HINDI maikakaila ang saya sa mata nang mga kambal dahil sa mga palaro na inihanda sa mga ito para malibang habang hinihintay ang tamang oras para makilala ng mga ito ang ama. Matapos maglaro ng Pinoy Henyo ang ilang mga bata na naroon kasama ang mga kambal ay pinagpahinga muna ang tatlong kambal. Sa isang lamesa ay kasama ng mga ito ang mga bagong kalaro. Sasandali pa lang sila roon ngunit may mga naging kaibigan na agad ang mga ito. Isa iyon sa ikinatutuwa ni Nastya. Napaangat ang tingin ni Nastya nang lapitan siya ni Ehlae Ken. Agad ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi nang makita ito. "Ehlae," masaya pa niyang bigkas sa pangalan nito. "Thank you for everything." Kunway kinulikot pa nito ang tainga nito. "Nabibingi na ang tainga ko sa kaka-thank you ni Kirst. Tapos paglapit k

