NAPAHINTO si Kirst sa paglalabas ng gamit niya sa kaniyang maleta nang makita ang nakabalot pa sa cute na box na regalo. Galing iyon sa mga kambal, regalo ng mga ito sa kaniya. Ang bilin pa sa kaniya ni Nastya ay pag-uwi na niya sa Cebu iyon buksan kung ano’ng laman. Kinuha niya iyon at binuksan. May ribbon pa iyon na kulay pink. Sandali siyang matigilan nang makita ang laman niyon. Kopya iyon ng larawan nila na kumalat sa internet. Nakalagay pa iyon sa puting frame. Hayon na naman at hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata. Miss na niya ang mag-iina niya. Pati puso niya ay parang pinipiga nang mga sandaling iyon. Ipinatong niya ang picture frame sa ibabaw ng bedside table niya. Dahil sa regalo na iyon ay naalala niya ang ibinigay din sa kaniyang flash dr

