SPEECHLESS pa rin si Nastya. Hindi niya magawang magsalita. Ang tangi lang niyang nagawa ay magpigil sa pagsungaw ng luha sa kaniyang mga mata. “Gov,” ani Kirst nang makabawi. Lumunok ito. “Seriously, hindi ko po expected ito. At opo, hindi rin ako handa talaga—” “Hindi ka pa handa na alukin ng kasal ang anak ko?” anang Governor. Umiling si Kirst. “Hindi po ‘yon.” Parang may pag-aalangan sa guwapong mukha ni Kirst nang sandaling sulyapan si Nastya bago muling ibinalik ang tingin sa Governor. “Wala man lang ho akong dalang singsing kung mag-aalok ho ako ng kasal.” “‘Yon lang ba?” ani Papa Conrad na bumaling kay Papa Manuel. “Singsing daw, Manuel.” Maging si Nastya ay napatingin kay Papa Manuel nang may iabot itong kulay pula na velvet box kay Kirst na ikina-speechless ni Kirst. Mukhang

