PAGKABABA ni Kirst sa sasakyan ay mabilis din niyang inalalayan ang kaniyang ina sa pagbaba. Kararating lang nila sa bahay ng mga magulang niya sa Makati. Napabuntong-hininga siya nang maalala na naman ang kaniyang mag-iina na naiwan niya sa Santa Anastasia. Bigla ay para siyang nakaramdam ng pagkahungkag. Nang manatili pa sa may tabi ng sasakyan ang kaniyang mga magulang ay nagpaalam na muna siya sa mga ito na mauuna na sa pagpasok sa loob ng kanilang bahay. Mahaba ang naging biyahe nila. Gusto niyang mahiga muna sa kaniyang silid. Sa may main door pa lang ay unti-unting bumagal ang paglalakad niya nang makita si Ehlae Ken na humahangos pa sa pagbaba sa may hagdanan. Kumunot ang kaniyang noo. “Ano’ng ginagawa mo rito?” taka pa niyang tanong. Akala ba niya ay busy ito? “Yaya Mari, info

