ON THE way na si Kirst papasok sa kompanya nang umagang iyon nang madaanan ang isang partikular na tindero sa may gilid ng kalsada na medyo maraming tao sa paligid. Hindi kalayuan ay itinabi muna niya sa tabing highway ang kaniyang dina-drive na kotse dahil hindi na naman siya makakaatras pa pabalik dahil sa mga kasunod din niyang sasakyan. Sa pinaka-tabing kalsada ay may mga establishment. Halos mapa-second look pa sa kaniya ang mga nadadaanang tao nang makita siya. Naka-business suit nga naman siya na naglalakad sa may gilid ng kalsada. Magara ang kotse. Napaka-formal ng hitsura at ayos. Mula ulo hanggang paa, kita mo na hindi basta-bastang tao. Walang pagtatatlong-isip nang pumwesto si Kirst sa inalisan ng isang binatilyo sa harap ng Beef Pares vendor. Maging ang mga nakapalibot doon

