"AGAIN, thank you, Kirstian," agaw ni Ehlae Ken sa atensiyon ng bata na natulala na sa kinaroroonan ni Kirst. Pinagsalikop ni Nastya ang dalawang kamay. Kaunti na lang at ma-re-reveal na ang katauhan ni Kirst. At siguradong ginugulo na ng buhok ni Kirst ang isip ng mga bata. Sa tingin niya kasi ay pamilyar ang buhok nito sa mga bata dahil noong magkakasama ang mga ito ay palaging pinansin ng mga iyon ang buhok ng ama. Huminga nang malalim si Nastya. Sunod namang dinala ni Ehlae Ken sa gitna ng stage ay si Christine. "For our final game... are you ready, Christine?" masiglang tanong ni Ehlae Ken sa pamangkin. "Yes po," ani Christine na humayon pa ang tingin sa kinaroroonan ng ama nito. "Kanina ko pa napapansin 'yong reaction mo sa daddy mo nang matanggal ang hat niya sa ulo. May naalal

