SA Café Rafaela sila nag-lunch. Kahapon pa ang reservation na iyon ni Colin sa restaurant ng kapatid. Dalawang waiter, bukod pa sa maître d ang umaakyat sa VIP room para sa mag-serve ng kanilang mga pagkain mula sa wine, sa entrée at hanggang sa dessert. Nagustuhan naman niya ang lahat ng inihain sa kanila. May umakyat din doon na nagpakilalang assistant ni Cayel para alamin ang iba pa nilang mga kailangan. She enjoyed each meal. Kapag tumutungo sila doon ng mga officemates ay tuwing may special occasion lang at pang four-course ang inoorder. "You are free of charge, Mr. Rodriguez," anang maître d nang hingin na ni Colin ang bill dito. "Iyon po ang bilin ng kapatid n'yo nang sabihin kong nagpa-reserve kayo rito." "I appreciate it. Pero sabihin mo kay Cayel na hindi ako nagpapalibre," sa