INIHILIG ni Nastya ang ulo sa dibdib ni Kirst na nakaupo sa tabi niya, sa may sofa, habang yakap siya. Nasa may terrace sila ng kaniyang silid nang mga sandaling iyon habang nakatanaw sa madilim na kalangitan na nalalatagan ng maraming bituin. Bukas ng umaga ay nakatakda ng umuwi ang pamilya ni Kirst sa Maynila. At gusto niyang sulitin ang mga lilipas pang oras kasama si Kirst. Pasimple naman siyang nagpaalam sa kaniyang ama kanina kung puwedeng makasama nang gabing iyon si Kirst. Hindi naman ito tumutol dahil naiintindihan naman nito na mami-miss nila ang isa’t isa at kailangan nila ng privacy. “Ano ng code ng condo mo?” mayamaya ay basag ni Nastya sa katahimikan. “Pupuntahan mo ako?” nangingiting tanong ni Kirst. “Malay mo.” “Ibinalik ko uli sa dati ang code ng lock sa pinto ng con

