"I FEEL better now, Rency," ani Alex sa kabilang linya. "Kahapon lang ako umuwi sa kagustuhan ni Mama. Salamat sa concern mo. Whatever happened to us, masaya ako na magkaibigan pa rin tayo." "Of course, Alex. Iyon ang hindi magbabago." She heard him sigh. "Aalis ako, Rency," anito. "Gaya ng sinabi ko sa'yo noon sa ospital, gusto kong umalis na muna. Can we see each other before I leave?" Ipinaalam niya sa ama ang pinag-usapan nila ni Alex. At maging ito ay nagtataka sa desisyon ng kaniyang kababata. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Alex kung ano ang problema?" She shook her head. "I don't know if he was about to tell it though. Dumating si Tita Diana at nagkagulo kami sa suite niya." "Hindi ko maintindihan 'yang si Diana. Dati-rati ay halos itulak ka sa anak niya. Ngayon naman ay pinalalayo