first sight yata ako!'' Halos takpan ni Sasha yung magkabilang tenga niya dahil sa walang tigil na katitili ko. Kinikilig kasi ako sa bagong crush ko, syempre wala nang iba 'yon kundi si Paulo. Gosh! Napangisi naman ako nang dumapo ang tingin ko kay Serenity at nakitang nakatulala s'ya sa kawalan habang nakapangalumbaba na para bang ang lalim-lalim ng iniisip. ''Grabe, Seni! Kung ikaw lang yung nasa posisyon ko kanina, siguradong ganito rin magiging reaksyon mo!'' I tried to catch her attention. Pero waley dahil tulaley pa rin! Alam ko namang hindi siya tulad kong parang bata isip at makulit tapos maingay pa at madaldal, napakahinhin nga niya sa totoo lang tapos napakamatahimikin na babae. Gusto ko lang naman sanang ma-divert yung attension n'ya palayo sa kung ano mang malalim na iniisip o pinu-problema niya. ''Oh? Ano namang problema ng isang 'yan at mukhang ang lalim ng iniisip?'' Tanong ko na kay Sasha. ''Locker incident daw.'' she rolled her eyes. Nakukulitan 'yan sa akin ngayon kaya ganyan 'yan. Sus, parang hindi pa ako nasanay sa ugali ni Sasha eh! ''Locker incident? Bakit, anong meron sa locker?'' ''I don't know. Pwede ba, huwag ka nang magtanong! Hindi nga nagkwento eh!'' naiirita na talaga siya. Ayaw kasi niyan sa maingay eh, pero naging bestfriend pa niya ako at hindi ko rin talaga alam kung bakit at kung paano n'ya napakisamahan yung natatanging kadaldalan ko. ''Eto naman, echusera! Kesyo nagtatanong lang eh!'' mahinang hinampas ko tuloy s'ya sa braso. ''Ouch!'' maarte niyang ti-nap yung braso niya. Sus! Wala na akong magagawa, ganyan na talaga 'yan eh. Kung si Serenity yung pinakamahinhin at mabait sa aming tatlo, tapos ako itong parang bata sa kadaldalan, pwes itong si Sasha naman may pinakamaarte at may kamalditahang taglay sa aming tatlo. Ewan ko talaga kung bakit kami yung magkakaiba-iba yung mga personalities, kami pa yung naging magkakasundo at magkakaibigan. Well, siguro gano'n na talaga 'yon, we're destined for our opposites. ''Okay, water break muna for 5 minutes!'' deklara ng aming dance instructor kasabay ng pagpalakpak ng mga kamay sa ere sa harap namin ng mga kaklase ko. Saturday morning ngayon at P.E namin. PE1 palang kami kaya heto at nasa Flashmob dance palang kami. Tagatak yung pawis ko kaya dumiretso na muna ako sa bleachers kung saan nauna na roon sina Serenity at Sasha na ngayon ay umiinom ng mga tubig nila at nagpapahinga. Pagkadating ko sa bleacher kinuha ko agad yung jansport bag kong kulay black saka dinukot mula sa loob ang mineral bottle ko. Uhaw na uhaw ako at pagod dahil sa kasasayaw, pinunasan ko ng towel yung pawis ko sa noo, sa mukha at sa leeg. Matapos kong halos ubusin yung tubig na dala ko, naramdaman ko naman bigla na parang maiihi ako. ''Girls, hindi kayo iihi?'' tanong ko bigla sa dalawa. Kapwa sila umiling. ''Ah..okay. Ako nalang. Pakibantayan n'yo muna 'tong bag ko ha?'' Tumango sila saka na ako nagmadaling tumungo sa isang pinakamalapit na CR dito sa aming gym. Pagdating sa pinakamalapit na female CR, pumasok kaagad ako sa isang cubicle at nagbawas. ''Ah.. ohh.. faster, babe, faster!'' Habang nagbabawas para akong may naririnig na ungol mula sa kabilang cubicle. Dinalian ko nalang ang pagbabawas at hindi na pinansin pa 'yon pero nang matapos na ako at naayos ko na ulit yung jogging pants ko, mas lumakas pa yung ungol kaya naman napilitan akong idikit yung tenga ko sa pader at pinakinggan yung ingay na 'yon mula sa kabila. ''Oh God, I'm coming, babe.. I'm coming!'' malakas na ungol nung babae. ''I'm coming too, babe! Uggghhh...!'' malakas din na ungol nung lalaki. Doon ko lang na-realize kung ano yung nangyayari mula sa kabila. For Pete's sake, somebody's making out from the next cubicle! Heck! At dito pa talaga nila gagawin sa paaralan? Sa loob mismo ng CR ng mga babae?! Gosh! Mga walang hiya naman, ang babastos! Napabuntong-hininga ako dahil pakiramdam ko biglang sumakit yung ulo ko sa narinig ko. Ang yuck lang kasi 'di ba? Like hello, school kaya 'to, hindi motel! Dali-dali ko nang binuksan yung pinto nitong cubicle ko dahil mahirap na't baka maabutan pa nila ako at akalaing nakinig at nakiusiso ako sa session nila. Well, in fact, nakinig naman talaga ako pero unintentional 'yon 'no at dala lamang ng kuryusidad! Excuse me! Ngunit kapagka minamalas nga naman talaga! Tamang-tama kasing pagbukas ko ng cubicle ko, bumukas din yung cubicle nilang dalawa at tumambad talaga sa harapan ko yung mga itsura nilang halos hindi ko maipinta. Gulo-gulo ba naman yung buhok ni girl tapos yung pulang lipstick n'ya nagkalat sa kung saan saka may mga kissed mark pa siya sa leeg. Gosh, nakasuot pa naman siya ng tulad kong PE uniform pero mukhang hindi siya isang estudyante at mukha talaga siyang prostitute. Gosh! ''Namboboso ka ba sa amin, ha! Ang bastos mo!'' akusa pa niya sa akin bigla. Sobrang nagulat naman ako sa patutyada niya kaya sarkastikong natawa ako bigla. ''Wow, at ako pa talaga yung bastos dito, ha? Wow! Nahiya naman ako sa ginagawa n'yo, ang disente kasi! Talo n'yo pa motel dito! And excuse me, hindi ako namboboso, normal lang na galing ako sa loob ng isang cubicle dahil girls CR 'to, hindi kwarto!'' ''So, ano'ng ibig mong sabihin, ha!'' angas pa niya. ''Ang ibig ko lang sabihin, bago mo 'ko akusahang bastos ako, tingnan mo muna yung sarili mo at pati na yung ginagawa mo! Alam mo kasi, sometimes, the words you judge to others are actually the best words to describe yourself!'' palaban kong sagot. Aangal na sana ulit yung babaeng walang hiya pero kapwa kami natigil nang marinig namin bigla ang katabi niyang lalaki na humagalpak sa tawa. Napabaling tuloy ako sa lalaking walang hiya at talagang nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino siya. Siya yung isa sa mga barkada ni Paulo na may kulay abo na mga mata. Yung supladong may don't-tell-me-what-to-do don't-tell-me-what-to-do pang nalalaman tapos may pa-walked out-walked out pa! Tsk. What a small word! ''You know what, Miss, you're so funny!'' sabi pa ng gago habang nakatawa pa rin. ''At ano namang nakakatawa sa akin?!'' uminit bigla yung ulo ko. ''You looked like you're still unexperienced, virgin ka pa 'no?'' Kung kanina ulo ko lang yung mainit, ngayon pakiramdam ko pati mukha ko uminit na rin. Gosh, that damn shameless question! Syempre, virgin pa ako! Like hello, mag-i-eighteen palang ako next year at ang bata-bata pa ng edad na 'yan para magkaroon na ako ng experience. Like yuck! Eww! Hi-nead to toe ako ng babae habang iiling-iling siya. ''Poor little girl. Tumuntong na ng college, virgin pa rin.. Kawawa talaga.'' Wow! Just wow! I can't believe this! So, dapat na palang ikahiya ang pagiging virgin ngayong college? So, dapat pag-college, dapat deviginized na? YUCK! ''Let's go, babe, iwan na natin 'yang virgin na 'yan dito!'' anang babae sabay kapit sa braso ng lalaking natatandaan kong John yata ang pangalan. Tama ba? Hay, ewan ko! Wala akong pakialam! ''Sige, babe. Mauna ka na at susunod nalang ako, may nakalimutan pa nga pala ako sa loob ng cubicle.'' ngiting-ngiting sagot nung John. ''Sige. Sunod ka ha?'' ''Yes, babe.'' Tuluyan na nga'ng lumabas yung babaeng walang-hiya, naiwan akong mag-isa rito kasama ang lalaking ito. Nakangiti siya sa akin at yung paraan ng pagkakatitig n'ya, nakakailang kasi ang lagkit! Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko hindi ko kayang salubungin yung kulay abo niyang mga mata kaya naman hindi sinasadyang mapadapo yung tingin ko sa katawan niya. And for pete's sake, ngayon ko lang na-realized na wala pala siyang suot na damit pang itaas! He has a perfect body. A demigod. Isang tingin palang sa dibdib n'ya, alam mong ang tigas-tigas na no'n kapag hahawakan mo! His biceps, oh my gosh! Tapos yung six pack abs, grabe! Yung gitna naman ng dibdib n'ya mabalahibo, sobrang nakakaakit, pababa sa kanyang pusod, at pababa sa kanyang... oh my god! ''Enjoying the view?'' All of a sudden, natigil ako sa kagagahan ko at napaangat ng tingin sa kanya. I saw him grinning. Gosh, ano bang ginawa ko? Bakit ba biglang naging gano'n kadumi yung pag-iisip ko! Gosh, this is wrong! Inirapan ko siya at akmang lalampasan na para lumayas pero tumapat siya sa daraanan ko para harangan ako. Lumipat ako sa kaliwang daan pero hinarangan pa rin n'ya ako tapos sa kanan ulit pero hindi pa rin ako makawala! Sinalubong ko ulit yung mga mata niyang malagkit na malagkit pa rin kung makatingin at binigyan ko siya ng isang nakamamatay na tingin, pero parang wala lang sa kanya at hindi man lang nasindak ng kahit konti. ''May kukunin ka pa sa loob 'di ba? Kunin mo na 'yon at 'wag ka nang haharang-harang sa daraanan ko, naghihintay pa naman yung babae mo sa'yo!'' singhal ko na. Nakakainis na eh. Kahit kaibigan at barkada pa siyang ng prince Paulo kong napakabait, hindi ko pa rin mapigilang mainis sa kanya. Hindi ko kasi gusto yung paraan ng pagkakatitig n'ya sa akin eh, ang lagkit na nakakailang tapos parang nababastusan ako. ''Wala akong naiwang anumang bagay sa loob. Sinadya ko talagang magpaiwan dito para sa'yo.'' seryoso yung pagkakasabi niya habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. ''At bakit ka naman magpapaiwan dito para sa akin, aber? May pinaplano ka bang masama?!'' hindi ko alam kung saan nanggagaling yung lakas kong sumabat pa sa kanya kahit na ang totoo ay kabang-kaba na ako ngayon. Lalaki siya at babae ako tapos kaming dalawa lang yung naiwan dito sa loob ng CR saka ayaw pa niya akong palabasin, sino'ng hindi kakabahan nito 'di ba? ''Yes, kapag hindi mo sinagot ng totoo yung itatanong ko.'' direktang sabi niya. Napaatras ako. I can smell it that I am in danger now. Literal na bumangon yung takot sa dibdib ko, sa maaari niyang gawin sa akin ngayon! Umatras ulit ako pero humakbang siya papalapit sa akin. Umatras ako nang umatras nang hakbang siya nang hakbang papalapit sa akin. Oh my gosh! What will he going to do to me? Help! Naramdaman ko nalang yung padikit ng likod ko sa pader. Wala na akong maatrasan, wala na akong kawala. Hindi na nga ako nakakaatras pero humahakbang pa rin talaga siya papalapit hanggang sa halos isang inch nalang yung layo niya sa akin. Bago pa man ako makawala, ipinatong na niya ang dalawang kamay niya sa ulunan ko. He already cornered me and escaping from here this moment is too impossible. Inilapit n'ya yung mukha niya sa mukha ko hanggang sa halos magdikit na yung mga labi namin sa isa't-isa. One wrong move and we'll kiss, kaya pigil na pigil ko paghinga ko, samantalang siya parang ang kumportable lang niya sa ginagawa niya! I could already feel his mentol-flavored breathing and I could smell his manly perfume, pakiramdam ko malulunod ako ng wala sa oras dahil sa bango niya! ''Now, answer me honestly, are you Paulo's new girlfriend?'' seryosong-seryosong tanong n'ya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa tanong n'ya. Kakikilala palang namin ni Paulo kaya bakit naman magiging girlfriend agad ako nung tao? Hindi pwede ligaw muna? Tsk. Ano bang akala ng isang 'to sa akin? Easy to get girl na tulad nung ka-make out n'ya kanina? DUH! Hindi ako gano'n uy! ''Ano bang klaseng tanong 'yan? Hindi ko alam, interviewer ka na pala ngayon!'' hindi ko alam kung paano ko pa nakayanang magpaka-sarkastiko sa kabila ng takot ko pero nagawa ko pa rin! ''You'll give me the answer that I want to get from you, or I'll make you moan right now?'' banta niya bigla. Nagsitaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan. God, natatakot ako! Siya kasi yung tipo ng lalaking sa unang tingin mo palang, kapag sinabi niya gagawin niya talaga. ''No. I'm not.'' sagot ko na sa tanong niya. Lahat naman ng kaba at takot ko nawalang parang bula nang ngumiti siya bigla ng abot hanggang tenga. Yung tipo bang napakabanayad at kampanteng ngiti tapos pinakawalan na niya ako at medyo lumayo na siya. ''I'm glad to hear you're not his girlfriend.'' at tuluyan na niya akong tinalikuran. Pasipol-sipol pa siya nang tuluyang makalabas ng CR, samantalang ako naman ay naiwang nakatulala dito sa kinatatayuan ko. I'm glad to hear you're not his girlfriend. Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD