NAKATANAW lang si Nastya sa labas ng bintana. Malakas ang ulan sa labas ng bahay. Halos mag-abo rin ang kulay ng paligid sa labas dahil sa lakas ng buhos niyon. Bahagyang napakislot si Nastya nang marinig ang pagtikhim sa may gilid niya. Saka lang niya napansin ang kaniyang ama. “Papa,” sambit niya. “Kanina ka pa po ba riyan?” “Not really, anak.” Tumanaw din ito sa labas ng bintana habang ang mga kamay ay nasa likuran nito at magkahawak. “Bakit kasing gloomy ng panahon sa labas ang awra nang aking anak?” tanong ng kaniyang ama bago muling nagbaling ng tingin sa kaniya. “Na-mi-miss mo na ba siya?” Saka lang gumuhit ang ngiti sa labi ni Nastya sa tanong na iyon ng kaniyang ama. Si Kirst ang tinutukoy nito. Walang pag-aalinlangan na tumango siya. “Opo. Hindi ko po maiwasan na ma-miss siya

